JAZ
Nandito ako ngayon sa kama ko at nakatutok sa digital alarm clock. 11:59 PM.
Maya-maya nag-iba ang oras nito at naging 12:00 AM.
"Yes!" Sigaw ko at kinuha yung PSP ko. Pinindot ko yung icon ng chat. I clicked our group chat and started calling them.
Conference call incoming from Beautiful Jaz....
Ang unang sumagot ay si Aubrey. Nagkukusot pa siya ng mata. "Why did you call at this time?"
"I'll tell you later, pag sinagot na nilang lahat," sabi ko habang nakangiti ng malawak.
Mayamaya sinagot na din ng apat. Huli si Bea na inis na inis yung mukha.
"Ano ba ang problema mo at sa ganitong oras ka natawag?!"
Tumawa ako ng mahina, "Hindi niyo ba alam? It's my birthday!" Sabi ko habang nakataas ang dalawang kamay.
Napaface palm naman si Bea at Sohe.
"Oh? Hindi ba kayo happy?" Sabi ko habang naka pout.
Humikab ai Chennel, "Pwede ba mamaya nalang? Bye," she ended the call.
Si Sohe naman nagsalita, "You know, I'm happy for you pero its freaking 12:00 AM!"
Naglog out naman si Chris bigla. Wala man lang siyang sinabi. Sunod naman na naglog out ay si Bea, Sohe at Aubrey.
Ang sama naman nila! Hindi manlang ako binati! Hindi ko sila i-invite sa debut ko!
-
Bumaba na ako mula sa kwarto ko. The maids greeted me a happy birthday pero nakasimangot lang ako. Ka-bad vibes yung mga ka-gang mates ko.
"Good morning," bati ni mom. "Ba't nakasimangot ka?" Nilapitan niya ko at inalalayang umupo. Hinainan niya ako ng pagkain.
Nagpout ako, "Kasi, sila Sohe ang bad nila sa'kin."
Tumawa siya ng mahina, "Magde-debut na kayong dalawa ni Sohe mamaya tapos nakasimangot ka pa. Cheer up."
Oo nga pala, sabay kami ni Sohe mag-debut. Last week pa yung birthday niya pero napag-usapan ng parents namin na isabay ang debut namin sa birthday ko. Pareho na kaming eighteen! Sa hotel nila Chennel gaganapin ang debut.
I smiled, "Okay!"
-
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nag-aayos na. I did my makeup but I looked like a clown so my mom did it for me instead. She also did my hair which is just a side twist updo.
"Ano gusto mo, ito? Or ito?" She stepped aside to present the maids that are carrying a gown each.
I narrowed my eyes. Bakit puro backless? Kung hindi naman backless, see-through yung harap. Oh my gulay. Ang hilig niyang pasuotin ako ng ganyan.
Binalik ko yung tingin ko sa game na nilalaro ko, "Can I choose 'or?'"
Mom gave me a bored look at binaba yung hawak niyang damit, "Ano ba ang gusto mo?"
"Kahit ano—" tinignan ko yung mga damit, "—basta wag lang po yung ganyan."
She sighed, "Fine, may damit pa akong binili kahapon just in case this happens." She gestured the maids to follow her. They did. I heard the door slam shut.
After a minute or so my mom returned with a smile too wide for my liking. I hope it's not another see-through.
"I have found the perfect dress for you, my dear!"
BINABASA MO ANG
Heiresses to Gangsters
ActionMay apat na hinahangaan sa buong eskwelahan: sila Chris, Sohe, Bea at Jaz. Iniidolo sila ng kapwa estudyante dahil bukod sa may itsura sila, matalino sila, hindi makabasag-pinggan ang kanilang kilos at mayaman pa. Sila ang sole heir ng kayamanan ni...