"Ano 'to?"
Nagkalat ang mga damit namin sa sahig. Wala talagang natira sa closet. Parang binagyo ang walk-in closet dahil sa kalokohang pinaggagawa ni Adrian.
"Kimdrea, forgot to turn it back," tamad niyang sagot na parang wala lang sa kaniyang pinaki-alaman ng kung sino ang mga gamit namin.
"Mamaya na ako kakain," mahinang sabi ko at kinuha ang mga damit na nakakalat sa sahig.
Nasa mesa na siya at hinihintay na akong kumain pero ayaw kong kumain kasama siya at siguro gutom iyan dahil sa kung anong ginawa ng dalawa rito sa loob.
"Okay."
Siguro naalala niyang kasama ko ang Tita niya kaya siya pumayag. Alam naman niyang magastos ang Tita niya at kung ano-ano na lang ang binibili.
Ang totoo hindi ako nakakain masyado kanina dahil madami akong naiisip habang busy din sa pagkukwento si Ate Regine.
"Finish that fast so we can rest," utos niya pagkatapos ay lumabas para magpahangin.
One thing I have noticed about Adrian is gusto niya ng sariwang hangin.
"We'll travel tomorrow. Ready your clothes."
Nagising ako sa ingay ni Adrian. I can hear him laughing. Nang tingnan ko ay may kausap ito sa telepono.
Tamad akong umupo sa kama. Inaantok pa ako dahil sa rami ng mga damit na tinupi ko kagabi. Sumasakit din ang likuran ko kakayuko.
"Yeah. Sure. Let's talk again later. I'll just prepare, yeah you too, hon."
Tumayo ako na parang walang narinig. Pumasok ako sa banyo para maligo. I don't know why my heart is reacting differently kapag naririnig siyang may kausap na iba.
I know I'm not falling for him. I won't fall for him. I won't.
"This is all you will bring?" tanging tango lang ang binigay ko sa kaniya. Nagsusuklay pa ako ng buhok ko.
"Oh! Hi," sabi ng hepokrita.
Hindi na ako nagulat na nandito si Kimdrea. Alam ko namang makakasama ko siya dahil sa rinig kong usapan nila kanina.
Hindi na ako nag-expect na magiging tahimik ang bakasyon kuno namin. Hindi ko alam kung bakit kasali pa ako kung pwedeng sila na lang dalawa ang magbakasyon.
Sa likod ako sumakay kasi naunang sumakay si Kimdrea sa unahan. Wala rin naman akong balak na sumakay doon.
"This is exciting! Do you have plans on what will be doing there?" maarteng tanong ni Kimdrea kay Adrian na tahimik na nagmamaneho.
"I already have plans."
"Oh! I can't wait."
Tinulugan ko na lang ang dalawa. Ilang minuto lang ay nagising ako nang maramdaman ang paghinto ng sasakyan. Hindi ako makatulog ng maayos dahil sa ingay.
Nagpatugtog din si Kimdrea na parang bingi dahil sa sobrang lakas nito. Sa sobrang lakas ng tugtog niya ay naririnig ko pa rin ang sigaw niya.
"Here we go!"
Tahimik lang akong nakasunod sa kanila. Nasa isang paliparan kami. Hindi na ako nagulat dito dahil dito rin kami noong pumunta kami sa boracay para sa wedding namin.
Kaibahan nga lang ay kasama ko noon si Ate Regine. Hindi ko alam kung paano ako makaka-survive mamaya sa biyahe.
Tahimik akong naupo sa gilid. Nakita ko ang pagsunod ng titig ni Adrian sa akin pero nawala rin ito dahil umeksena si Kim.
Tinulogan ko na lang buong byahe. "Are you okay?" I can hint the concern in Adrian's voice.
"Kaya ko," matapang kong sabi. Nang tumayo ako ay halos manlambot ang paa ko dahil sa kaba. Agad niya akong sinalo at hinawakan ang bewang.
"Kaya ko na," pagmamatigas ko. Napahawak siya sa kamay ko. Alam kong ramdam niya ang panlalamig ko dahil sa kaba pero hindi ako nagpatinag sa kaniya at pilit siyang tinataboy.
"Adrian. Let's go."
Tumingin ako kay Adrian para sabihing sumunod na siya. "Kaya ko na ang sarili ko."
"She can manage. She's not a baby anymore." Hinihila ni Kimdrea si Adrian para makalabas na sila.
Pag-alis ng dalawa ay humawak ako sa upuan ko para may makapitan. Unti-unti ng nawawala ang panginginig sa katawan ko.
"Let me help you, ma'am."
I nodded at the speaker. Hindi ko siya makita dahil nakatitig ako sa tuhod ko.
Nagulat na lang ako ng hawakan niya ang siko ko at ang bewang ko. "I won't harass you or something," biglang sabi niya ng makita ang gulat sa mukha ko.
"Salamat."
Nakalabas na kami. Siya ang may dala ng bag ko at hawak niya ako habang pababa kami sa hagdan.
Kita ko ang malalalim na titig ni Adrian sa amin kaya napatingin ako sa paa ko.
"Thank you," ulit ko ng makababa na kami. Agad na lumapit sa amin si Adrian at kinuha ang bag na nasa balikat ng crew.
"You may go back now."
Napilitan akong ngumiti sa crew para makaalis na siya. Agad akong hinawakan ni Adrian at hinila papalapit sa kaniya.
"I was just gone for a couple of minutes and then you'll be with another guy?"
Ramdam ko ang galit sa boses niya habang sinasabi niya iyon. Nakatingin sa akin sa si Kimdrea. Kita ko ang paninitig niya pero walang sinabi at pilit na ngumiti ng magtama ang mata nila ni Adrian.
"Adrian," maarteng tawag niya sa asawa ko. "My feet hurts, can you help me?"
Napahawak din ako kay Adrian para iparating na kailangan ko rin ng tulong niya. "Nanghihina pa ako," mahinang sabi ko.
"You can walk already. The car is just nearby," tugon niya at iniwan ako para puntahan si Kimdrea. I saw the smiling face of Kimdrea, it's like she's winning with something when Adrian walks toward her.
At least he got your bag, Rin.
Mahina akong naglalakad papunta sa direksyon ng dalawa. Mabilis silang nakapasok ng kotse.
Akala ko ay aantayin nila ako pero mabilis din itong umalis. Nagulat ako sa nangyari na siyang dahilan kong bakit natigilan ako sa paglalakad.
"Here, ma'am. Only the wife of Sir Adrian will be with him inside that car," nanliliit na sabi ng isang crew.
Mukha ba akong katulong lang dito? Kimdrea? The wife of Adrian?
"Okay," tanging naisagot ko taliwas sa mga naiisip ko.
When I got in saka pa nila pinatakbo ang sasakyan. Nanliit ako sa sarili nang makita ang loob ng sasakyan. Mga gamit ito.
Mukha ba akong katulong dahil lang sa hindi ako marunong mag-ayos sa sarili ko? Napatingin ako sa salamin pero napayuko rin ng makita ko ang natatawang mukha ng driver nang makita ang ginawa ko.
You don't belong where you are, Rin. You can be better than this. You are better than them.
I shrugged myself para mawala sa isip ang lahat ng nangyari.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Crucial Wife (R18) - COMPLETED
RomanceWARNING!!!! MATURE CONTENT!!! COMPLETED!!!!! What would you do, if one day all people will chose throw you out of their life? Irene a 24 years old young lady has been unluckily suffering life's challenges too much but she still wanna keep on fight...