Chapter 50: Heiresses to Gangsters

3.5K 51 1
                                    

BEA

I woke up with my head punding. Halos hindi rin ako makapagsalita nang maramdaman ko ang init sa aking lalamunan. Fucking alcoholic drinks. Inalis ko ang comforter na nakabalot sa akin dahil sa init na nararamdaman ko. Nakabukas ba 'yung aircon?

Nakapikit kong hinilot ang sentido ko dahil sa sakit ng ulo ko. Nang tumapak ako sa sahig ay may narinig akong dumaing. Napamulat ako.

Ang mga singkit kong mata ay namilog sa aking nakita! Limang lalaking naka topless ang nakahiga sa sahig ng kwarto ko! Tumingin ako sa gilid ko at sa kabilang panig naman ay nakita ko ang apat na babaeng nakahiga sa kabilang parte ng kwarto.

Tumili ako. Bahagyang napabangon si Red dahil doon. Nakatakip an index finger niya sa tenga niya at halatang halata ang iritasyon sa kaniyang mukha.

Sinamaan niya ako ng tingin. "The fuck? Banshee ka ba?!" reklamo niya.

Binalot ko ang sarili ko nang minulat niya ang kaniyang mga mata. "Manyakis!" Nakasuot lang kasi ako ng manipis na nightgown.

Napabangon rin si Jay dahil doon. Nakapikit pa rin siya at mukhang inaantok pa rin. Nakaupo akong umusog sa dulo ng aking kama at siyaka sila hinagisan ng mga throw pillows na hinihigaan naman ng mga magagaling kong kaibigan! Bumangon si Sohe dahil nauntog ang kaniyang ulo sa malamig na sahig pagkakuha ko ng kaniyang unan.

"Bea, ang OA mo," tamad na sinabi ni Chris.

Kinuha niya sa pagkakacharge ang kaniyang cellphone at lumabas na sa kwarto. Binalingan ko ulit ng tingin ang mga lalaking naka hubad sa harapan ko. Nang mahagilap ko ang mga t shirt nila ay pinagbabato ko sa kanila 'yon at saktong tumatama sa kanilang mukha.

"Magbihis nga kayo! Nasa girl's property kayo kung wala kayong naaalala!" Sigaw ko sa kanila at kumaripas ng takbo papalabas sa kwarto ko.

"Sinong nagdala sa inyo dito?" Tanong ko kay Jaz na umupo sa high chair sa counter ng aking kitchen. Ang sabi niya okay lang raw siya tawaging Rin or Jaz. Mas nasanay ako sa Jaz kaya yun na lang.

"We brought our selves here." Kumuha siya ng gatas sa ref at siyaka iyon tinungga. Tsk! Hindi manlang nagawang magsalin sa baso! Mapapanis mga pagkain ko kapag siya kasama ko, e!

"Umalis na nga kayo!" sabi ko. "My trabaho pa akong kailangang gawin."

Napatingin ako kay Jay na papasok sana sa bathroom ng kwarto ko. "You can't use the bathroom. May mga banyo kayo diba?"

Bumuntong hininga siya a lumabas sa kwarto at papasok pa yata sa main bathroom ng penthouse ko.

"You can't use that one too. Umuwi na kasi kayo!"

Hinarap na niya ako. "Geez, just let me pee! Mayroon ka ba ngayon at ganiyan ka na kasungit?"

Namula ang pisngi ko. I just groaned in frustration. Mabuti naman at umuwi na silang lahat pagkatapos. Nagayos na ako para makapunta na sa work. I'm going to check the location of the reception hall where Chennel's niece will celebrate her sixteenth birthday.

Bukas na ang kaarawan at kailangan pulido at na check na ang lahat.

"Chennel!" sigaw ko kaya naman napaharap siya sa aking banda.

"Oh, Bea!" bati niya at siya bumeso sa akin.

"Okay na ba? Wala na bang problema? Okay ba 'tong nagawa ng team?" tanong ko sa kaniya.

Tumango siya. "Ang ganda nga, e! Parang debut na niya!"

Tumingin ako sa paligid. Maganda naman ang lahat kaya kaonting pagkilatis lang ang ginawa ko.

Heiresses to GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon