"Sa susunod na araw agad?" gulat kong tanong kay Adrian.
Kumakain kami sa isang restaurant. Hindi ko alam kung bakit niya ako inaya rito. Gabi na rin kaya madami-raming mga tao rito.
Basta pagkatapos ng nangyari kanina ay inaya niya akong lumabas n'ung maggagabi na.
"What do you think?" nakataas na kilay na tanong nito. "My parents will be home tomorrow."
"Akala ko ba sa weekend pa?" iyon kasi ang narinig ko kaninang sabi niya kay sister.
Sumubo muna siya bago ako sinagot. Malapit ko ng maubos ang pagkain ko kaya lang tinipid ko kasi ang mahal masyado ng pagkain parang isang taong pagkain ko na rin.
"Change of plans. Don't you like it? Because I like it."
Napairap ako sa sinabi niya. "Of course. Ang manyak mo kasi," pag-aakusa ko sa kaniya kasi totoo naman.
He smirked. "I am not going to deny it because I know you have such perverted mind too," kampanteng sabi niya.
Ako pa talaga naging manyak?
Hindi na ako nakipag-away pa at inubos na lang ang pagkain ko. Baka mamaya kung saan na naman kami mapunta sa away na 'yan.
Nang matapos kami ay umalis na rin. Tahimik lang akong nakasunod sa kaniya dahil wala akong alam kung saan na naman kami pupunta.
"You want to watch movie?" tanong niya ng makapasok na kami sa sasakyan niya.
Pinaandar niya kaagad iyon at mabilis na pinaharurot. Sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi pa ako nakapag-seat belt.
"Huwag na. Hindi naman ako mahilig sa mga ganiyan," tanggi ko dahil parang inaantok na ako.
Anong oras na rin at parang napagod ang katawan ko sa mga nangyari ngayong araw.
Napahinto kami sa isang magarang subdivision pero hindi siya lumabas dahil may pumasok na isang lalaki.
"Ohh..." gulat niyang sabi ng makita ako sa harapan ng kotse pagbukas niya. Mabilis niyang sinarado ang pinto ko at pumasok sa likuran. "Bakit parang ang dami niyo namang babae ngayong linggo?" kunot noong tanong nito kay Adrian.
Kita ko ang pagtaas ng kilay ni Adrian ng makitang nakatitig lang ako sa lalaki gamit ang mirror. Hindi ko iniwas ang tingin ko sa kaniya ng taasan niya ako ng kilay.
Sa akin ka pa talaga may ganang gumanyan.
"Shut up," masungit na sita ni Adrian sa lalaki.
"By the way. Vince is planning to divorce Miley. Vince is such a pain in the ass. They're going to have a baby and he's really, really crazy," kwento noong lalaki.
Ayaw kong makinig pero dahil sa nasa isang sasakyan lang kami ay hindi ko maiwasang makarinig.
"Stop meddling with their life. Let Vince realize his mistake."
Nagpatuloy sila sa pag-uusap pero nakatingin lang ako sa daan. Nang makarating kami sa bahay ay agad akong bumaba at pumasok ng kwarto.
Hindi ko na sila hinintay pa dahil busy sila sa kwentuhan at parang gusto ko na talagang matulog.
"What happened to Diana?" nagising ako sa tanong n'ung lalaking kasama ni Vince. Nasa bukana sila ng pintuan. Parang kakarating lang.
"I don't want to think about it for now."
"Did you heard about that bastard?" pag-iiba ng topic ng lalaki. Nakikinig lang ako sa kanila hanggang sa makatulog ulit.
"Bakit parang nagmamadali po kayo?" takang tanong ko kay manang dahil sa hindi naman ako kinakausap ng ibang kasambahay si manang lang ang lagi kong nakakausap.
Nilingon ako ni manang saglit bago nagpatuloy sa pagluluto. "Pupunta raw si Madam ngayon," sagot ni manang.
Akala ko ba mabait sila tapos bakit parang takot sila ngayon? "Iyong Mommy ni Adrian po?" naguguluhang tanong ko.
Umiling si manang. "Iyong tita niya. Hindi iyon kabaitan kaya ganito kami palagi kapag siya ang bibisita," sagot ni manang na parang natatawa sa ginagawa nila.
"Tulungan ko na po kayo?"
"Huwag na iha, baka mapagalitan pa kami ni Sir. Sa sala ka na lang muna nakabukas naman ang tv."
Imbes na pumuntang sala ay bumalik ako sa kwarto namin ni Adrian. Tulog pa rin siya kaya nagligpit muna ako sa mga damit at inayos ang mga gamit.
Bumalik lang sa baba para magpatempla ng kape kasi hindi ako marunong bago bumalik sa taas.
Pumunta akong balcony para doon maghintay na magising si Adrian. Maganda ang tanawin dito sa balcony ni Adrian. Makikita mo ang ibang mga bahay at ang court sa subdivision na 'to.
"Aray..." sambit ko matapon ang laman ng kape dahil sa kalikutan ko. Napunta ito sa kamay ko pero mabuti na lang at maliit lang ang napaso.
"What happened?"
Napatingin ako sa bandang kanan ko ng makita si Adrian. Halatang baging gising pa lang ito at naka-boxers lang kaya iniwas ko ang tingin dito. Simula ng may mangyari sa amin ay palagi na lang siyang naka-boxers matulog.
Hindi ko alam kung nang-aakit ba siya o dahil diyan sa komportable.
"Wala," sagot ko sa kaniya.
Napatingin ito sa kape bago pumunta sa tabi ko. "A morning coffee for?"
"For me. Para kanino pa ba?" tanong ko rito. Ngayon pa lang ako nagkape sa bahay niya kaya siguro nababaguhan siya. Siya lang naman ang mahilig magkape at kanin talaga ako.
"Funny."
Idinikit niya ang upuan namin at sumandal sa balikat ko. "Kung gusto mong matulog sa kama ka. Hindi ako kama kaya, pwede ba," inis kong sabi dahil mabigat ang ulo niya.
"You tired me last night," antok na sabi niya.
Ginalaw ko ang balikat ko para umalis siya. "Mabigat ang ulo mo."
Tumingin siya sa akin. Bago pa ako makahawak sa baso ay hinila niya ako patayo at pinasok sa loob ng kwarto. Nagpahila lang ako sa kaniya dahil sa ayaw kong masaktan na naman ang kamay ko kapag pumalag pa ako.
"Let's sleep more."
Pagkasabi niya noon ay inihiga niya ako. Pumunta siya sa mesa at kinuha ang phone na binili niya sa akin. Hindi ko pa talaga ito nagagamit dahil minsan nakakalimutan ko.
Hindi naman ako nasanay na may phone akong hawak.
"You use this to entertain you while I'm sleeping."
"Please," dagdag niya ng makita ang pagkadisgusto ko sa gusto niya.
Napilitan na lang akong tumango dahil alam kong antok pa rin siya. Nang tanggapin ko ang phone ay mabilis itong humiga sa tabi ko.
"Isog ka nga," saad ko ng sumiksik siya sa katawan ko. Ang kamay niya ay nakayakap sa bewang ko, ang mukha niya ay nasa kilikili ko na at ang isang paa ay nakapatong sa mga paa ko.
Ginawa ba naman akong turon.
"Sshhh..." sabi niya bago ko narinig ang marahang hilik nito.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Crucial Wife (R18) - COMPLETED
RomanceWARNING!!!! MATURE CONTENT!!! COMPLETED!!!!! What would you do, if one day all people will chose throw you out of their life? Irene a 24 years old young lady has been unluckily suffering life's challenges too much but she still wanna keep on fight...