"Hindi ako malikot matulog," sabi ko agad kay Adrian.
Hindi niya pinakilala ang sarili niya sa akin. Si Manang lang ang nagsabi sa pangalan niya habang kumakain ako.
Aliw na aliw pa ako dahil sa dami ng inihanda ni Manang sa mesa. Humingi pa nga ng tawad dahil daw sa kulang daw iyon kasi naubusan ng ingredients ang iba.
"I hate people who snore. So, keep your mouth shut."
Kinunotan ko lang siya ng noo sa sinabi niya. Humihilik? Eh baka siya pa nga ang malakas humilik.
"Matutulog na ako," sabi ko sa kaniya kahit na hindi naman na kailangan. Para namang may paki-alam siya sa gagawin ko.
Wala kasi akong mapaglaruan o mapaglibangan kaya matutulog na lang ako.
"Manang, paano po ito?" kailangan ko pang magtanong ng magtanong kay Manang sa mga bagay bagay na nandito dahil hindi ako sanay sa mga mamahaling gamit.
"Maupo ka na d'un. Kaya na namin 'to, Rin," pagtataboy ni Manang sa 'kin.
Ngumiti ako at naupo na lang. Baka matagalan din sila dahil sa mga tanong ko. Maaga akong nagising dahil sa nasanay na ako.
Si Adrian naman ay tulog pa. Sabi ni Manang ay mamaya pa iyon magigising. At paggising n'un ay diretso agad sa company niya.
Kaya minsan lang sila magluto ng ulam sa breakfast. Para lang daw sa kanila kasi hindi naman kumakain si Adrian ng breakfast at sa office niya na raw siya nag-co-coffee.
"Manang. Ano po gagawin ko ngayon?" Ayaw ko namang mabulok lang sa bahay na ito nang walang ginagawa.
"May lakad daw kayo ngayon sabi ni Rick kagabi," hindi siguradong sabi nito.
Nakalimutan kong aalis nga pala kami sabi ni Adrian.
Pagkatapos naming kumain ay umakyat na ako sa taas para maligo. "Ayy butiki!" gulat kong sabi ng pagbukas ko ng pinto ay siya ring pagbihis ni Adrian.
Nakahubad ito. Hubo't hubad talaga mabuti na lang at nakatalikod siya sa akin. Kaya hindi ko nakita ang tinatago niya.
"Bakit ba kasi rito ka nagbihis?" inis kong tanong dito habang nakatalikod.
"You didn't knock," sabi niya lang. Kasalanan ko bang hindi ako kumatok? Eh mas kasalanan niyang dito siya naghubad.
"Gusto mo lang talagang ipakita iyan sa akin eh," irita kong sambit.
Hindi ko narinig ang sagot niya kaya napatingin ako rito. Inaayos niya na ang butones ng polo niya. "Why would I want to show it to you? You're not that special. Ang feeling mo masyado."
Medyo napahiya ako sa sinabi ko. Ang feeling ko nga masyado pero bakit kasi rito sa labas nagbihis pwede namang sa loob ng closet niya eh. Malaki naman 'yun.
"Maliligo muna ako," sambit ko na lang. Parang nawala ang tapang ko dahil sa sinabi niya.
Wala na ang bag ko sa sahig kaya napatingin ako sa kaniya. "Closet." Mabilis naman akong pumasok sa closet niya. Nakatupi ang mga damit ko sa closet niya.
"Sinong nagtupi?" tanong ko dahil ang ganda ng pagkatupi.
"Who else? Anyways, always check everything and throw unnecessary things. This room should be always clean."
Mabuti hindi mo tinapon ang bag ko. Mabuti at hindi mo napagkamalang unnecessary things na sinasabi mo.
"Yes. Sir."
May diin kong sabi pero parang wala lang sa kaniya. Bakit parang walang kapake-pake itong lalaking 'to.
"Be ready. We'll go after I made some phone calls," sabi niya at umalis para lumabas at pumuntang balcony.
Mabilis akong naligo at nagbihis. Pero sinigurado ko namang malinis pa rin ako. Napatingin ako sa tsinelas na suot ko.
Ito na lang ang gagamitin ko kahit na sobrang laki sa paa ko.
"I forgot to buy you a shoes. Ask Manang if the housemaids has some extra slippers," sabi niya ng makapasok na siya sa loob. Saktong pagpasok niya ay tapos na rin ako.
"Okay naman sa akin 'to," sabi ko dahil okay lang naman talaga. Mas nakakahiyang manghiram sa mga kasambahay dito sa bahay niya dahil parang kakainin nila ako ng buhay sa mga tingin nila sa akin.
Mabuti nga si Manang ang approachable.
"Your choice. Let's go," aya niya.
Sumunod ako sa kaniya. Nasa likuran niya lang ako. Nasa baba na rin si Rick kausap ang isang guard. Siguro para magbantay sa buong bahay. Ang yaman kasi kaya kailangan talaga ng tight security.
"Sasama ka?" tanong ko nang makalapit kay Rick. Tapos na siyang kausapin ang guard kaya ako naman ang lumapit sa kaniya.
Kita ko ang bahagyang paglayo niya sa akin kaya napakunot ako. Hindi naman ako mabaho kasi kakaligo ko lang.
"Oo kaya tayo n--, halika na," kita ko ang bahagya niyang pagtingin kay Adrian kaya napatingin din ako. "Una na ako, iba pala ang sasakyan ko," natatawa niyang sabi.
Nalungkot naman ako sa sinabi niya. Kailangan ko na namang makasama itong lalaking 'to.
"Stop making that face. I didn't even yelled at you yet you're making a face that looks about to cry."
Bwisit.
"And I already told you. Stop rolling your eyes at me, my lady," cold niyang sabi.
My lady? Napatingin ako sa kaniya pero nakapasok na siya sa loob ng sasakyan. Wala akong nagawa at pumasok na rin.
"Malayo ba ang biyahe?"
"Quite," sita niya agad sa akin kahit na nagtatanong lang.
Nanahimik na lang ako. Eh kung sana kasama namin si Rick dito sa isang sasakyan ay hindi ako maboboring.
Ang boring kasama ng isang 'to at ang KJ pa.
"Can you stop murmuring something?"
Bahala ka diyan. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagkanta. Murmuring. Kumakanta kaya ako.
Maganda kasi ang tugtog sa radyo kaya napapasabay din ako dahil alam ko naman ang lyrics.
"I said stop."
Napahinto naman ako ng marinig ang galit sa boses niya.
Ano ba ang ikinagagalit niya? Kumakanta lang naman ako? Hindi ko naman siya pinapansin pa.
"Bakit ang sungit sungit mo?" hindi ko mapigilang tanong sa kaniya.
Napadilat siya at tumingin sa akin. Parang nawala lahat ng galit ko sa kaniya nang matitigan ko ang mata niya. Para akong nahihipnotismo sa kaniya.
"My attitude hates your attitude," maikling sabi niya lang at pinutol ang titigan namin.
Pwede pala 'yun? Galit siya sa akin dahil sa ano raw?
"Siguro ang bobo mo noong bata ka," mahinang sabi ko sapat na para marinig niya.
"I graduated Magna Cum Laude."
Magna Cum Laude? Magna Cum Laude!
Shet ako pala ang bobo. 80 nga lang pinakamataas kong grade at kinawawa pa iyon.
Iyan kasi napapahiya ka na sa mga pinagsasabi mo.
Nanahimik na lang ako dahil ayaw nang madagdagan pa ang hiyang inabot ko ngayong araw.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Crucial Wife (R18) - COMPLETED
RomanceWARNING!!!! MATURE CONTENT!!! COMPLETED!!!!! What would you do, if one day all people will chose throw you out of their life? Irene a 24 years old young lady has been unluckily suffering life's challenges too much but she still wanna keep on fight...