Para akong hayop na nakakulong lang sa bahay na ito specifically sa kwarto. Hindi na ako lumalabas dahil sa mga pasa kong hindi mawala-wala.
Simula rin n'ung mawala ang cellphone ko ay palaging nasa table na ang cellphone ni Adrian pero hindi ko iyon ginamit kahit minsan.
May ideya akong siya ang may hawak ng phone ko dahil wala namang kukuha n'un kung hindi siya lang.
"The food is ready."
Napilitan akong tumayo para kumain ng kasama siya. Kahit na ayaw kong kasama ay pinipilit niya ang sarili na magkasama kami.
"I'll just take this call." Parang bingi lang akong nakaupo sa harapan niya at hindi na siya sinagot pa.
Araw-araw naman siyang may tawag at iisa lang naman ang tumatawag sa kaniya. Kaya hindi na ako magtataka pa na isang araw baka rito na tumira ang babae.
"Tita wants to meet you. I rejected her but she wants you to answer her," paliwanag niya ng makapasok.
Tahimik akong tumayo at kinuha ang phone niya sa kamay niya. Lumabas ako para hindi niya masyadong marinig ang sasabihin ko.
"Yes po."
"Oh dear! Long time no talk? Can I go there? I just miss you, we'll go shopping again," maarteng sagot niya. I smiled a little nang marinig iyon.
Maarte talaga siyang kumilos at magsalita. Minsan ay mahihiya kang kausapin siya dahil sa pagsasalita niya.
"Hindi po ako pwede. Baka pagalitan ako ni Adrian."
"Don't worry about him. I'll be there any minute from now. Traffic lang."
Nawala na ang tawag kaya pumasok na ako sa loob. Hindi pa rin nagsimulang kumain si Adrian at hinintay pa akong matapos sa tawag.
"What did she say?" bungad na tanong niya.
"Pupunta raw siya rito," tipid kong sagot at binigay sa kaniya ang phone niya. Kinuha niya lang iyon at itinapon sa kama para kumain na.
"How did you get Tita's attention? She's this very not so pleasant lady you will ever meet."
"Hindi ko alam."
Kagaya ng hindi ko alam kung bakit ganiyan ka.
Tumahimik na lang ulit ako. Ilang sandali lang ay tumunog ulit ang phone niya kaya tumayo siya para sagutin iyon.
"We're eating. Can you please wait until we finished? Oh! Yeah, I get it. Just don't bring her to the bar again. Yeah bye."
Hindi ko na kailangan pang tanungin kung ano ang pinag-usapan nila kasi narinig ko naman ang sagot niya.
Parang hindi niya rin gusto ang ideya ng Tita niya pero wala siyang magawa.
'Ayaw mo n'un? Malaya kang makipaglampungan sa babae mo?'
Minsan ay pumupunta rito si Kimdrea at habang nandito siya ay nasa office lang ang dalawa. Lalabas lang kapag uuwi na.
God knows what happened inside.
Kung makadamit si Kimdrea ay parang pokpok sa isang tabi kaya hindi malabong walang nangyari sa kanila.
"What with your fashion? It looks too old."
Iyon agad ang napansin ni Ate Regine nang makita ako. Suot ko ay long-sleeved lahit na mainit. May pasa ako sa katawan kaya ayaw kong magpakita ng balat kahit na nilagyan ko na naman ng concealer.
"Just let her," seryosong tinig ni Adrian sa Tita niya.
Ate Regine pouted and ignored Adrian. Hinila niya ako palabas ng bahay. Masakit ang kamay ko kung saan niya ako hinawakan dahil may pasa roon kaya dahan-dahan kong hinila.
Hindi naman niga napansin at pinabayaan na lang din ako.
Napangiti ako nang makita ang paligid. Malayo na kami sa bahay ni Adrian kaya parang nakahinga na ako ng maluwag.
"Okay ka lang?"
"Opo," muntik na akong madapa mabuti na lang at nakakapit ako kay Ate Regine. Hindi ko kasi natingnan ang dinaanan ko dahil sa katitingin sa magandang tanawin na parang ngayon lang ako nakakita.
May dalawang nakasunod na bodyguard sa amin. Kailangan talaga ni Ate Regine ng bodyguard kapag ganito kasi ang dami niyang binibili.
"Try these. These will fit."
Napatingin ako sa mga damit niya binigay niya sa akin. "Huwag na po iyan."
Parang ayaw kong magsuot ng tube dahil parang walang makakapitan sa akin at hindi ako magsusuot ng ganiyan para akitin si Adrian.
"No. We'll buy it. Alam mo na baka sa susunod may laman na ang tiyan mo."
Awkward akong napangiti sa sinabi niya. Hindi ako papayag na galawin ulit ako ni Adrian. Hindi iyon aabot doon. Kahit na iyon ang nasa kontrata ay ayaw ko pa rin.
"Malabong mangyari, Ate."
"Why? Is my nephew too slow? Suki kaya 'yun ng mga bar, but that was before. Don't mind what I just said."
I nodded. Kahit nga noong hindi pa kami naikasal ay may ginagawa na siya sa akin kaya hindi malabong hindi siya nagpapalipas ng oras sa bar noon.
Pagkatapos ng mahabang lakad at gala ay umuwi na kami. Hinatid ako ni Ate Regine sa bahay. Kita kong naka-abang si Adrian pero hindi ako nakatingin sa kaniya. Kung hindi sa babaeng kausap niya.
"Bye, po." Ate Regine kissed my checks. Akala ko ay hindi na siya lalabas pero lumabas siya at sinamahan akong pumunta sa tabi ng dalawa.
"Sorry kung natagalan kami. Your WIFE and I enjoyed the time. Sige aalis na ako."
Napayuko ako nang marinig ang sinabi ni Ate at ayaw ko ring isipin ni Adrian na nag-enjoy ako sa labas baka magalit na naman siya.
"Thank you. Your mother is waiting," seryosong wika ni Adrian at hinawakan ako sa siko.
"My mother is your grandmother. By the way aalis na talaga ako. Huwag kang masyadong mag-invest sa mga walang kwentang bagay. Bye."
Nang makaalis si Ate Regine ay agad kong inalis ang kamay ni Adrian. "Aakyat lang ako."
Hindi niya ako binitawan at tumingin lang siya kay Kimdrea. "We'll just talk tomorrow."
Hindi pa ba sila tapos mag-usap? Halos buong araw kaming wala at wala silang napag-usapan?
"Okay bye."
Parang iniinis ako ng babae dahil kita ko ang tingin niya sa akin nang halikan niya sa labi si Adrian pero hindi man lang nagawang sitahin ni Adrian ang babae. Pinabayaan niya lang.
"Thank you. I really enjoyed it," bulong niya kay Adrian pero rinig na rinig ko.
She gave a seductive smile bago pumasok sa loob ng kotse niya.
I calm myself down para sabihin sa sarili na wala lang iyon. Hindi ako pwedeng makaramdam ng ganito dahil alam kong walang patutunguhan kung ipagpapatuloy ko ang naramdaman ko sa kaniya.
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Adrian sa kamay ko at hinila ako para makaakyat sa taas.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Crucial Wife (R18) - COMPLETED
RomanceWARNING!!!! MATURE CONTENT!!! COMPLETED!!!!! What would you do, if one day all people will chose throw you out of their life? Irene a 24 years old young lady has been unluckily suffering life's challenges too much but she still wanna keep on fight...