"Who told you that you can go out clubbing? And really with another man? What were you thinking?"
Galit na galit si Adrian habang nagmamaneho. Pauwi na kami ngayon at nadatnan niya kaming masayang nag-uusap ni Albert.
"Wala naman kaming ginagawang masama," inis kong sagot sa kaniya.
Kung galit siya ay galit din ako. Akala niya siguro hindi ko nakita ang kasama niya ng dumating sila sa bar.
"Still! You have a husband. What? You want to cheat already?" galit niyang sigaw.
Sa galit niya ay tinabi niya muna sa gilid ang sasakyan at nanlilisik ang mga matang tumingin sa akin.
"Cheat? Nag-uusap lang naman kami. Ang dumi ng isip mo."
"He held your hand and still? That's nothing?"
Hindi ko na siya sinagot pa at baka mas lalong lumala ang away namin. Nanahimik na lang akong nakatingin sa daan.
Hindi niya muna pinatakbo ang sasakyan at parang pinapakalma niya muna ang sarili.
Gusto kong isumbat sa kaniya ang lahat ng ginagawa niya sa akin pero wala akong karapatan para panghimasukan siya sa mga ginagawa niya.
Kasal kami, oo pero hindi ibig sabihin ay pwede na kaming maghimasok sa buhay ng isa't isa, lalo na kung hindi naman kami nagmamahalan.
"You won't eat?"
Umakyat lang ako sa taas ng hindi siya sinasagot. Pumasok ako sa kwarto niya para kumuha lang ng damit bago pumasok sa isang bakanteng kwarto.
Malinis naman ang mga kwarto rito kasi palagi namang nililinisan ng mga kasambahay.
"Hindi mo nga napansin ang nagbago sa akin. Mas inuna mo pa ang galit mo," mapait kong saad habang nakatingin sa sarili ko sa salamin.
Kung noon ay mukhang boring ang mukha ko dahil sa wala kung anong nakalagay ngayon naman ay parang iba ang ganda na dinulot ng ginawa sa akin.
Dahil sa blonde na kulay ng buhok ko ay parang lumilitaw pa ang ganda ko.
Nagising na lang akong nasa kwarto na ako ni Adrian. Sa pagkakatanda ko kagabi ay sinarado ko ang pinto.
Dahan-dahan lang ang naging galaw ko ng makita si Adrian sa gilid ko. Nakayakap pa ang kamay niya sa bewang ko.
Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto ni Adrian at bumalik sa tinulugan ko kagabi. Gusto ko pang matulog at hindi ako makakatulog ulit kapag alam kong siya ang katabi ko.
Nagising ako nang maramdamang kumukulo na ang tiyan ko. Hindi pala ako kumain kagabi at siguro dahil na rin juice lang ang ininom ko kagabi.
Nagulat na lang akong katabi ko na naman si Adrian. Hindi sa kwarto niya kung hindi sa kwarto na tinulugan ko.
"Epal," hindi ko mapigilang sambit. Wala na akong paki-alam kung marinig man niya o hindi pero sana narinig niya ng malaman niyang ang sarap niyang bugbugin.
"Kumain na po kayo, Manang?" tanong ko kay Manang na hinandaan agad ako ng pagkain pagkababa ko.
"Kanina pa. Huwag mo na kaming alalahanin. Kumain ka lang diyan ng kumain."
Natigil ako sa pagsubo ng kanin ng marinig ang tunog ng doorbell.
"Ako na," presenta ni Manang at nagpunas muna ng kamay bago umalis ng kusina.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Alam kong kay Adrian lang ang mga bisita rito kasi bahay niya 'to at wala talaga akong kaibigan.
"Where's Adrian?" automatic na napalingon ako sa kung saan nanggaling ang boses na 'yun.
Nagtama ang tingin namin ng kababata ni Adrian na si Kimdrea pero parang hindi niya lang ako nakita at umalis agad ng kusina.
Anong ginagawa niya rito? Hindi pa ba siya nakuntento sa halos dalawang linggo na magkasama sila?
Mabilis kong tinapos ang pagkain ko. Mabuti na lang at hindi pa ako naligo kaya may idadahilan ako para pumasok sa kwarto.
"Are you okay?" malanding tanong ni Kimdrea.
Dahan-dahan lang ang pagbukas ko sa pinto pero iyon agad ang narinig ko. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at nagpakita na sa kanila.
Tinapunan ako ng mapupungay na tingin ni Adrian. Hindi na siya nagulat sa pagdating ko. Kakaligo niya lang din dahil basa pa ang buhok niya.
Dumiretso agad ako sa closet. Hindi ko iyon sinarado para marinig pa ang usapan ng dalawa.
"Let me have my rest today. We'll see each other tomorrow," tamad na sabi ni Kim.
Hindi ko na narinig pa ang sinabi ni Kim kasi pumasok na ako sa banyo.
Magkikita pa talaga kayo bukas.
"Can we talk?"
Hindi ko siya pinansin. Katatapos ko lang maligo at nagsuklay na ako ng buhok. Hindi ako sanay na gumagamit ng blower kasi hindi naman ako nakakagamit noon kahit sa una kong amo.
"Are you just gonna ignore me all day?" tanong niya. Nakalapit na siya sa akin pero umaalis ako kapag malapit na siya.
"Sige hawakan mo ako. Baka sa susunod ay basag na mukha mo," pagbabanta ko ng hawakan niya ang kamay ko para pigilan ako kakalakad.
Hindi niya ako pinakinggan at hinawakan ang kamay ko. Napa-angat ako ng tingin sa kaniya dahil sa ginawa niya.
"I'm sorry if I said something about you," diretsong sabi niya habang nakatingin sa mata ko.
"Alam kong wala akong karapatan sa'yo. Pero sana naman ay bigyan mo ako ng karapatan para sa sarili ko. Ayaw kong mabulok sa bahay na 'to. Ayaw kong may kasamang bodyguard kapag aalis ako. Ayaw ko ng mga kung ano-ano. Gusto ko lang malaya akong nagagawa kung ano ang gusto ko kasi 'yun na lang ang magpapasaya sa akin," naiiyak kong sabi.
Parang ang unfair naman yatang nagagawa niya lahat ng gusto niya samantalang ako ay kailangan pa na magsabi sa kaniya kung saan ako pupunta.
"And what? Let you mingle with your guy?"
"Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na hindi ko siya lalaki?" hindi ko mapigilang sigaw.
Umusbong lahat ng galit ko sa sinabi niya. Walang kwenta lang kung magpapaliwanag pa ako sa taong makitid ang utak.
"No. You are not going anywhere," may diing sabi niya.
"Ano ba! Nasasaktan ako!" sabi ko nang higpitan niya ang hawak sa'kin.
Hindi niya ako narinig at galit lang na tingin ang binigay sa akin.
"You stay here. Inside this room."
Naiiyak akong napatingin sa kamay kong namumula na sa higpit ng hawak niya.
"You stay here with me," sabi niya at agad akong hinalikan kasabay ng mga luhang tumatakas sa mata ko.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Crucial Wife (R18) - COMPLETED
RomanceWARNING!!!! MATURE CONTENT!!! COMPLETED!!!!! What would you do, if one day all people will chose throw you out of their life? Irene a 24 years old young lady has been unluckily suffering life's challenges too much but she still wanna keep on fight...