Chapter 22

2.6K 74 6
                                    

Adrian is true to his words. Hindi hindi siya umalis sa kwarto. Masaya ako sa kaloob-looban ko. I now found how to make him stay.

"Kakain ako," paalam ko at lumabas ng kwarto. Sumunod ito sa akin. Natagpuan namin si Kimdrea na naglalasing sa sala.

Mabilis namang pumunta si Adrian dito at kinuha ang mga bote ng alak na nasa mesa. Umiiyak si Kimdrea pero hindi ko maramdaman ang luha niya.

"Hindi ka kakain?" tanong ko sa kaniya. Hindi niya ako sinagot at kinarga si Kimdrea at inakyat sa itaas.

Nakatingin ako sa kanilang dalawa na paakyat na sa hagdan. "Gusto mo pala ng aktingan, pwede naman akong maging artista para sa inyo," mahinang sabi ko sarili ko.

Ang bobo lang. Uminom tapos ang bote ay hindi pa naman nakakalahati. I know she's a hard drinker dahil sa noong kasal namin ay nag-iinom sila.

Pagkatapos kong kumain ay nilabas ko rin ang beer na nasa loob ng ref. Ininom ko iyon. Marami ang nilabas ko para pagdating ni Adrian ay makita niya.

Halos isang oras akong nakatunganga at hawak-hawak lang ang bote ng beer pero walang Adrian ang bumaba.

Medyo natatamaan na ako ng alak pero hindi ko pa rin iyon tinigil at nagbabasakaling bumaba si Adrian. Maisip niya man lang nandito pa ako sa baba.

"Hindi ikaw ang priority, Rin. Hindi ikaw," sabi ko sa sarili.

Bigla na lang tumulo ang luha ko. Siguro impluwensya ng alak. "Hindi ka kailanman magiging priority ng mga taong nakapaligid sa'yo."

Ininom ko agad iyong panghuling buti at malungkot na tumingin sa hagdan. Wala pa ring Adrian na bumaba roon. Wala pa ring Adrian na galit na nakatingin sa akin.

Walang Adrian na nag-aalala.

Napayuko ako at tahimik na umiiyak. "Iyak ka lang," pagpapagaan ko sa sarili ko.

Mas lalo akong napaiyak sa sinabi ko. Kailangan kong patatagin ang sarili ko kasi walang papawi sa sakit na naramdaman ko kung hindi ako lang din.

"Inom ka na lang. Mawawala rin iyang sakit na iyan pero bukas masasaktan ka na naman."

Halos maubos ko ang beer na nasa ref. Halos kunin ko pa ang beer na ininoman ni Kimdrea pero pinigilan ko ang sarili.

"Okay na iyan, matatag ka Rin."

Pagewang-gewang akong umaakyat papunta sa taas. Natawa ako sa sarili ng muntik na akong mahulog dahil sa hindi ako nakakapit ng mabuti sa railings.

"Muntik na iyon ah," kinakabahang sabi ko sa sarili. Abot-abot ang kaba ko pero nagpatuloy pa rin ako sa pag-akyat.

Nasa tamang pag-iisip pa naman ako. Alam ko naman kung saan dapat ako papasok at alam ko ang hindi dapat pasukan.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Walang Adrian.

"Bwisit. Hindi na ako maglalasing," kagigising ko lang at ang sakit ng ulo ko. Parang may pumupukpok nito dahil sa sobrang sakit.

Inamoy ko ang sarili ng maalalang sumuka ako kagabi. "Huh?"

Mabilis akong umupo at tiningnan ang damit na suot ko. Hindi ito ang suot ko kagabi. Parang binihisan ako.

"Good morning po, ma'am. Maayos na po ba kayo? Binihisan po pala kita kagabi kaya patawad po baka magalit kayo."

Nagulat akong pagbaba ko ay may isang babae na hindi gaanong katandaan ang nakangiting bumungad sa akin.

"Ikaw po ang nagbihis sa akin?" dismayadong tanong ko.

Akala ko pa naman ay si Adrian ang nagbihis sa amin dahil alam kong kami lang tatlo ang tao sa bahay.

"Opo, puno po kasi kayo ng suka kagabi."

Natahimik ako sa sinabi niya. Parang gusto kong bumalik sa taas at magtalukbong ng kumot.

Umasa pa ako.

"Kain na po kayo. Umalis po kasi si Sir Adrian kasama si Ma'am Kim."

Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "At huwag daw po kayong umalis kapag hindi ako kasama sabi ni Sir Adrian," dagdag niya.

Nakangiti pa siya habang sinasabi iyon sa akin pero wala akong reaksyon kahit ngiti man lang. May kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib ko ng marinig ang sinabi niya.

"Ano pong ginagawa niyo rito?"

"Ahh... Kinuha po ako ni Sir Adrian para raw po sa mga gawaing bahay dito."

Bakit kailangang may kasambahay pa kung aalis din naman kami? Wala rin namang kwenta ang bakasyong ito.

"Ate, mamaya na lang po ako kakain."

Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at umakyat sa taas. Naghilamos lang ako kanina dahil sa akala ko ay si Adrian ang nag-asikaso sa akin kagabi.

Excited akong bumaba para makita siya pero umalis na naman sila.

Hindi ako lumabas buong maghapon at tulog lang ng tulog. Hindi rin ako kumain. Tinulog ko lang ang gutom ko.

Nabuhayan lang ako ng makita si Adrian sa pintuan ko. May dala itong pagkain at isang bote ng tubig.

"Eat. I'll stay here until you finished these foods."

Hindi ko pinahalatang masaya akong nandito siya. Dahan-dahan lang akong tumayo. Agad kong naisip ang ginawa ni Kimdrea kagabi.

I acted to fall down ng nasa mesa na ako at katabi niya. Mabilis naman ang kamay niyang sinalo ako.

"What happened? Are you okay? Stop acting like a child and eat your food even when you don't have an appetite," galit niyang sabi sa akin.

Pinaupo niya ako sa upuan at naupo rin siya sa tabi ko.

"Nahihilo lang ako," mahinang sabi ko.

Kailangan kong gawin ito. Kahit na hindi ko alam kung halata ba niyang umaakting lang ako.

"Then start eating your foods," seryoso niyang sabi at nilapit sa akin ang mga pagkain.

I nodded slowly. Dahan-dahan kong kinuha ang kutsara at pinakita kong nanginginig ang kamay ko habang kumakain.

He sighed heavily bago kinuha ang kutsara sa kamay ko at siya na ang naghiwa ng karne at sinubo iyon sa akin.

Napangiti ako sa nangyayari. Umubo ako kunyari kaya binuksan niya ang bote ng tubig at pinainom iyon sa akin.

"Slowly," paalala niya ng mabilis akong uminom ng tubig.

"Food," sabi ko.

Sinubuan niya naman ako ng kanin at ulam. Seryoso lang siya sa ginagawa niya. Nakatingin lang din ako habang naghihiwa siya ng ulam.

Gagawin ko ang lahat para mapalapit ako sa puso mo. Kung kailangan kong gawin lahat ng hindi ko nagagawa noon ay gagawin ko para sa'yo.

Ako ang asawa ako ang mas may karapatan sa'yo at hindi iyong kababata mong laspag na.

Billionaire's Crucial Wife (R18) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon