Chapter 26

2.6K 78 5
                                    

Tamad akong bumangon sa kama. Wala na si Adrian paggising ko. Ngayon na raw kami uuwi. May parte sa aking gusto pang manatili rito pero hindi pwede.

"Finally!" nagising agad ako nang marinig ang sigaw ni Ate Regine. Akala ko ay nagkamali lang ako ng dinig pero hindi dahil nandito na siya sa bahay ni Adrian.

"Ang tagal niyong umuwi ah. It looks like you enjoyed the place."

"Kanina ka pa po?" inaantok na tanong ko. Parang gusto ko pa ring matulog. Wala na si Adrian kasi dumiretso na sa opisina.

"I just arrived. What? Are you pregnant already?" masayang tanong ni Ate Regine.

I shook my head. "My nephew is a shooter. I know he can shoot it well."

Napatango na lang ako sa sinabi niya. Magaling naman si Adrian. Inaamin ko.

"Do you want to go back to sleep?"

Tumango rin ako sa tanong niya. Gusto ko talagang matulog muna. "Okay, I will be back later. Sleep well."

Nang makalabas ito sa kwarto namin ni Adrian ay bumalik ako sa pagtulog.

"Kanina ka pa?" tanong ko.

Nagising ako dahil sa kalabog ni Adrian. He looked so guilty when he saw me woke up. "Sorry," tipid lang na sabi nito.

Bumangon na lang ako. Hindi pa pala ako kumain ng pananghalian. Alas kuwatro na.

Siguro ay kanina pa siya dahil nakabukas ang tv pero mahina lang ang volume nito.

Hindi ako bumaba para kumain kasi malapit na rin namang gumabi. Kakain na naman ulit.

Nakaupo ako sa kama. Lumapit siya sa kama at nahiga habang nakatingin sa tv. Umayos ako ng upo para makasandal sa headboard.

Ingay galing sa tv at aircon lang ang maririnig sa loob ng kwarto. Tinatamad din akong magsalita.

"Thank you," ngiting saad ko nang ayusin niya ang sandalan ko dahil medyo nahihirapan ako.

Hindi siya nagsalita at binalik lang sa tv ang tingin. "Kumusta ang trabaho mo?" pagbubukas ko ng usapan. Ayaw kong bumalik na naman sa dati ang pakikitungo niya sa akin.

"Fine."

"Okay."

Wala na akong maisip na tanong pa dahil parang pagod siya at ayaw kumausap din.

"You have your visitor outside," biglang sabi niya ng tumahimik na. Saka ko pa lang naalala na nandito pala si Ate Regine kanina pero tinulugan ko lang.

"Salamat."

Umalis na ako sa kama ng tuluyan at nagbihis. Naka-sleeveless kasi ako kanina at walang bra. Baka magalit si Adrian may mga lalaking tauhan pa naman siya sa ibaba.

"Hindi ka bababa?" tanong ko sa kaniya matapos kong magbihis. Naka-tshirt na ako at short.

Binalingan niya ako at tamad na kinuha ang remote para patayin ang tv. Kita ko ang pagtitig niya sa akin ng magtali ako sa harapan niya.

Medyo nailang ako sa paraan ng pagtitig niya kaya minadali ko iyon at tipid na ngumiti rito.

"Hindi naman na kailangan," sabi ko nang hawakan niya ang kamay ko. Bababa lang naman kami.

May parte sa aking masaya at unti-unting umaayos ang pakikitungo ni Adrian pero nakakailang naman kapag nagiging sweet siya sa akin.

"Let's go," balewala niya sa sinabi ko.

Tahimik ang buong bahay. Wala rin akong nakikitang kasambahay sa itaas na naglilinis.

"Oh my! What's that?"

Parang umakyat lahat ng init sa mukha ko dahil sa tanong ni Ate Regine. Nakatingin siya sa kamay namin ni Adrian. Binawi ko iyon pero mahigpit ang kapit ni Adrian dito.

"Stop minding others relationship. You should focus on your relationship," malamig na sabi ng katabi ko.

Umupo kami sa mahabang sofa, sa harap ni Ate Regine. Binigyan niya ako ng nakakalokang ngiti. I saw her gave me a thumbs up too.

"Patay na ba ang kababata mo?"

Agad na tumalim ang tingin ni Adrian kay Ate Regine. "What's your problem with her?" galit niyang tanong. Naramdaman ko ang pagluwag ng hawak niya sa kamay ko.

"Nothing. Stop shouting at me, young man. Baka gusto mong isumbong kita sa mama."

"Whatever."

Ngumiti si Ate Regine at bumaba ulit ang tingin sa kamay namin ni Adrian. Parang proud na proud siya sa nakikita niya ngayon.

"Should we go out for a dinner?" tanong ni Ate Regine.

"No, I will cook."

Napatakip agad ako sa tenga ko nang marinig ang malakas na sigaw ni Ate Regine pero parang sanay na si Adrian dahil hindi nag-react at galit lang na tumingin kay Ate.

Umigting ang panga niya sa galit. Matalim ang mga matang ipinukol kay Ate.

"Stop acting like a kid."

"Okay lang, cute naman," singit ko.

Sa akin naman binaling ni Adrian ang galit niya kay Ate Regine. Umiwas na lang ako ng tingin. Nagtama ang tingin namin ni Ate at natawa siya sa nangyari.

"I have a supporter. Should I model na?" maarteng tanong niya pero hindi iyong arte na maiirita ka. Kung hindi iyong matutuwa ka pa dahil sa kulit nito.

Nakita ko na si Ate Regine kung paano siya makitungo sa ibang tao at mapapatanong ka rin talaga kung bakit iba ang trato niya sa'yo.

"Stop being ambisyosa. Walang kukuha sa ugali mo."

"Ikaw nga walang may gusto ng ugali mo pero namilit ka hindi ba?" pang-aasar ni Ate Regine.

Pabalik-balik na lang ang tingin ko sa dalawa dahil sa mga binabato nilang linya.

"Hindi ba, Rin?" baling ni Ate sa akin.

Hindi ako makasagot dahil malalim ang tinging ibinibigay sa akin ni Adrian pero naramdaman ko ang marahang paghaplos niya sa kamay ko na parang sinasabi na huwag mo akong ipahiya.

"Prepare na tayo for dinner, magdidilim na," sabi ko na lang at tumayo.

"Hindi pwede ang balimbing dito, Rin. Kailangan mong saktan ang gagong iyan," sabi ni Ate at nanghahamon na tumingin kay Adrian.

"No beef steak for you."

Biglang lumambot naman ang mukha ni Ate at mabilis na pumunta sa aming tabi at niyakap si Adrian. Lumayo pa ako ng kaunti dahil naapakan niya ang paa ko pero hindi masakit masyado kasi natanggal ko naman.

"I love you, my dear nephew. Walang sapilitang naganap hindi ba, Rin?" may bahid ng sarcasmo ang boses nito.

"Wala po. Pinakasalan ko po siya dahil sa gwapo siya at hot, total package na ang galing niya sa kama," malaki ang ngiti ko ng sabihin ko iyon.

"Oh my! You sing and dance, my dear nephew?"

Billionaire's Crucial Wife (R18) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon