Chapter 31

2.4K 73 14
                                    

Madilim ang buong paligid. Alam kong maaga na pero hindi nakapasok ang sinag ng araw sa loob ng kwartong ito.

Nakatali na naman ang dalawang kamay ko sa likod ko. Nakaupo ako sa kama at ayaw humiga kasi gusto ko ng umalis sa lugar na ito.

Malinaw pa rin ang boses na narinig ko kagabi pero hindi ko matukoy kung sino. Familiar lang siya sa pandinig ko. Alam kong nakita ko na ang lalaki kagabi pero hindi ko lang alam sino.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at niluwa ang isang babae. May takip ito at hindi masyadong makita ang mukha niya. Umayos ako ng upo at akmang tatayo ng bigla niya akong hawakan.

"Kailangan mo ng kumain. Umayos ka riyan," bakas ang kaseryosohan sa boses nito.

Kinuha niya ang blindfold sa mesa. Doon ko lang kasi nilagay kagabi. "Sino ba kayo?" inis kong tanong at iniwas ang ulo ko ng isuot niya sa akin ang blindfold.

Hindi naman siya nagalit at hiniga niya lang ako para hindi na makakilos pa. Hindi ko kita ang buong mukha niya pero alam kong nasisiyahan siya sa nangyari sa akin.

"Pasalamat ka talaga at mahal ka ni bossing," sabi nito bago tuluyang umalis sa kwarto. Tunog ng aircon ang namayani sa buong kwarto. Gusto kong tanggalin ang blindfold sa mata ko pero hindi ko kaya.

Bossing... Wala talagang pumapasok na tao sa utak ko. Hindi ko alam kung sino ba ang sinasabi nila boss nila. Ang alam ko lang ay lalaki ito.

Nanindig naman ang balahibo ko ng maalala ang nakita kagabi. Parang ang creepy niya at hindi man lang siya nagsabi na nasa loob pala siya ng kwarto. Kung hindi ko nakita hindi ko pa malalaman.

Kumakalam na ang sikmura ko dahil wala pa akong kain. Kaunti lang din ang nakain ko kagabi kasi parang may galit iyong boss nila habang nagsusubo.

"Open you mouth."

Nagulat na lang ako ng marinig ang boses na iyon. Hindi pala nasirado ng babae kanina ang pinto kaya hindi nagkaroon ng ingay ng pumasok ito.

"If you won't open your mouth. You will starve to death," kakaiba ang boses niya. Parang may pinipigilan siyang emosyon sa boses niya.

Bakas ang lamig ng boses nito pero imbes na matakot ay pilit kong pinapasok sa ulo ko ang boses niya. Hindi ito pwedeng mawala sa isip ko.

"Hindi ako makakain ng maayos ng may blindfold, wala akong nakikita," sagot ko rito. Totoo naman iyon, wala akong tiwala sa kanila kahit na maayos nila akong pinakain at pinatulog.

Maghirap magtiwala.

"Then let me be your eyes for now."

"Hindi ako bulag," inis kong sambit.

Ginawa ba naman akong bulag. I heard him laugh a bit. Natigilan ako ng marinig iyon. Pamilyar talaga sa pandinig ko ang boses niya pero hindi ko matukoy kasi hindi ko alam kung sino.

"Open your mouth," bakas ang seryoso sa boses niya kaya napilitan akong buksan ang bibig ko. Gutom na rin ako at kanina pa kumakalam ang sikmura ko.

Hindi na siya nagsalita at patuloy lang sa pagsubo ng pagkain kapag tapos na akong ngumunguya.

Binilisan ko na lang ang pagnguya ng pagkain para umalis na siya rito.

Wait... Parang naamoy ko na ang pabango niya. Isang tao lang ang pumasok sa isip ko ng masinghot ang pabango niya.

"A-Adrian?" tanong ko rito.

Hindi ko narinig ang sagot niya pero narinig ko ang malakas niyang buntong hininga na parang galit ito sa sinabi ko.

Napailing ako sa naging tanong ko. Hindi siya si Adrian. His built is far from Adrian. Matipuno ang katawan ni Adrian at iba ang pananamit ng kasama ko ngayon base sa nakita kong suot niya kagabi.

"I'm not him," tipid lang na sagot nito bago ko naramdaman ang pagbunggo ng baso sa bibig ko.

Uminom muna ako bago sumagot sa kaniya. "Anong gusto mong mangyari at ito ang ginawa mo sa akin?" matapang kong tanong sa kaniya.

Alam kong nakatingin ito sa akin. Hindi ko man makita ang mukha niya ay ramdam ko naman ang mainit niyang tingin sa akin.

"I think I like you."

"Ridiculous!"

Ano? Dinakip niya lang ako dahil sa naiisip niyang gusto niya ako? Sumiklab agad ang galit sa buong katawan ko at gusto na siyang atakihin kung hindi lang kawawa ang ayos ko.

"My lady... Everything is unsure now. You are not even sure if you are in the safe place. Adrian is not a safe place. I warn you."

"Anong alam mo kay Adrian at sa akin?" galit kong tanong. Ginalaw ko na ang balikat ko para matanggal ang blindfold pero hindi ito matanggal.

"I know something that you don't know."

Sasagot pa sana ako pero narinig ko na ang pagsara ng pinto. Bumukas naman agad iyon. "Anong alam mo?" tanong ko rito.

"Ako? Wala akong alam."

Parang gusto kong sabunutan ang babaeng pumasok. Siya iyong babae kanina. Naramdaman ko na lang ang paglapit niya sa akin at ang pagtanggal niya sa blindfold ko.

"Napakain ka naman siguro ng maayos ni boss. Maligo na tayo."

Pumasok naman ang dalawang babae na kasama niya kagabi ng paliguan ako. Naka-mask din ito, katulad niya.

May dalang damit at agad iyong nilagay sa tabi ko. "Girls undress her."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya dahil sa hindi niya sinarado ang pinto. Kita ko ang mga lalaking nagbabantay sa labas. Nakasuot din ito ng mask at may yakap na baril.

"Ops... Sorry but no one's gonna touch you though."

Tumalim ang tingin ko sa kaniya. I can still feel those bastards disgusting saliva. Hindi pa rin sapat ang ligong ginawa nila sa akin.

Tumalikod naman ito at sinarado ang pinto. Mabilis naman akong hinubaran ng dalawang babae.

"Ang ganda ng katawan mo," sabi ng babaeng nakatayo na nakatingin lang sa akin.

Tinayo ako ng dalawang babae pero hindi tinanggal ang tali sa likuran ko.

Nang matapos akong paliguan ay pinaupo na naman nila ako para bihisan.

"Labas na papasok pa si boss."

Pero bago sila lumabas ay hindi nila nakalimutang ibalik ang blindfold. "You're good to go," sabi ng babae at umalis na.

Kasabay ng pagdilim ng paningin ko ang pagpasok ng isang lalaki. Rinig na rinig ko ang pagtapak ng sapatos niya sa sahig hindi tulad kanina.

"Can you now guess who I am?"

I think I know you.

Billionaire's Crucial Wife (R18) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon