Kanina pa ako nakatingin kay Adrian at sa babaeng kanina pa niya kausap. Kanina pa lang natapos ang kasal pero iba ang kausap niya.
Masaya silang nagtatawanan at nagkukwentuhan. Narinig kong kakauwi lang ng kababata niya galing sa ibang bansa at ngayon lang ulit nagkita matapos ang ilang taon.
"You can sleep in your room," sabi sa akin ng tita ni Regine. Nakatingin din ito sa tinitingnan ko pero parang sanay na siya sa nakikita.
Hindi ako umakyat sa taas at naghintay na lang hanggang matapos ang usapan ng dalawa. Marami pa rin namang mga bisita.
Gusto kong maligo sa dagat kaya lang ay dumidilim na. Nakakatakot na maligo baka may kung ano akong mahawakan sa dagat. Malinis naman ang dagat at puti ang buhangin pero first time kong makaligo sa dagat.
Makalipas ang ilang oras ay umaalis na pa unti-unti ang mga bisita pero ang dalawa ay hindi pa rin tapos.
Adrian is smiling but you can really tell that he is a cold man. Parang kapag ngingiti siya ay babalik na naman sa pagiging suplado ang mukha niya pagkatapos.
Tumayo ako para kumuha ng pagkain. Nagugutom na ako kakahintay sa kanilang dalawa.
Iyong Tita ni Adrian ay umalis na sa tabi ko. Umakyat na rin sa itaas ang lola ni Adrian. Natakot ako kanina dahil sa seryosong mukha ng matanda. Parang may rason nga si Adrian kung bakit siya natatakot sa lola niya.
"Drinks ma'am," mabilis akong umiling sa offer ng caterer.
Masasarap ang mga pagkain at nakakagutom talagang tingnan dahil unang tingin mo pa lang ay matatakam ka na.
"Thank you," nakangiting sambit ko ng kuhanin niya ang isang plato ko dahil halos hindi ko na mahawakan.
"You're welcome ma'am. You look young and may asawa ka na, I didn't mean it as an offense but I just wanted to say, you are beautiful," mahabang sabi niya.
Napayuko ako sa sinabi niya. This man can make my heart flutter. Minsan lang ako makatanggap ng mga ganitong compliment na sincere. Minsan kasi alam kong bola lang at may kasunod pa na bastos na mga salita.
"Thank you," ulit ko. Hawak ko ang isang plato at siya naman sa isa at may inumin pa.
Nakasunod lang ito sa akin habang naglalakad ako papunta sa kung nasaan ako nakaupo kanina.
"Thank you ulit," parang hilig kong sabihin ang thank you ngayon.
Nakangiting tumango ito at umalis na para bumalik din sa pwesto niya. Tahimik akong kumakain. Iilan na lang ang nakikita kong nandito sa dalampasigan.
Nandito pa rin ang mga magulang ni Adrian. Mukhang mabait naman sila pero nahihiya lang akong kausapin sila. May kausap din naman silang kakilala.
Halos wala akong kakilala sa mga taong nandito dahil sila lang ang nag-imbita ng mga bisita.
"How are you?"
Napalingon ako sa kaliwa ko ng marinig ang boses na iyon. "Okay lang po," sagot ko. Tinigil ko muna ang pagkain dahil nahihiya akong kumain habang nandito ang ina ni Adrian.
"Good. I hope I can get to you more kaya lang may business trip na naman kami. But I will make time for you if I will have my vacation," nakangiting sabi niya.
Ang banayad ng boses niya iyong alam mong hindi makabasag pinggan.
"Okay lang po, baka makaabala pa ako sa inyo," wika ko. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.
Agad ko namang hinila kasi nagkamay ako baka madumihan ang kamay niya. "Madumi po ang kamay ko," sabay pakita ko sa mga sauce na nasa kamay ko pa.
Halos lahat ng nakahanda ay seafoods kaya kailangan mong magkamay.
"It's okay. I think I might join you here. Hindi pa rin ako kumakain," pagkasabi niya noon ay nagtaas siya ng kamay para kuhanin ang atensyon ng crew.
May dumating naman agad. Sinabi niya ang gusto niyang kainin. Nagpadagdag din siya ng kanin at inumin.
"I heard my son forces you," panimula niya.
Napilitan akong tumango sa sinabi niya. "Don't worry he's a good man. He's just sometimes cold but he is sweet and a possessive man. So, don't make him jealous."
"Wala naman po kaming nararamdaman sa isa't isa," nahihiyang pag-aamin ko.
"One day you will woke up, mahal niyo na ang isa't isa. I am not supporting his idea about this marriage but I understand he is not getting any younger. He wants to have a breed too," natatawa niyang kwento.
Napangiti ako sa kaniya. Ang gaan niya kausap. Parang palagi lang siyang nakangiti. Pero alam mo talagang ma-i-intimidate ka sa kaniya.
"Thanks," tipid nitong sabi sa crew.
Tahimik lang akong kumakain habang siya naman ay puro kwento lang tungkol sa anak niya.
"Don't be jealous with her, she's just a friend and nothing more. Alam kong walang nararamdaman ang anak ko sa kaniya. Just a little sister maybe," biglang sabi niya ng mapatingin ako sa dalawa na hanggang ngayon ay nag-uusap pa rin.
"Hindi naman po," tanggi ko dahil hindi naman ako nagseselos at bakit naman ako magseselos?
"Ganiyan din ako noon but I am really jealous ayaw ko lang sabihin sa asawa ko baka magalit na siya sa kakaselos ko sa mga bagay na hindi naman dapat," sumubo siya ng pagkain at tumingin ulit sa dalawa.
"Hindi naman po, wala naman po akong gusto kay Adrian."
"Right now. But sooner, mamahalin mo rin iyan," saad niya. Bakit parang pinagtutulakan niya ang anak niya sa akin? Mukhang lahat na lang yata ng mga sasabihin niya ay pino-promote niya ang anak sa akin.
"Siguro po," tanging nasagot ko.
Ngumiti ito sa sagot ko. Malapit na kaming matapos. Natagalan ako at maraming nakain dahil nakikinig lang ako sa sinasabi niya.
"Oh siya aalis na ako, paparating na siya," kinikilig niyang sabi.
Naglalakad na papunta sa pwesto ko si Adrian. Nasa likuran niya ang babae pero natigil lang at sinundan ang ina ni Adrian na bumalik sa asawa niya.
"What did you guys talked about?" tanong agad niya ng makaupo sa tabi ko. Napatingin ito sa mga plato na nasa mesa. Madami iyon dahil hindi ko alam na malakas din kumain ang Mommy niya but still she's in good shape.
"Wala," sabi ko at uminom.
"By the way, I won't sleep with you tonight. So, you can have the room all by yourself."
BINABASA MO ANG
Billionaire's Crucial Wife (R18) - COMPLETED
Storie d'amoreWARNING!!!! MATURE CONTENT!!! COMPLETED!!!!! What would you do, if one day all people will chose throw you out of their life? Irene a 24 years old young lady has been unluckily suffering life's challenges too much but she still wanna keep on fight...