Chapter 8

2.9K 78 1
                                    

"Where are they?"

Pagkarinig ko sa boses ay parang may kung anong kaba akong naramdaman.

"Kumakain po, madam," rinig kong sagot ng kasambahay.

Tahimik akong napatingin kay Adrian na parang wala lang sa kaniya na nandito na ang Tita niya.

"Ohh..."

Napatingin ako sa kaniya na kakapasok pa lang ng kusina. Parang may kuminang sa aking mata nang makita siya.

Ang ganda niya. 'Yung parang manikang nabibili mo at ang haba rin ng legs. Litaw na litaw ang kagandahan nito dahil sa naka-tube top at skirt na above the knee.

"Hi," automatic na bati ko ng mapatingin siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ko sinabi iyon basta kusa lang iyong lumabas sa dila ko.

Kita ko ang pagkalukot ng mukha nito ng makita ako. "Hi," tipid na sabi nito bago naupo sa katapad kong upuan.

"Won't you greet your beautiful tita?" nakataas na kilay na tanong niya kay Adrian. Isang saglit na tingin lang ang binigay ni Adrian dito.

"So suplado," komento ng tita niya.

Tahimik lang akong bumalik sa pagsubo ng kanin.

"Tita you're intimidating my future wife."

Nabilaukan ako sa sinabi ni Adrian. Ngumiti ako sa tita niya para sabihing hindi iyon totoo kahit na totoo naman talaga.

"Why are you dressed like that kasi?"

Napatingin ako sa suot ko ng sabihin niya 'yun. Naka-short at shirt na malaki ako. Payat akong babae at medyo katangkaran pero hindi kasing tangkad niya.

"Comfortable po ako rito," sagot ko.

Umikot ang mata niya sa sinabi ko bago kumuha ng prutas na nasa mesa.

"That's so manang, and you," harap nito kay Adrian na parang walang pake lang sa kaniya. "Why are you making her lusyang?"

Kita ko ang pagngiti ni Adrian sa sinabi ng tita niya. Nanliit ako sa sarili na parang kinompirma niya ngang lusyang ako at hindi man lang nagawang itama iyon.

"We didn't do it yet, if that's your concern. And there's nothing wrong the way she dressed."

Didn't do it yet? Namula ako ng marinig iyon. Napuyuko lang ako habang kumakain baka sa sobrang pula ng mukha ko ay maasar pa ako niyan mamaya kahit malabo kasi alam ko namang seryosong tao si Adrian.

"Is that true?"

Alam kong nasa akin ang atensyon ng tita niya para tanungin iyon kaya ng magtama ang mata namin ay automatikong napatangon ako.

Hindi ko alam kung bakit nakakatakot siyang tingnan kahit na wala naman siyang ginagawa.

"Okay. Finish your food. Let's go shopping later," utos nito sa akin.

"She doesn't like shopping," kontra naman ni Adrian sa tita niya. "And we're going to do something later," dagdag nito.

Tumaas agad ang kilay ng tita niya sa narinig. "What's that something? Do you want Mama to be here any minute now?"

Nahimigan ko ang pananakot sa boses na iyon at sinamaan siya ng tingin ni Adrian.

Tumawa ito na parang nagwagi sa isang away. "So, will be shopping later."

Kita ko ang paglukot ng mukha ni Adrian. "I'll be with you," sabi nito.

"We're not going to have some fun with boys there, if that's your concern. Just behave here, tomorrow will be your wedding."

May kung anong ingay ang puso ko sa narinig. Bukas na pala. Hindi ko alam kung anong mangyayari kasi wala naman akong alam sa mga gagawin.

Tumayo si Adrian at agad akong hinila. Tumayo rin ang tita niya. "Let me have my 'me' time first, you'll have your time later until morning."

Mabuti na lang at hindi niya ako hinila ng paakyat kami kaya hindi masakit ang palapulsuhan ko. Nakasunod lang ako habang hawak niya ako sa kamay.

Naririnig ko ang tambol ng puso ko. Nang makapasok kami ay pinaupo niya ako sa kama at pumasok siya sa closet.

Pagbalik niya ay may hawak siya sa magkabilang kamay niya. "Ano 'yan?"

Hindi siya sumagot at kinuha lang ang kamay ko. Singsing? Mas lalong lumakas ang tambol ng puso ko sa ginagawa niya at dahil na rin sa posisyon niya.

Nakayukong sinuot niya ang singsing sa akin habang nakaluhod ang isang tuhod sa sahig.

Tahimik lang siya habang ginagawa iyon at ako naman ay parang nabingi sa ingay at sobrang lakas ng pintig ng puso ko.

"It's late but it's better than never," sabi niya pagkatapos isuot iyon. Nang magtama ang paningin namin ay ang naiisip ko lang ay kung paano ko pipiliting hindi mahulog sa kaniya.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa sinabi niya. Kung tatango ba ako at magpapasalamat o hahayaan na lang siya.

Tumayo siya sa pagkakaluhod at kinuha na naman ang isang box na medyo malaki kaysa sa isa na ang laman ay singsing.

"Bakit ang dami naman yata?" tanong ko sa kaniya ng ilabas niya ang isang bracelet at may nakita pa akong kwintas at hikaw doon sa box.

"It's an accessories," tipid na sagot nito at akmang isusuot sa akin iyon ay mabilis akong umiling.

"Alam ko pero ayaw ko ng maraming sinusuot sa katawan ko," wika ko. Ayaw kong mapagkamalang mayaman kasi hindi naman ako mayaman at baka may masamang loob na magka-interes kapag nakita nila ang suot ko.

Seryoso siyang nakatingin sa akin. "'Yung kwintas na lang," sabi ko rito kalaunan dahil ayaw ko namang tanggihan siya at baka magalit na naman.

Tumango siya at binalik ang bracelet sa box. "But you'll wear these tomorrow," seryosong saad niya habang kinukuha ang kwintas.

Gusto kong i-appreciate muna ang ganda ng kwintas kaya lang ay nahihiya ako dahil nandito si Adrian. Baka may masabi pa ito.

"Pull your hair up," utos niya kaya ginawa ko. Akala ko ay sa likod ko siya pupunta pero nagulat ako ng sa harap ko siya pumwesto.

"Ano ba!" asik ko ng mas lumapit pa siya sa akin. Nakaharap ako sa kaniyang ibaba kaya awkward akong napatingin dito.

Pwede namang yumuko kasi pero kapag ginawa ko iyon ay baka masagi ko iyong kaniya dahil sa sobrang lapit nito.

Narinig ko pa ang mahinang tawa niya dahil sa nangyari. "Bilisan mo!" utos ko dahil parang pinaglalaruan niya ako at binagalan pa ang pagsuot ng kwintas.

"Adrian!" sigaw ko ng parang lumaki ang bukol ng nasa harapan ko. Pumikit ako para hindi iyon makita.

"Damn."

Billionaire's Crucial Wife (R18) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon