"Y-you are Erick right?" tanong ko sa lalaking nasa harap ko. Magkamukhang-magkamukha sila ni Ricky pero magkaiba lang ang buhok nila. Medyo mahaba ang buhok niya.
Nalanghap ko ang pabango niyang katulad ng kay Adrian. Ang boses niya ay katulad ng narinig ko noon kaya nanindig ang balahibo ko. Tumawa siya ng makita ang takot sa mukha ko. "I told you to be with me, right? So, I have to kill Adrian first?"
"H-hindi. Hindi ako sasama sa'yo."
Paulit-ulit ang tingin ko sa pinto. Nandito ako sa loob ng cr ng mga babae. Nandito kami sa mall ni Ate Regine dahil gusto na niyang mag-shopping kami. Nagpaalam ako kay Ate na mag-c-cr lang ako.
Sana mapansin niyang natagalan ako.
"Ops. You can't escape from me."
His voice is a bit playful now but his looks is really intimidating. The smirk is visible as he is looking at me very closely. "I'm seeing my future now with you." Gusto kong masuka sa mga pinagsasabi niya.
"If I can't have you then Adrian can't have you either," seryosong sabi niya. Bakas sa mga mata niya ang kaseryosohan. "Got it?" tanong nito.
Hindi ko kayang magtapang-tapangan ngayon. I can't just ignore the fact that I am bearing a child with me. "Pabayaan mo na kami please," pakiusap ko. Inayos ko ang pagtayo ko ng sumilay ang ngiti sa labi niya pero hindi siya kung hindi ay galit ito.
"Are you saying pabayaan ko na lang ang babaeng pinatay nila noon? She decided to be with me. She said we will be together again pero anong nangyari?" galit na ang boses niya pero kalmado pa rin ang mukha niya.
"Matagal ng nangyari 'yun. Palayain mo na ang sarili mo. Palayain mo na ang sakit at pighati sa puso mo," mahinahong sabi ko. Tumaas ang kilay niya sa akin. Umigting ang panga at mataman akong tinitigan.
"Irene! Matagal ka pa ba?" ako lang yata ang nagulat sa narinig na boses sa labas. Masaya ako pero gusto ko pa siyang makausap. Gusto ko pang ipaintindi ang lahat sa kaniya.
"Babalik na lang ako roon, Ate. Mauna ka na, malapit na akong matapos," sagot ko habang nakatingin sa taong nasa harap ko. Hinintay kong sumagot at umalis si Ate bago ako nagsalita ulit.
"Revenge won't give you satisfaction. Forgiveness is."
Nakatingin lang din siya sa akin pero hindi na nagsalita pa. Akmang aalis na ako ng marinig ko ang salita niyang nagpatigil ng mundo ko. "Albert is Alice brother. You think he will let it pass? Sue me for touching you but you can't still be at peace."
Iniwan niya ako pagkatapos niyang sabihin iyon. Ako naman ang natigilan sa narinig. Did Albert plot it all? Planado ba lahat ng pagkikita namin? Planado ba ang pagiging mabait niya sa akin?
"Are you okay? Bakit natagalan ka?" lumapit ako kay Ate Regine at umiling. Napagod ako. Gusto ko na lang humilata ngayon. Gusto ko na lang matulog at tanggalin sa isip ang mga narinig na rebelasyon.
"Wala po."
Hinayaan kong siya ang pumili ng mga gamit. Unisex naman ang mga pinili niya. Hindi ko nga alam kung magkakasya ba 'yan kasi hindi pa naman namin alam ang laki ni baby.
"This one? It's cute right?" tango lang ako ng tango kay Ate Regine. Nang makaramdam ng pagod ay nagpahinga muna kami. Pumasok kami sa isang kainan. Dalawa lang ang bodyguard na dala namin.
Medyo awkward din ako kay Ate Regine kasi nakita ko silang magkasama ni Rick kanina bago kami umalis. Marami pa ring pasa ang mukha ni Rick at mukhang nadagdagan iyon pero okay naman sila ni Adrian.
Hindi ko kailangan manghimasok sa buhay nila kaya hindi ko na pinakialaman pa. "Magkamukha ba talaga kami Ate?" tanong ko sa kaniya bigla. Naghihintay na lang kami ng order namin ngayon nang maisipan ko iyong tanungin.
"Yeah. I don't like her, so when I saw you. I didn't like you at first but I realized you two aren't really matched a like. Halos wala na 'yung damit, at putok ang bibig palagi. Siguro talaga ginayuma niya si Adrian noon."
I gave her a small smile. "Adrian was crazy before but not as crazy right now. And it's because of you."
Nang dumating ang pagkain ay ganado akong kumain. Adrian is crazy for me. Iyon ang pinipasok ko sa utak ko. "He's calling."
Nakakalahati ko na ang kanin ko. "Bakit?"
"I just missed you. Are eating?" narinig niya siguro ang pagnguya ko kaya natanong niya iyon.
"Hmm..."
"Pupunta ako riyan. Tatapusin ko lang itong trabaho ko. This won't take long."
Pinaghimayan ako ng ulam ni Ate Regine. Seafood restaurant ito kaya nakakagana ring kumain. "Sige. Kumakain lang naman kami."
"See you later. I love you."
Pinatay na niya agad ang tawag at hindi na hinintay pa na sumagot ako. "Okay na po." Hindi na kasi siya nakakakain ng maayos at mas inaalala pa ako.
"It's okay. You should eat. Dalawa na kayong kumakain. Oh em... I want to get pregnant too. Just joking," bawi niya kaagad ng makitang nanlaki ang mata ko. Tumawa siya kaya natawa na rin ako.
"I'll just take this call."
Nasa labas na kami at naghihintay na lang kay Adrian. Papunta na raw siya rito. Ang dalawang bodyguard naman ay nasa gilid na ng sasakyan, nakatalikod sila sa amin.
"Okay."
Umupo na lang muna ako sa isang bench. May lalaking nakaupo roon pero hindi naman ako pinansin ng umupo ako. Wala naman siyang kasama. Tatayo na sana ako at pupuntahan si Ate Regine ng may nagtakip ng bibig ko at ng mata ko.
Ilang segundo lang ay naramdaman ko na ang pagpasok nila sa akin sa isang sasakyan. Hindi ako makasigaw dahil mahigpit ang pagkatakip nila sa bibig ko.
"You already know me," bulong ng isang lalaki sa tenga ko. Nanindig ang balahibo ko sa kaniya.
Hindi ko na kailangan pang manghula kasi alam ko na kung sino siya. Nang tinanggal nila ang nasa bibig ko ay huminga muna ako ng malakas. "Albert." Walang bakas ng takot ang boses ko.
"You remembered!" manghang sabi niya.
Tinanggal na ng tuluyan ang takip sa mata ko. Kita ko ang nakakatakot na mukha ni Albert mas nagulat ako ng makita ang nakangiting mukha ng babae sa tabi nito.
"K-kimdrea."
"Yes dear."
BINABASA MO ANG
Billionaire's Crucial Wife (R18) - COMPLETED
RomanceWARNING!!!! MATURE CONTENT!!! COMPLETED!!!!! What would you do, if one day all people will chose throw you out of their life? Irene a 24 years old young lady has been unluckily suffering life's challenges too much but she still wanna keep on fight...