"Ang dami naman nito," reklamo ko dahil sa ang dami talagang pinapasukat sa 'kin. Kanina pa kami rito at parang sumasakit na ang katawan ko.
"Ma'am, si Sir po ang pumili," sabi ng sales lady. Wala akong nagawa at pumasok ulit sa dressing room.
Kanina pa kami rito at talagang inuubos ni Adrian ang pasensya ko.
Kanina pa siya iling ng iling sa mga sinusuot ko. Bakit nga ba siya ang pumipili eh ako naman ang magsusuot?
"Last na ito, ate. Kapag may binigay pa siya sabihin mo hinimatay na ako," sabi ko sabay tumawa nang mahina. Gusto ko lang kuhanin ang loob ni ate dahil pagod na talaga ako.
Paglabas ko ay iling pa rin nang iling si Adrian kahit na sa phone niya siya nakatingin.
"Pagod na ako," sabi ko at naupo sa tabi niya. Binaba niya ang phone niya at nilagay sa bulsa.
"Let's eat."
Nakasunod lang ako sa kaniya nang tumayo siya at naglakad. Mabuti na lang at nasa tabi ko si Rick kaya napangiti ako.
"Buti napagtitiyagaan mo," paninimula ko. Ang pangit kasi talaga ng ugali hindi ko nga alam kung may magtatagal sa kaniya.
"Mabait iyan si boss, minsan," natawa ako sa sinabi niya.
See... Kahit empleyado niya ay nilalaglag siya.
Kita ko ang paglingon ni Adrian sa gawi namin kaya pilit kong pinaseryoso ang mukha ko. "Yes?" tanong ko sa kaniya habang nakataas ang isang kilay.
"Faster."
Nakaupo na kami sa isang mesa. Pangtatluhan lang ito kaya magkalapit lang kami.
"What do you want?" tanong ni Adrian.
"Halah! Wala akong alam sa mga ka---"
"Not you," putol niya sa sasabihin ko at tumingin ito kay Rick. "Rick, what do you want," tanong niya ulit.
Tahimik lang akong nagdadasal na sana ay malunok niya ang isang buong kutsara o tinidor.
"It's bad. Torturing a food is bad," pagpaparinig niya. Hindi ito nakatingin sa akin at sa pagkain niya lang.
Napatingin naman ako sa pagkain kong nadudurog na. "Sana tao na lang 'to," pagpaparinig ko rin. "Nang madaling masakal," dagdag ko.
Hindi na siya nagsalita ulit at nagpatuloy na sa pagkain.
Hindi ako makahinga. Napapatingin ako sa dalawa na busy sa pagkain nila. Kailangan ko pang pukpokin ang mesa para mapatingin sila sa akin.
Bago ko pa masabi ang sasabihin ko ay nawalan na ako ng malay.
Nagising ako sa hospital. Amoy pa lang ay parang nasusuka na ako. Ayaw ko talaga ng amoy ng hospital.
"Tu-tubig," mahinang sabi ko dahil sa nanunuyo ang lalamunan ko.
Kita kong mabilis na tumayo si Adrian at tahimik na binigay sa akin ang isang bottled water.
Pagkatapos kong inumin iyon ay may dumating agad na doctor. Halos matulala ako sa kaniya.
"Kumusta ang pakiramdam mo, miss?" tanong ng doctor.
"Soon to be misis, doc," singit naman ni Adrian.
"Malayo pa kaya," sabi ko rin. Tumingin ako kay doc na nakangiting tumingin sa 'kin. "Miss po doc."
"Okay, miss or soon to be misis. Alam mo bang nagkaroon ka ng allergic reaction? Hindi mo ba alam na bawal ka sa malansang isda?"
"Alam ko naman po doc. Pero kasi itong soon to be mister ko iyon ang inorder sa'kin" sisi ko kay Adrian.
Kita ko ang galit sa mukha niya pero pilit iyong pinapakalma. "Why are you blaming me all of a sudden? Do I know you have allergies? You can tell me if you have allergy to something or you can set aside those plate," may galit na sabi niya.
"Paano ko naman sasabihin sa 'yo eh alam ko namang galit ka sa akin kanina at wala naman akong pera. Pera mo 'yu---"
"Which will soon to be yours too," singit niya.
Umikot ang mata ko sa sinabi niya. "Pera mo 'yun at ayaw kong makialam kung ikaw ang nagbayad," pagpapaliwanag ko.
"Still. It's unacceptable. That was a lame reason," wika niya.
"Tapos ano? Kapag gumamit ako sa pera mo. Sasabihin mo agad o ng ibang tao na gold digger ako?" naiiyak kong sabi.
Kita ko ang gulat sa mukha niya. "Okay, enough. Stop blaming each other for that allergy thingy. Let's just be thankful that you are safe already," awat sa amin ng doctor.
"She is just making the issue big."
"Pwede ka ng makalabas, miss," masiglang balita ng doctor.
"Salamat po," pasasalamat ko rin dito.
"What?" galit na tanong ni Adrian nang mapatingin ako sa gawi niya.
"Nothing... Masakit lang katawan ko," pagpaparinig ko sa kaniya sa ginawa niyang pagpapasuot sa akin ng maraming damit.
"What do you want me to do? Carry you out?" sabi niya at akmang kukunin ay umilag ako at napunta sa kabilang side ng bed.
Gusto ko lang naman pakonsensyahin siya. Wala akong balak na magpabuhat sa kaniya.
"Kaya ko. Sinasabi ko lang."
"You said it 'cause you want to be carried," sabi niya na parang sure na sure na siyang bubuhatin niya ako.
"Pwede ba? Sabi mo matalino ka. Bakit hindi mo maintindihang pinapakonsensya lang kita?" medyo may inis ko ng sabi ng umupo siya sa kama.
"It's because you're making me bobo."
"Ano?!"
"Nothing. Let's go. Might as well change your clothes. Your panty is peeping."
Binato ko agad ang unan sa kaniya dahil sa sinabi niya. Naka-shorts lang ako at nakita lang naman 'yun dahil sa kakaiwas sa kaniya.
"Bastos! Bakit kasi diyan ka nakatingin?" Tumayo ako at inayos ang short ko.
Nakatingin lang siya sa'kin habang ginagawa ko iyon.
"Are you seducing me?"
"Anong seduce sinasabi mo? Kita mo ngang inaayos ko na! Umiwas ka kasi ng tingin. Hindi 'yung tinititigan mo pa."
"Feeling." Umikot mata ko sa sinabi niya.
Nagkatitigan muna kami bago siya magsalita. "The wedding preparations will be tomorrow. I am not planning on a church wedding. A beach wedding will do," saad niya.
Hindi na ako nagulat dahil alam ko naman talagang malapit na akong ikasal sa kaniya.
"Paano kung hindi ko kayang magbuntis o hindi mo ako kayang buntisin?" tanong ko rito.
Nabasa ko sa pinirmahan kong kontrata na kailangan ko siyang bigyan ng anak. Iyon lang ang kumuha ng pansin ko sa lahat ng kondisyong nabasa ko.
Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na pumirma at parang okay lang sa akin na makasal sa kaniya. Iba naman ito sa pangarap kong buhay na simple at iyong mahal namin ang isa't isa nang magiging asawa ko.
"Is that a challenge or what? I can make you pregnant right here, right now."
Nanlaki ang mata ko sa seryosong wika niya. This man!
"Stop thinking naughty thoughts and let's just go home," sabi nito at lumabas na ng room.
Ako pa talaga?
Eh siya nga 'yung kanina pa tingin ng tingin na parang hinuhubaran ako.

BINABASA MO ANG
Billionaire's Crucial Wife (R18) - COMPLETED
RomanceWARNING!!!! MATURE CONTENT!!! COMPLETED!!!!! What would you do, if one day all people will chose throw you out of their life? Irene a 24 years old young lady has been unluckily suffering life's challenges too much but she still wanna keep on fight...