*Before anything can you please have time to read my other story entitled 'Kidnapped by Mr. Billionaire with Love'? Thank you*
---------
“Kailangan ko po talaga ng pera,” pagmamakaawa ko sa amo ko.
“After having an affair with my husband, do you think I will still accept you?” galit na sabi nito.
“Ma’am hindi po, wala po talaga akong ginagawang masama,” umiiyak na sabi ko rito.
Umiiling siya at pilit akong tinataboy. “And so? Who among the two of you is telling the truth?”
Napahikbi akong nakatingin sa kaniya. Humihingi ng patawad. Alam kong walang maniniwala sa akin dahil wala akong kakampi sa bahay na ito. Si Sir ang palaging nang-aakit sa akin at kasabwat niya ang anak niyang lalaki.
Umalis ako sa harapan niya at lumabas na ng subdivision. Wala akong mapuntahan dahil hindi ako tanggap ng pamilya ko. Hindi ako tanggap dahil hindi nila ako tunay na anak. Ampon lang ako at ngayong nagka-anak na sila ay ayaw na nito sa akin.
Tahimik akong naglalakad sa daan. Napapatingin na rin ang ibang tao sa akin dahil sa hitsura ko.
“Ate…” naiiyak kong sambit sa nagtitinda ng buko. Uhaw at gutom na ako dahil wala pa akong kain. Kanina pa ako lakad ng lakad hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ni wala akong dalang pera tanging isang bag na mga damit ko lang ang laman.
Napatingin ito sa akin. “Oh bakit?” masungit na tanong nito.
Pilit kong inaayos ang sarili ko bago siya kausapin. Kita ko ang pagtaas ng kilay niya pero wala siyang sinasabi. Tahimik lang din itong nakamasid sa akin.
“Pahingi po, kahit kaunti lang. Gutom na po ako at nauuhaw sa haba ng nilakad ko,” sabi ko rito.
Tahimik itong kumuha ng basong plastic at inilahad sa akin. Malaki ang ngiti ko ng matanggap ko iyon. “Salamat po,” ngiti kong sabi pagkatapos kong inumin iyon.
Tahimik lang itong nakatingin sa akin. “Nagpapanggap ka lang ba?” tanong niya matapos ang halos ilang minutong titig sa akin.
“Po?” tanong ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
“Ahh… siguro namamalik mata lang ako, gusto mo pa?” napatango ako sa sinabi niya.
Nagtagal muna ako ng ilang minuto bago naisipang maglakad ulit. Nandoon pa rin ang tingin sa akin ng mga tao. Napapayuko na lang akong naglalakad. Napapatingin na rin ako sa katawan ko. Okay naman ang suot ko at kaya lang saka ko pa lang naalalang wala pala akong tsinelas. Kaya pala ang sakit ng paa ko kanina pa. Hindi ko naman na ‘yun naisip pa kasi gutom at uhaw na uhaw ako kanina.
“Miss!”
“Miss!”
“Miss! Na walang tsinelas,” paulit-ulit na sigaw ng kung sino. Hindi ko mapigilang mapalingon sa likuran ko dahil wala naman akong tsinelas.
Kita ko ang lalaking humihingal. Nasa tuhod ang dalawang kamay nito at nakatingin sa akin. Napakunot ang noo ko sa kaniya. Bakit niya ako tinatawag?
“Bakit?” tanong ko ng makalapit ako sa kaniya. Kita ko kasing pagod na siya at hingal na hingal, hindi naman ako tumatakbo kaya hindi ko alam kung bakit niya ako hinahabol.
Ilang segundo muna siyang nakatingin sa akin bago umayos ng tayo. “May gusto lang kumausap sa ‘yo,” hinihingal na sabi nito.
“Sino po?” tanong ko dahil wala naman akong kakilala bukod sa amo ko. Hindi kasi ako pinapalabas noon sa pamilyang umampon sa akin kaya halos wala akong alam sa labas. At noong kinuha naman ako ng amo ko ay sa bahay lang din ako maghapon kasi may iba namang gumagawa para mag-grocery.
“My boss.”
Parang may kung anong kaba akong naramdaman sa sinabi niya. Boss? Hindi ba kadalasan sa mga ganiyan ay iyong mga sindikato? Nanginginig akong napatingin sa kaniya.
“H-he is n-not scary, I can’t promise you though,” sabi niya pero bulong ang huli niyang sinabi kaya hindi ko narinig.
“Bakit daw po?” wala naman siguro akong atraso sa kaniya dahil wala naman akong kaaway maliban sa pamilya ng amo ko.
“He just want to discuss very, very important matter with you,” sa nanginginig na katawan ay napatango ako sa sinabi niya.
Naglakad siya papunta sa isang magarang sasakyan. Natagalan pa akong makasunod dito dahil nahihirapan akong tumawid sa daan. Nang makita niya iyon ay bumalik siya para kunin ako. Kinakamot niya ang ulo habang papunta sa akin. “Sorry,” paumanhin nito.
Tumango lang ako sa kaniya. Sino naman kasi ang mag-aakalang sa tanda kong ‘to ay hindi pa rin ako marunong tumawid sa daan.
“Saan ba ang boss mo?” tanong ko sa kaniya dahil noong binuksan niya ang sasakyan ay wala namang tao sa loob.
“Ahh… nauna ng umuwi,” sagot niya.
Nang nasa harap na ako ng kotse ay gusto kong umurong dahil sa nanliliit ako sa hitsura ko. Parang kapag tatapak ako ay madudumihan ang sasakyan.
“Come on in.” Nang buksan niya ang pinto ay napilitan akong pumasok pero tuwid lang akong umupo takot na baka may masirang kahit ano. Alam kong mahal ito at wala akong pambayad dahil wala akong pera at trabaho.
Pagkatapos ng ilang minutong biyahe ay huminto kami sa isang magarang mansyon. Gulat akong napatingin sa kasama ko nagtatanong kung totoo ba talagang dito kami.
“Boss is waiting inside,” imporma niya kaya naghintay na lang ako sa kaniya. Nasa likuran niya ako habang papasok kami sa isang magarang pasilyo. Wala akong mailalarawan sa lugar na ito kung hindi ang gara ng bawat paligid. Kahit siguro damo rito ay mahal din.
“Si boss, Manang?” tanong niya sa matandang nakaupo sa mahabang upuan. Akala ko ba naghihintay na? Bakit hindi niya alam kung saan?
“Nasa taas pa iho,” nakangiting sagot nito.
Umupo muna kami sa sofa habang hinihintay ang sinasabing boss ng kasama ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan niya kasi hindi naman siya nagpakilala kanina habang nasa biyahe kami kaya hindi na rin ako nagpakilala pa sa kaniya.
“Boss,” sabi ng nasa tabi ko. Mabilis akong tumayo at tumingin sa lalaking nasa harapan namin.
Halos wala akong makitang reaksyon sa mukha nito nang magtama ang mga mata namin pero sa seryoso ng mukha nito ay parang nakakatakot siyang tingnan. Napayuko agad ako ng tumaas ang kilay niya sa akin. Parang nakakatakot naman dito.
“You may go,” sabi niya.
Kaya umalis ako sa harapan niya ng nakayuko. “Not you,” medyo may galit niyang sabi kaya napatingin ako sa kaniya at napaturo sa sarili.
“Stay here, my future wife.”
BINABASA MO ANG
Billionaire's Crucial Wife (R18) - COMPLETED
RomanceWARNING!!!! MATURE CONTENT!!! COMPLETED!!!!! What would you do, if one day all people will chose throw you out of their life? Irene a 24 years old young lady has been unluckily suffering life's challenges too much but she still wanna keep on fight...