Chapter 36

2.4K 76 12
                                    

Sinusuklay ko ang buhok ni Adrian na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Ang dami ko pang gustong itanong sa kaniya pero wala akong lakas ng loob.

'Nakaya mong magtanong kay Ate Regine, Rin. Makakaya mo ring magtanong kay Adrian.'

Tinitigan ko ang mukha niya. May putok pa rin ito sa labi. Kaya lang ay hindi ko magamot kasi nakahiga siya sa katawan ko. Ginawa niyang unan ang dibdib ko at yakap-yakap niya ako na parang aalis ako at iiwan siya. Napabuntong hininga ako at napatingin sa kisame.

'Sinasaktan mo ako ng paulit-ulit pero ayaw pa ring makinig ng puso ko sa aking utak. Magkaiba pa rin sila ng sinisigaw.'

'Bukas ay wala ng atrasan pa. Sana lang ay masagot mo lahat ng katanungang bumabagabag sa isip ko. Tulungan mo akong mahalin ka ng buo at walang pang-agam agam.'

Nakatulog ako sa kaiisip ng pwedeng mangyari bukas. Nagising kaming gabi na. Mukhang nahimasmasan na siya dahil siya ang naunang bumaba at nadatnan kong nagluluto na siya. I can't hide my smile habang nagluluto siya ng sinabawang manok.

'Sige inom pa. Ginusto mo 'yan.'

Nakaupo lang ako sa upuan. Naghihintay na matapos siya. Walang nagsalita sa aming dalawa. Tila ba nilalasap namin ang katahimikan at ayaw na magkaroon ng kahit na kaunting ingay.

Alas diyes na pala ng gabi. Ang tagal din ng naging tulog namin. Hindi ko tuloy alam kung paano ako makakatulog ngayon ng maaga o baka umaga na ako makatulog.

"Sauce with chili?" tanong niya sa akin. I am starting to appreciate him more. Ang mga kilos niya at mga sweet gestures. Tumango ako rito. Hindi na ako nag-abalang tumayo pa at pinabayaan na lang siyang kumuha ng lahat.

Masakit ang katawan ko dahil sa kaniya. Nararamdaman ko pa rin ang bigat ng katawan niya. Mabuti na lang at malambot ang kama kung hindi ay baka napilay na ako sa bigat niya.

"Juice or water?" kumunot ang noo ko sa kaniya. Anong nangyari sa kaniya at naging ganito siya? 

"Tubig na lang," sagot ko ng makitang hinintay niya ang sagot ko. Umalis naman siya at kinuha ang tubig sa ref.

"Pwede ba! Umupo ka na. Nahihilo ako sa ginagawa mo," medyo naiinis ko ng sambit. Kanina pa siya hindi mapakali at tanong ng tanong kung ano ang gusto ko.

"Kumain ka na," hindi ko siya matingnan dahil sa naiinis ako at ayaw kong mawala lang iyong inis ko kapag nakita ang mukha niyang parang pinagbagsakan ng langit at lupa sa lungkot.

"Does it taste good?" I nodded. Naka-isang subo pa lang ako ng tanungin niya iyon. Binabantayan niya ang kilos ko.

"Mabuti pang pagkain mo ang unahin mo. Kaya ko ang sarili ko Adrian," mahinahong sabi ko sa kaniya baka lang nakalimutan niya.

Hindi na siya umimik hanggang sa matapos kaming kumain kaya ako naman ang hindi mapakali sa kaiisip kung mali ba ang nasabi ko.

Hindi siya tumitingin sa akin. Ilag na ilag siya at kinuha lang ang pinggan ko ng nakatingin sa mesa at hindi sa mata ko.

'Bakit naman siya titingin sa mukha mo, Rin? Ikaw ba ang pinggan?' Bwiset! Nakakagago rin palang mag-isip kung ano ang iniisip niya.

"Tulungan na kita," presenta ko at tumayo na. This time tumingin na siya sa akin at tumango. Akala ko ay iiling siya dahil ayaw niya akong kumilos pero tumango pa siya!

Madaling araw na kami nakatulog. Nakatulogan ko ang panonood ng mga video. Hindi siya nanood ng mga video kung hindi sa akin siya nanonood, kung ano ang magiging reaksyon ko.

"Huwag ka munang pumasok sa trabaho, dito ka muna."

Naaninag ko sa mukha niya ang kasiyahan sa sinabi ko. Malaki ang ngiti niya at tumango. Kakaligo niya lang at kagigising ko lang din. Nakatakip pa sa ibabang katawan niya ang puting tuwalya.

Nililihis ko ang tingin ko rito at pilit na pinupukos ang atensyon sa magandang tanawin sa labas. Nasa gilid na ang naglalakihang kurtina kaya kitang-kita ang napakagandang tanawin sa labas.

"I will just call Rick," paalam niya sa akin. Dumaan siya sa harapan ko dahil nasa mesa ang cellphone niya na nasa gilid ko lang.

Napatikhim ako sa nakita. Parang sinasadya niya ring magpakitang gilas sa alaga niya. Tayong-tayo ito kahit na nasa loob ito ng tuwalya.

'Kailangan mo pa siyang tanungin mamaya, Rin. Huwag kang magpapakarupok riyan," inis kong sabi sa sarili ko. Pinikit ko na lang ang mata ko kunyaring matutulog pa.

"Yes please. Okay."

Huminga ako ng malalim at bumangon na. Maliligo muna ako habang nagbibihis siya. Hapon na pala. Gan'un ba kahaba ang tulog namin at hapon na kami nagising?

"Adrian..." tawag ko sa atensyon niya. Nakaupo ako sa kama at nagsusuklay. Siya naman ay nakatayo, tinatanaw ang labas.

Lumingon ito sa gawi ko at naupo sa gilid ko. Nilayo ko ang sarili para mabitawan ko ng maayos ang gusto kong itanong sa kaniya. Naghihintay lang siya sa sasabihin ko.

Tinapos ko muna ang pagsusuklay bago huminga ng malalim at tumingin ng diretso sa mata niya. "Iyong nakasulat sa kontrata... Totoo ba 'yun lahat?" tanong ko rito.

"Anong ang rason mo at bakit pinakasalan mo ako. Hindi iyong sa gusto mong magkaanak. Ano ba talaga ang dahilan?" nangungusap na ang mga mata ko na sabihin niya sa akin ang totoo.

Umawang ang labi niya at nahulog ang tingin niya sa kamay ko. Wala na ang singsing doon. Tinanggal ko na kahapon. Kaya kita ko ang pag-alala sa mukha niya.

"I w-want to have a child."

Napailing ako. "Iyong ibang rason Adrian."

Pilit kong tinatagan ang sarili na mabigkas iyon ng tama. "Kasi iyon ang dahilan kung b-bakit ako nagahasa... Pilit na sinasabi ng l-lalaki na... Kabayaran ako sa malaking kasalanang nagawa mo..."

Ayaw kong isisi sa kaniya ang nangyari pero ayaw ko ring sisihin ang sarili ko. Ayaw kong kaawaan na naman ang sarili ko. Kasi awang-awa na ako sa sarili ko noon pa. Umigting ang panga niya sa narinig at kumuyom ang kamao niya.

Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin. "You really want to know?" nanindig ang balahibo ko sa lamig at seryoso ng boses niya. Dahan-dahan akong tumango. Takot sa kung anong marinig.

"I married you because I want you to be part of my wrecked world. Ikaw ang magiging kapalit sa mukhang minahal ko noon. Ikaw... ang ipapalit ko sa babaeng mahal na mahal ko noon... na kamukhang-kamukha mo."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. May kung anong takot akong naramdaman sa sinabi niya.

"Ikaw ang magiging kapalit sa babaeng binawian ko ng buhay noon," tumawa ito at tumingin diretso sa mata ko.

"You are my crucial wife."

Billionaire's Crucial Wife (R18) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon