"Do you have an appointment ma'am?"
"Asawa siya ni Sir Adrian," ang driver na ang sumagot. Kita ko ang gulat sa mukha ng receptionist at tumingin sa akin.
Mabuti na lang at nag-ayos ako ngayon. Alam ko namang mahuhusgahan ako kapag hindi nila gusto ang pananamit ko kaya pinili ko iyong binili ni Ate Regine.
Suot ko ang puting tube na tinakpan ko ng blazer na puti rin at itim na fitted high waist pants. Parang tumangkad lang ako tingnan at medyo may pagka-boss ang dating.
"Sorry, ma'am."
Hingi niya ng tawad. "Okay lang," kahit hinarangan mo ako.
Sinamahan ako ng driver paakyat sa office ni Adrian. Humarang na naman sa amin ang isang babae pero natigil ito ng makita ang driver. Siguro ay pamilyar na sila sa pagmumukha niya.
"Wala si Sir Adrian. Kanina pa siya at nagmamadali."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ng babae. "Kanina pa? Mga anong oras?" tanong ko rito.
Kita ko ang pagtaas ng kilay niya sa akin pero bumaba iyon nang marinig ang sinabi ng driver.
"Asawa siya ni Sir Adrian."
"A-Asawa? Sorry po, akala ko si Ma'am Kim ang asawa niya." Nanlaki naman ang mata niya ng ma-realized na may mali sa sinabi niya.
"Sorry po ulit. Magkasama kasi silang umalis kanina."
Umabot pa talaga rito ang pagka-ambisyosa niya. "Sige. Alis na kami."
Parang may tumusok na karayom sa dibdib ko dahil sa sakit ng narinig ko kanina.
"Mauna na kayo. May bibilhin lang ako."
Gusto ko munang huminga ngayon. "Ma'am baka pagalitan po kami ni Sir."
"Ako ang bahala, kuya. Mauna na ako, tatawagan ko na lang kayo kapag magpapasundo na ako."
That was a lie dahil hindi ko dala ang phone na binigay ni Adrian sa akin.
"Sige po. Tumawag na lang po kayo."
Nakatitig ako sa pagkaing dala ko. Hindi ko pala nabigay sa kanila ito. "Hey!" nagulat ako nang biglang may humablot nito sa kamay ko.
Akala ko kung sino si Albert lang pala. Malaki ang ngiti nitong lumapit sa akin. "Is this for me?"
"Hin--"
"Thank you."
"Akin na nga 'yan!" sigaw ko pero pilit niya iyong nilalayo sa akin.
"Oh! A heart?"
"Akin na kasi!"
Nilagyan ko pa naman ng heart iyon para kay Adrian para mas ma-appreciate niya ang gawa ko kahit simple lang.
"Why two? You did not eat?"
Hindi ako sumagot sa kaniya. Akala ko kasi sabay kaming kakain ni Adrian kaya hindi ako kumain sa bahay.
"Do you want to eat street foods?"
Natawa ako sa tanong niya. "Pagkatapos nito, of course."
"Ewan ko sa'yo."
Sumunod ako sa kaniya. Naghahanap siya ng pwedeng makainan na may mesa. Iyong inupuan kasi namin kanina ay walang mesa kaya mahirap kumain.
"May nakaupo po?" magalang na tanong niya sa matandang babae na nasa isang mesa.
"Wala naman iho," kinikilig na sabi nito. Alam ko kung ano ang ginawa ni Albert. Sa mukha ba naman niya talagang may mahuhulog sa ngiti niya.
"Let's eat."
Siya pa ang nag-aya. Parang pagkain niya talaga ang ginawa ko.
"Did you cook these?"
I nodded. Ngumunguya pa ako kaya hindi ko siya masagot. Naging tahimik na ulit siya.
Napapatingin sa amin ang ibang tao pero wala akong pake kasi gutom na rin ako. Hindi rin naman pinapansin ni Albert ang mga taong tumitingin sa amin.
"It taste good."
Ubos na ang kanin at ulam niya kaya malamang nasarapan siya. Marami ang kaniya kaysa sa akin kasi hindi naman ako malakas kumain.
I felt a slight pang in my chest again. This food was supposed to be for Adrian and me but I am happy hindi nasayang ang niluto ko.
Nang matapos akong kumain ay siya na ang nagligpit ng pinagkainan namin at nilagay niya ito pabalik sa paper bag.
"I will just buy a water for us."
Hindi na ako bumili ng tubig kasi alam ko namang may tubig sa opisina ni Adrian.
Kita ko ang pagngiti ng mga tao nang makita nila si Albert na papalapit sa kanila. Albert has a good boy look. Iyong tipong unang kita mo pa lang sa kaniya ay mahuhulog na ang loob mo sa kaniya sa tamis ng ngiti niya at sa bait ng mukha.
He can capture heart easily. Kahit siguro maglakad lang siya ay makakabihag na siya ng damdamin but I don't know why, wala akong maramdamang atraksyon sa kaniya.
What I have for him is purely friendship. Hindi ako nakaramdam ng kakaibang tibok ng puso.
"Here," abot niya sa akin ng bottled water. Nakabukas na iyon bago niya binigay.
"Thank you."
Umupo siya sa tabi ko at sabay naming pinagmasdan ang mga taong dumadaan. "Wala ka bang naging girlfriend?" basag ko sa katahimikan.
He laughed at my question like it's ridiculous to ask it. "I had once."
"Seryoso?"
"I think kinuwento ko na sa'yo 'yun. She cheated on me."
I can't remember. Siguro ay nawala sa isip ko.
"Ilang taon kayo ng ex-girlfriend mo?" tanong ko ulit.
Binalingan niya ako ng tingin at kumunot ang noo. "Why are you suddenly curious about me?"
"Nagtatanong lang."
"Long enough, that I proposed to her."
"Engaged kayo bago naghiwalay?" that was a dumb question. Hindi na ako nagtanong ng hindi niya iyon sinagot.
"Street foods?"
Napahawak ako sa tiyan ko. Busog ako pero not full enough to skip street foods. Mabibilang lang sa daliri ang beses na kumain ako ng street foods.
Palaging galit ang kumupkop sa akin noon kapag bumibili ako ng kung ano-ano at noong kunin ako ng amo ko ay gan'un pa rin dahil minsan lang ako makalabas.
"Wala akong pera," nahihiyang sabi ko. Nakalimutan kong manghingi ng pera sa driver at nakakahiya namang manghingi rin sa kaniya.
Wala akong dalang pera dahil hindi ko naman alam na hindi ko pala maabutan si Adrian sa opisina niya. Sumama pala kay Kimdrea.
"Don't worry. My treat. Pinakain mo ako ng luto mo e."
Siya ang may dala ng paper bag at hinila niya ako sa malapit na bilihan ng mga street foods.
Maraming tao ang bumibili. Kaya nakipagsiksikan pa kami.
"Diyan ka na lang muna sa tabi. Ako na lang ang bibili."
Iniwan niya ako sa gilid at siya na ang nakipagsiksikan. Kukunin ko sana ang paper bag para hindi na siya mahirapan pa pero natatakpan na siya ng mga tao.
Nagulat ako ng biglang may humila sa akin at hindi ako makasigaw kasi may tumakip agad ng bibig ko.
Nagpupumiglas ako pero narinig ko na lang ang pagsara ng pintuan.
"Larga!"
BINABASA MO ANG
Billionaire's Crucial Wife (R18) - COMPLETED
RomantikWARNING!!!! MATURE CONTENT!!! COMPLETED!!!!! What would you do, if one day all people will chose throw you out of their life? Irene a 24 years old young lady has been unluckily suffering life's challenges too much but she still wanna keep on fight...