“Ano?!” hindi ko mapigilang mapasigaw sa sinabi niya. Napatingin pa sa amin ang mga kasambahay. Sinong hindi magugulat sa sinabi niya? Anong future wife? Nababaliw na ba siya? Ako? Gagawin niyang asawa?
“Ayaw ko,” sabi ko ng medyo huminahon na. Kahit hindi niya naman ako tinatanong ay ayaw ko sa naiisip niya.
“You don’t have a choice,” cold na sabi niya. Wala pa rin akong nakikitang emosyon sa mukha niya. Nakapagtataka naman na hindi siya marunong kahit ngumiti man lang?
“Mister. Sa pagkakaalam ko may importane kang kailangan o sasabihin sa akin. Hindi ko naman alam na kabaliwan pala ‘yang naiisip mo eh ‘di sana hindi na ako nagpadala,” sabi ko. Pilit kong pinapahinahon ang boses ko dahil hindi ko alam kung sino ang kaharap ko at lalong hindi ko alam kung ano ang kaya niyang gawin sa ‘kin.
Tinaasan niya lang ako ng kilay. “And? Are you done? Rick hand me the paper.”
Wala pang ilang segundo ay mabilis na binigay ng kasama ko kanina ang papel na hawak niya. “You need to sign this paper,” sabi niya.
Bakit ko naman pipirmahan iyan? Wala naman akong naging kaso sa kaniya.
“It’s either you sign it or we’ll force you to do it, and I am telling you beforehand. I don’t have a very good patience. So… might sign it before I lose my patience,” may banta niyang sabi.
Napatingin ako sa kaniya at sa papel na hawak noong Rick na sinabi niya. Paano tumanggi sa grasya? Nang bumalik ang tingin ko sa lalaki ay tinaasan niya lang ako ng kilay. Akala mo naman ikinagwapo niya ang pagsusungit.
“May ballpen?” mahinang tanong ko kay Rick. Nasa tabi ko siya kaya hininaan ko lang iyong boses ko. Napatawa siya sa sinabi ko at kumuha na ballpen sa bulsa niya. May pa galit-galit pa kasi eh wala namang ballpen.
Umupo muna ako at kinuha ang papel na pipirmahan sa kamay ni Rick. Kailangan ko pa itong basahin. “Pwede mama----”
“No. Do it now. Sign it now,” masungit na sabi niya. Ang bastos hindi man lang ako pinatapos magsalita.
Madaliang basa lang ang ginawa ko bago pinirmahan. Binigay ko agad iyon kay Rick pagkatapos.
“And now, we are engage,” parang wala lang sa kaniya ang lumalabas sa dila. Samantalang ako ay kay tagal pang pino-process ang sinabi niya. Kailangan ko rin siguro ng oras para mag-isip kung tama ba ang ginawa ko.
“Manang.” Agad na lumapit si Manang sa kaniya. “Show her the room,” sabi niya sabay tayo at lumabas ng bahay. Nakasunod sa kaniya si Rick kaya naiwan akong kasama si Manang.
“Hello po,” bati ko sa kaniya. “Ako po si Irene.”
“Mamaya na tayo mag-usap iha,” mahinang bulong nito kaya napatango ako. Siguro bawal sa kanila ang mag-usap kapag oras ng trabaho. Nang makaakyat kami sa taas ay halos hindi ako makapaniwalang tumingin kay Manang.
“Manang? Bakit parang panlalaki ito?” naguguluhang tanong ko habang nakatingin sa kabuuan ng kwarto.
“Hindi ba sinabi sa ‘yo? Magkatabi kayong matutulog ni Sir,” sagot niya. Agad na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ano? Kami? Magkatabing matutulog?
“Manang?” sambit ko sa pangalan niya na parang humihingi ako ng makakapitan dahil sa buong araw na yata akong palaging gulat sa mga nangyayari.
“Iyan ang utos ni Sir. Wala tayong magagawa, nakakatakot pa naman ‘yun magalit,” pananakot niya pa. Halos hindi ako makahinga sa sinabi niya. Buong buhay ko wala akong nakatabing lalaki. Kung sa dati kong amo ay nagpapansin si Sir pero hindi ko naman pinapatulan kasi matanda na. Kaya nga iyak ako ng iyak kanina sa bintang sa akin ni Ma’am tapos ngayon?
“Manang? Eh ‘di ba po hindi pa naman kami ikakasal agad?” may takot kong tanong sa kaniya. Naghihintay na sana ay tumango ito pero ang sagot niya ay parang ikinawala ng lahat ng lakas ko.
“Kumain ka na ba?” tanong niya sa ‘kin. Mahina akong napailing sa kaniya. Halos isang araw akong hindi nakakain. Malapit na ring dumilim kaya parang nanghihina na ako at buko lang ang nainom ko kanina.
“Oh siya sige, maligo ka muna at mag-ayos. Sa baba lang ako magluluto ng pagkain. Baka mamaya mapagalitan pa ako ni Sir,” sabi niya sa ‘kin.
“Hindi naman ‘yun magagalit, Manang. Pero salamat po,” may tuwang sabi ko. Nang makaalis si Manang ay napatingin ako sa paa kong may dugo ng lumalabas.
Nilagay ko sa sahig ang bag ko. Takot na marumihan ang kama kapag doon ko nilagay. Kumuha muna ako ng damit ko. Wala akong tuwalya kasi hindi ko naman alam na lalayas pala ako sa araw na ‘to. Tanging ang bag lang ang nadala ko. Laging may laman ang bag ko for emergency at sadyang parang tinadhana talagang gamitin ko iyon.
Nang makapasok sa banyo ay napanganga ako sa ganda nito. Parang gusto kong tumira kahit dito na lang kaysa sa makatabi ang bastos na lalaking ‘yun.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako sa banyo. May tuwalya na puti namang nakasabit kaya ‘yun ang ginamit ko. Dalawa ang nakasabit ‘yung isa ay itim kaya alam ko na agad kung kanino ‘yun.
Natagalan ako sa pagligo dahil sa dumi ng katawan ko. Panlalaki ang amoy na ginamit ko kasi wala akong makitang ibang shampoo na nandito.
“Ayy butiki!” gulat ko nang makita ang lalaki na nakahiga sa kama. Hindi siya nagulat dahil hindi niya ako tinapunan ng tingin. Bakit parang ako lang ang pwedeng magulat sa araw na ‘to?
“The food is waiting. Stop drooling over my body,” sabi niya habang nakatuon lang sa phone niya. Ang kapal sino nagsabing nakatingin ako sa katawan niya?
Padabog akong lumabas na agad ko ring pinagsisihan dahil sa sakit ng paa ko. Kailangan ko pa palang manghingi ng tsinelas kay Manang.
“Wearing a bra can make your boob looks bigger,” sabi ni bastos. Napatingin ako sa dibdib ko ng sabihin niya iyon.
“Bastos!” agad akong bumalik sa loob. Sinadya ko pang banggain ang katawan niyang nasa pintuan na.
Dali-dali akong naghalungkat ng bra sa bag ko. Mabuti na lang at may naitabi ako kaya lang isa lang ito. Mabilis akong pumasok sa comfort room para isuot ito.
“Stop rolling your eyes on me, you don’t know what I’m capable of doing,” sabi niya ng makita ang mata ko paglabas ng cr.
“There’s a slipper. It’s mine. You can use it for the mean time. We’ll go shopping tomorrow.”
Shopping? Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko maiwasang titigan ang mukha niya. Parang sinalo na lahat ng kagwapuhan ng lalaking ‘to kaya lang hindi nabiyayaan sa ugali.
“I said, stop it. Go downstairs and eat. I am not a damn food.”
![](https://img.wattpad.com/cover/265929763-288-k783491.jpg)
BINABASA MO ANG
Billionaire's Crucial Wife (R18) - COMPLETED
RomanceWARNING!!!! MATURE CONTENT!!! COMPLETED!!!!! What would you do, if one day all people will chose throw you out of their life? Irene a 24 years old young lady has been unluckily suffering life's challenges too much but she still wanna keep on fight...