Pinaliguan ako ni Adrian pero parang ayaw kong umalis sa bath tub at gusto ko na lang na ilubog ang sarili roon.
"Talk to me..."
Napalingon ako sa kaniya dahil sa nagsusumamo niyang mata. Nangungusap ito na kausapin ko na siya.
"Tell me," mahinahong sabi niya at binanlawan na ang katawan ko para matapos na akong maligo.
Tahimik lang din akong kumakain habang siya ay naghihintay sa akin na matapos kumain. Wala akong gana pero kailangan kong kumain dahil sa wala na akong lakas.
"Water?"
Hindi pa ako nakasagot ay mabilis na siyang tumayo para kumuha ng tubig sa ref. Nakatitig ako sa likuran niya. Sinasalinan niya ang tubig ang isang baso.
"T-Thank you."
He smiled at me bago bumalik sa harapan ko kung saan siya nakaupo kanina. Pinilit kong ubusin ang pagkain sa harapan niya.
Kakaluto niya lang nito kaya medyo mainit-init pa. "Let me."
Kinuha niya ang pinagkainan ko ng matapos ako at siya na ang naghugas. Wala sa sariling napatitig ako sa kaniya.
'Ano ang dahilan mo at bakit pinakasalan mo ako?'
Kating-kati na akong itanong 'yan sa kaniya pero hindi ko matanong. Umuurong ang dila ko at hindi na lang siya kinakausap.
Hanggang sa makapasok kami sa kwarto ay alagang-alaga si Adrian sa akin. Which is totally bizarre.
'Anong nakain ng isang 'to?'
Agad na nag-react ang katawan ko ng yakapin niya. Lumayo ako at tumalikod sa kaniya. Rinig ko ang malakas niyang buntong hininga at hindi na nagpumilit pang yakapin ako.
Hindi ko na alam kung ano ang nangyari basta ang alam ko ay may nagbago na.
"Goodnight," mahinang saad niya na hindi ko tinugunan.
Hindi ako makatulog dahil sa nangyari kanina. Narinig ko na lang ang mahihinang hikbi ko habang naiisip iyon.
"Everything's gonna be alright," sambit ni Adrian na nagpatigil sa akin. Akala ko tulog na siya.
Umurong ang luha ko at nakatitig na lang sa lampshade na nagbibigay ng maliit na liwanag sa kwarto.
"Ma'am kain na po kayo."
"Si A-Adrian?" tanong ko. Kabababa ko lang at nagising akong wala si Adrian. Akala ko lang nandito siya kasi linggo naman ngayon.
"Maagang umalis po," sagot ng kasambahay. Walang ganang bumalik ako sa itaas at natulog ulit.
Paggising ko ay naligo na ako bago kumain. Nawawalan ako ng gana sa mga tingin ng kasambahay sa akin.
Alam kong nagtatanong sila kung saan ako galing pero hindi nila magawa. Tanging ingay ng kubyertos lang ang namayani sa kusina.
"Iwan niyo na lang po muna ako. Ako na ang bahala rito."
Nagsi-alisan naman ang mga kasambahay. Nakahinga ako ng maluwag. Ito ang kailangan ko.
Tahimik lang akong kumakain. Minsan natitigil kapag may bumabagabag sa isip ko.
"Good morning," muntik ko ng mabitawan ang basong hawak ko. Napatingin ako kay Adrian kasama niya si Rick na secretary niya.
"We will have a meeting in my office," kumunot ang noo ko kay Adrian. Bakit niya sinasabi kung ano ang gagawin nila? Hindi naman ako nagtanong.
Ngumiti si Rick sa akin pero hindi ko magawang ibalik ang ngiti sa kaniya kasi nakatuon ang pansin ko kay Adrian.
"Hindi ako nagtanong, huhugasan ko lang ito," tumayo na ako at tinalikuran sila.
Rinig ko na naman ang bigat ng buntong hininga ni Adrian bago sila umalis sa kusina.
Pagpasok ko sa kwarto ni Adrian ay nakatunganga lang ako. Tinitigan ko ang mga pasa sa kamay ko. Masakit pa rin iyon at may mga sugat pa.
Halos hindi ko matingnan ng maayos ang katawan ko. Nandidiri ako. Ayaw kong maalala ang nangyari pero pilit itong pumapasok.
"Matapang ka..." paalala ko sa sarili ko. Huminga ako ng malalim. Nagulat ako ng makita si Adrian na nakatitig sa akin.
Hindi ko napansing nakapasok na pala siya ng kwarto. Hindi siya nagsalita at nakatitig lang sa akin.
"Kanina ka pa?" awkward kong tanong.
Umaliwalas ang mukha niya sa tanong ko. Siguro kasi ngayon ko pa lang siya kinausap. Lumapit ito sa akin at naupo sa kama.
"I'm sorry for what I have done to you."
Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Totoo talaga ang kasabihang saka mo na malalaman ang halaga ng isang tao kapag nawala siya sa tabi mo.
Nagiging kampante ka kasing hindi ka niya iiwan kaya patuloy ka lang sa ginagawa mong kagaguhan.
I don't know if being kidnapped is a blessing or a curse.
"You want to relax?" tanong niya kalaunan ng hindi ko siya sinagot. Napatango ako sa kaniya.
Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. "Bakit?" kunot noong tanong ko sa kaniya. Nakangiti lang ito sa akin.
"I will massage you," sagot niya.
Tumango ako sa kaniya at kinuha ang kamay ko.
'Bakit kailangan niya pang hawakan ang kamay ko? Hindi naman iyon ang imamasahe niya ah?'
"I'll just get some oil," paalam niya.
Tumango lang ako sa kaniya. Hindi ko namalayang napangiti na lang ako habang nakatingin sa likuran niya.
Tinanggal ko ang ngiti sa labi ko ng bumalik siya.
'Huwag mo namang ipahalatang nagugustuhan mo ang ginagawa niya ngayon, Rin.'
"Ayaw ko Adrian," biglang sabi ko ng maisip na hahawakan niya ang katawan ko.
"Why? Will you tell me why are acting weird please?"
Hindi ko matingnan ang mata niya at hindi ko kayang makipaglaban sa titig niya. Nadudurog ang puso ko sa nakikita kong emosyon na pinapakita niya.
Nadudurog din ang puso ko dahil nahihirapan akong itago sa kaniya kung bakit ako nagiging ganito.
Nakatingin lang ako sa kamay. Ayaw kong tingnan ang mga mata niyang nangungusap.
"Irene... Please... You can tell me e-everything. I will listen. I'm willing to l-listen," nabababasag na ang boses niya habang sinasabi iyon.
Nadudurog din ang puso ko habang nakikinig sa kaniya. May kung anong kumirot sa dibdib ko ng marinig iyon.
Sanay akong nasasaktan pero bakit parang mas masakit na makita ang taong mahal mo na nasasaktan dahil sa'yo?
"A-Adrian..." pag-uumpisa ko.
Kinuha niya ang kamay ko na kanina ko pa tinitingnan at pinagsiklop niya iyon gamit ang mga kamay niya.
"Go on," mahinahong sabi niya.
Tumango ako. Tiningnan ko ang kamay niyang hawak ang kamay ko. Kusang tumulo ang luha ko ng makitang kasyang-kasya ang maliliit kong kamay sa kamay niya.
"Hindi mo ba ako iiwan kapag narinig mo ang s-sasabihin ko?" pilit kong pinapatatag ang boses ko.
Kita ko sa peripheral vision ko ang titig niya sa akin. "I won't," paniniguradong sabi niya.
"I w-was... rape," tuluyan ng bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Parang gripo na ang lakas ng agos ng tubig.
"He raped me."

BINABASA MO ANG
Billionaire's Crucial Wife (R18) - COMPLETED
RomanceWARNING!!!! MATURE CONTENT!!! COMPLETED!!!!! What would you do, if one day all people will chose throw you out of their life? Irene a 24 years old young lady has been unluckily suffering life's challenges too much but she still wanna keep on fight...