He has the same built as Albert but how can I conclude Albert as the kidnapper if he did nothing but being kind to me.
Halos hindi ako makatulog ng maggabi na. Tinanggal na sa akin ang blindfold kaya malaya akong nakakatanaw sa loob ng kwarto.
Naghanap na ako kanina ng pwedeng magamit para makatakas. Naghanap ako ng gunting o kung anong pwedeng paggupit sa taling nasa likuran ko. Dahil leather lang naman ay alam kong may pag-asa akong makatakas.
Bumalik ulit ako at pumuntang comfort room. Hindi nakasarado ang mga pinto sa loob maliban sa pintong daan palabas. Kaya malaya rin akong nakakapag-ikot.
May walk-in closet dito pero walang damit na nakalagay. Parang kagagawa lang din kasi ng bahay sa amoy ng pintura at sa tingkad ng kulay ng mga dingding.
Mahigpit ang pagkakatali sa akin. Parang gawang-gawa talaga ang posas para sa akin. Hindi ko masyadong naigagalaw ang mga kamay ko.
"What are you doing?" napaayos ako ng tayo nang marinig ang lamig sa boses ng pumasok. Napatigil ako sa paghahanap ng pwedeng pangtanggal sa tali at itinuon ang atensyon sa kaniya.
"Pwede ba pakawalan niyo na ako? Wala naman akong alam na kasalanan ko?" inis kong sambit. Nawala ang takot sa katawan ko at napalitan iyon ng galit.
Nanginginig ang katawan ko sa galit. Kahit na nakatago ang mukha niya sa dilim at sa mask ay alam kong tinatawanan niya ako. He clapped his hands together then walked towards me.
"Ikaw wala, your husband do have a very big mistake that he should have not done before but you know what. I think I can adjourned all my vengeance just to have you."
Naramdaman ko ang paglandas ng kamay niya sa mukha ko. Agad kong itong dinuraan lang tumapat ito sa bibig ko.
"Btch!" nanlaki ang mata ko at hindi makahinga nang bigla niya akong sakalin. Hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng pagkasakal niya sa akin.
"No one dared to disrespect me, btch!" mas lalo niyang diniinan ang pagkasakal sa akin. Parang lumulutang na ako. Ramdam na ramdam ko sa likuran ko ang pader sa banyo.
"Ack..."
Parang akong nalagutan ng hininga sa ginawa niya. Hinahabol ko ang hininga ko at naiiyak na napatingin sa sahig ng banyo.
Nanlalabo ang paningin ko pero pilit kong pinaalala sa sarili na hindi ako pwedeng umiyak, na matatag ako. Lumuhod siya sa harapan ko at inangat ang mukha ko.
"My lady, you shouldn't have done that. I can't promise to keep my temper," mahinahong sabi niya pero bahid ang natatawang boses niya.
Tinatapatan ko ang intensidad na binibigay niya sa akin. Kumunot ang noo ko ng makita ang kulay ng mata niya. Nakatakip ang mask sa buong mukha niya.
Takip na takip na kahit buhok niya ay hindi mo makita. Pero natigil ako ng makita ang kulay ng mata niya. Kahit na hindi kita ang mukha niya. Litaw na litaw naman ang kagandahan ng kulay ng mata niya.
Pero kung titingnan mong mabuti ay makikita mo ang galit at puot sa mata niya. Kung hindi mo papansinin ang kulay ng mata niya. Mapapansin mo ang emosyong pilit niyang tinatago.
'Sino ka ba talaga?'
Hindi ganito ang kulay ng mata ni Albert. I did stare at Albert and I can assure that this is not his eyes. Hindi ganito ka-intense ang mga mata ni Albert.
Albert's eyes are very soothing. Madadala ka sa kung anong emosyon ang pinapakita ng mata niya but this man in front of me has a beautiful killer eyes.
Hinahanap ko pa ang hangin na nawala sa baga ko. Nag-iipon muna ako ng hangin bago siya tinaponan ng masamang tingin.
I heard his very creepy laugh. "Hate me until that hate will turn into love."
Gusto kong masuka sa mga pinagsasabi niya. Gusto kong gawin ulit ang ginawa ko kanina pero parang natutuyo ang laway ko.
"N-Never," nahihirapang sabi ko.
"You want to know why Adrian married you?" nang-aasar na tanong nito.
"Go on... Ask him by yourself, my lady," bulong niya sa tenga ko.
Maliliit ang hakbang ko pabalik sa bahay ni Adrian. Walang pumapasok sa isip ko kung hindi ang tanungin siya sa gustong ipatanong sa akin.
'He didn't marry you because he wants to have a child. He married you for something else, my lady.'
Paulit-ulit iyong nag-rereplay sa utak ko. Wala sa sarili akong naglalakad. Hindi ko na alintana ang paa kong nahihirapan na maglakad at ang katawan na bugbog sarado.
Nararamdaman ko pa rin ang kamay ng lalaki sa leeg ko. Parang nasasakal pa rin ako.
"Ma'am!" pareho kaming nagulat ng guard. Nagulat siya ng makita ako at nagulat ako nang marining ang boses niya.
Agad niyang binuksan ang gate at pinapasok ako. Hindi pa masyadong malalim ang gabi. Nag-uumpisa pa lang na magpakita ang buwan.
"H-Hinahanap po kayo ni Sir," halos hindi niya ako matingnan. Napatingin ako sa suot ko.
Maayos naman ang suot ko pero alam ko kung ano ang mali. Walang buhay ang katawan ko at alam kong kita niya ang pagod sa mata ko.
"Irene!" his voice thundered when he saw me. Agad niyang tinakbo ang distansya namin.
Natigil siya ng makita ang katawan ko. I can only heave a sigh to stop my sobs. Ayaw kong pumatak ang luha ko.
'I am not weak. Matapang ako.'
Pero nanlambot ang mata ko sa nakikitang galit at awa sa mata niya.
"A-Adrian..." naiiyak kong sambit sa pangalan niya at nagsimula ng magsilabasan ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
Nawala ang galit sa mukha nito at napalitan ng awa. Niyakap niya ako ng mahigpit na siyang mas lalong nagpaiyak sa akin.
"Matapang ako..."
"I'm sorry."
"M-Matapang ako..." my voice broke when I said those. Parang kinukumbinse ko ang sarili kong matapang ako kahit na alam ko sa sarili kong nagtatapang-tapangan lang ako.
"You are a brave woman. And I am sorry for what I have done to you."
Hindi ko siya pinansin at paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na matapang ako.
"What happened?" My tears burst out when he asked those question.
Ayaw kong maalala ang nangyari kanina. Ayaw ko. Ayaw kong maalala ang nangyari.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Crucial Wife (R18) - COMPLETED
RomansaWARNING!!!! MATURE CONTENT!!! COMPLETED!!!!! What would you do, if one day all people will chose throw you out of their life? Irene a 24 years old young lady has been unluckily suffering life's challenges too much but she still wanna keep on fight...