20th Meeting

35 1 0
                                    

After that unforgiving nightmare, your mind says you're finally free
Like a book towards a new chapter, the same as twilight after a very dark night
Sad to say, that's only the beginning of everything
Even so, what hue will you choose?
- D  

         
      
       
➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶ ❦ ➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶
   
   
   
Fleur  
   
   
  
World of Black? Ito ang mundo kung saan nakatira si Mr. Ghostman.

Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Kung totoo ang sinasabi ni Joy, ibig sabihin ay hindi talaga tunay na ordinaryong tao si Ryle.

How about her? Parehas ba sila Joy at Ryle ng katauhan?

"What do you think?"

Nagulat ako sa tanong ni Joy. Nang tingnan ko siya, hindi na seryoso ang mukha nito dahil nakangiti na siya sa akin.

"I'm not a mind reader, Fleur. Sadyang madali kong nababasa kung ano ang iniisip ng isang tao kapag nakikita ko ang pinapakita nilang emosyon."

"Kung ganon, magkaparehas kayo ni Ryle?"

Nanatili siyang nakangiti at hindi sinagot ang tanong ko.

"Joy--"

"Fleur!"

Napapunta ang atensyon ko sa taong tumawag sa pangalan ko.

He's here again. Dumating na siya matapos siguro ang usapan kasama sila Zetty. Gaya ni Joy, nakangiti rin ito sa akin habang papalapit sa aming direksyon.

Nang makalapit si Ryle sa amin, inilahad niya ang kanang kamay sa harap ko kaya nagtaka ako.

"Let's get inside. Everyone's waiting for you." sabi ni Ryle sa akin.

Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ang kamay na iyon o hindi. Tumingin pa ako kay Joy para malaman kung ano ang kanyang reaksyon. Sa kasamaang palad, hindi pa rin nagbabago ang matamis niyang ngiti.

I have no choice but to accept Ryle's hand in front of me. Instead of holding it, sa wrist na naman ako hinawakan ni Ryle habang naglalakad kami papasok ng bahay.

Bago tuluyang makapunta sa salas, may narinig akong bulong na nagpatindig sa lahat ng balahibo ko sa katawan.    
   
   
   
Remember what I said, Fleur. When he invited you again to go with him somewhere else, please turn down his invitation.   
  
  
  
Tumigil ako sa paglalakad gayun din si Ryle. Humarap ito sa akin na nagtataka dahil sa biglaang paghinto ko.

"Fleur, is there something wrong?" tanong niya sa akin.

"Wala naman. Nasaan sila Zetty? Dito mo na sila papuntahin sa salas."

"Nasa kusina lang sila. Pero kung ayun ang gusto mo, wala akong magagawa kundi ibigay ang hinihiling mo."

Hindi nahalata ni Ryle na naestatwa ako nang guluhin na naman niya ang buhok ko. Para tawagin sila Zetty sa kusina, binitawan na niya ang wrist ko kaya nakahinga ako ng malawag.

When Two Strangers Meet...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon