Isang linggo ang nakalipas ay hindi pa rin umuuwi si Adrian. Hindi na rin siya nagparamdam, ang huling tawag niya ay ‘yung pumunta kaming bahay ampunan.
“Ako na po,” sabi ng kasambahay. Parang nagiging okay na rin ang trato nila sa akin. Hindi na sila gaanong masungit kapag kinakausap ako.
“Sandali lang, Rick,” sabi ko kay Ricky. Ricky pala ang tunay niyang pangalan. Nalaman ko lang kay Manang kasi hindi naman nagkukwento si Rick tungkol sa buhay niya.
“I’ll just wait here,” saad niya at nilabas ang phone. Kanina pa siya naghihintay sa akin kaya kailangan ko ng magmadali. Naisipan kong lumabas kasi nabuburyo na ako sa bahay. Hindi ko naman palaging kausap sila Manang kasi may trabaho, kahit wala si Adrian ay sige pa rin sila sa mga gawaing bahay.
Nang makapasok sa kwarto ay agad akong naghanap ng pwedeng suotin. Magkikita raw kami ni Ate Regine ngayon sa mall. May kalayuan ito sa amin kasi roon ang gustong mall ni Ate Regine.
“You are learning,” masayang sabi ni Ate Regine nang makita ang suot ko. Simpleng croptop lang naman pero kaunting balat lang ang nakikita at high waist short na binili niya sa akin.
Sino namang hindi mag-aayos kung ang message niya sa akin ay nakakatakot. Kapag hindi raw maayos ang suot ko ay ipapalapa niya ako sa aso. Alam ko namang joke lang iyon pero siguro kailangan ko ring mag-ayos para sa sarili ko.
I want to improve myself for the better. Kahit sa simpleng paraan lang.
“Hi! Rick,” bati ni Ate Regine nang mapansin si Rick sa likuran ko. Wala akong nakikitang mga bodyguard sa paligid namin. Tama nga ang sinabi ni Ricky na hindi mo sila mapapansin pero nakabantay lang sila.
“Hi,” tipid na sagot ni Rick.
Karamihan ng pinasukan namin ay sa mga mamahaling botique. “Don’t worry about it, Adrian won’t mind. He gave it to you so, he wants you to buy your own needs and wants. What his is yours as well.”
Maraming pinasukat sa akin si Ate Regine. “You should change your actions, the way you walked, sit, and all. You need to be the center of attention of every people. Your not Adrian Madrigal’s wife for nothing. Show them what you’ve darling,” nakangiting sabi niya.
Tanging tango lang ang sagot ko sa kaniya. “Let’s improve your looks, your hair is too boring.”
Kanina pa kami palakad-lakad sa buong mall pero hindi pa rin kami natapos. “Paano ang mga bodyguard?” tanong ko kay Rick. Kumakain na kami ngayon pero natigil ako ng maalala ang mga bodyguard.
Anong oras na rin kaya gutom na sila. “They are well taken care of, don’t worry about them.”
Hindi karamihan ang tao sa loob ng restaurant na ito. Siguro dahil ang mahal ng mga pagkain peo sulit naman kaya lang parang pagkatapos mong kumain ay mapapaisip ka kung tama bang gumastos ka ng gan’un kamahal.
Pero normal lang naman sa dalawang kasama ko. Sanay na sanay na sila.
“Wow! What a magnificent transformation.”
Napatingin din akosa sarili ko sa salamin. Nakatitig lang ako sa mukha ko. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko sa laki ng pinagbago nito. Ang mahaba kong buhok ay hanggang balikat na lang at si Ate Regine ang pumili ng kulay sa buhok ko. Medyo reddish ito na siyang bumagay lang sa mukha ko.
Parang bata akong napatingin sa nag-ayos sa akin. “Salamat po,” masayang sabi ko.
“You’re welcome. Hindi ka naman mahirap ayusan kasi maganda ka naman.” Bakla ang nag-assist sa akin. Kakilala ni Ate Regine kasi kanina pa sila nag-uusap at mukhang close naman sila.
“Now you are good, you should enjoy this day. I heard uuwi na ang pamangkin ko bukas. Maybe a little fun today is enough,” bulong nito sa akin.
“Po? Wala naman akong pupuntahan,” sagot ko. Wala naman akong pupuntahan kasi ngayon nga lang ako nakakalabas ng bahay. Kailanman ay hindi ko naranasang makalabas ng bahay ng isang buong araw. Kailangan talagang sa bahay agad pagkatapos ng skwela dahil iyon ang dapat kong gawing kung gusto ko pang may mauuwian.
“Don’t worry, we will drink for tonight.”
Maingay sa loob ng bar at nakakasilaw ang mga ilaw. Nakasunod lang ako kay Ate Regine na masayang naglalakad sa loob ng bar. Nang makahanap siya ng upuan ay nakahinga ako ng maluwag. Parang nahihilo ako sa ilaw.
Napapayag ni Ate Regine si Rick na hindi sumunod sa amin. Nasa labas lang sila at hindi na pumasok. Siguro okay lang din kasi baka magsumbong pa sila kay Adrian.
“A tequila please,” sabi ni Ate Regine sa waitress. Napakaganda ng babae, ngumiti ito sa amin bago umalis. “Loosen up, walang mawawala kung magsasaya ka ngayon. Don’t mind Adrian, napakalaking gago ‘yun.”
“Hi,” napatingin ako sa nagsalita. Wala na si Ate Regine sa table namin kasi sumasayaw na siya sa gitna?
“Bakit po?” tanong ko. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nasa madilim na parte kami.
“I’m Albert, I think I have seen you somewhere.”
“Gasgas na ‘yang linyang iyan,” sagot ko. Kita kong umupo ito sa tabi ko kasabay ng pagliwanag ng ilaw. Tapos na pala ang sayaw.
“Boracay!” bigla kong sambit ng makita ang mukha niya. Siya iyong kumuha sa scarf ko. “Sorry nga pala sa nangyari,” paghingi ko ng tawad ng maalala na sinuntok siya noon ni Adrian. Hindi ko na alam kung anong sunod na nangyari kasi nawalan na ako ng malay noon.
“It’s okay. At least I saved you. Is he really your husband? I’ve seen him with other girl though,” sabi niya. Umayos ako ng upo para maayos siyang makausap.
“Salamat nga pala sa ginawa mo at sorry kung nasuntukan ka pa ng asawa ko. Mag-asawa lang naman kasi kami sa papel,” pag-aamin ko ng totoo. Kasal kami sa papel at sa paningin ng tao pero hindi ang aming mga puso.
“What’s that? Is arrange marriage still applicable nowadays?” nakakunot na tanong nito sa akin. Mabuti na lang talaga at hindi ako uminom kasi sa ilaw pa lang nahihilo na ako. Ayaw ko namang iwan si Ate Regine rito.
“Siguro kasi naangyari sa akin?” pabirong sagot ko. Napangiti siya ng matawa ako.
“You’ve changed though, I couldn’t recognize you earlier but you really looked familiar that’s why I approached you.”
“Nagmukha na ba akong tao?” tumango siya sa akin. “Ang sama mo naman, parang inaamin mo rin na pangit ako,” birong pagtatampo ko. Ewan ko pero ang sarap niya kausap at mabait pa.
“You’re beautiful before, but now you have upgraded into a goddess and that’s a fact.”
BINABASA MO ANG
Billionaire's Crucial Wife (R18) - COMPLETED
RomanceWARNING!!!! MATURE CONTENT!!! COMPLETED!!!!! What would you do, if one day all people will chose throw you out of their life? Irene a 24 years old young lady has been unluckily suffering life's challenges too much but she still wanna keep on fight...