❝ Three wounds and she doesn't know where it came from
It was deeper than the darkest night but bearable unlike her boredom to reality. ❞
- D
➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶ ❦ ➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶
Fleur's PoV
It was another summer day indeed and my mind was been set not for pools and ice creams. In fact, punung-puno ang isipan ko tungkol sa susunod naming mission.Sa ngayon ay nasa rooftop ulit kami ng Destinee Academy, our dearest school, para pag-usapan ang nangyari last time about kay Mr. Ghostman.
"Hindi siya madaling pakiusapan lalo pa't tungkol ito sa pinaka-pinaghahandaan niyang plano noon pa man. At kung hindi ako nagkakamali, narinig kong sinabi mong dumating si Dee."
Natigilan ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang pangalan na 'yon. Sino si Dee? Noong magkaroon ako ng malay matapos mahimatay, hindi binanggit or pinaliwanag ni Mr. Stranger ang taong ito after kong magising.
Don't tell me, siya ang sinasabi nilang Dee?
Tiningnan ko si Mr. Stranger na nakasandal sa railings ng rooftop habang tahimik na nakatingin sa sahig. Tila hindi nito gustong pag-usapan ang taong may pangalang Dee.
"May alam na ba siya dito?" tanong naman ni Lev habang nakatingin sa direksyon ko.
Ok, what was that stare all about?
Umiling si Mr. Stranger bilang sagot at nakita kong nagkatinginan sila Faith at Lev sa isa't-isa.
"It's still a good thing, right? Atleast, hindi pa niya alam ang lahat. Hindi pa oras para sabihin sa kanya ang tungkol dito."
Dahil hindi ko na maiwasan ang ma-O.P. sa kanilang tatlo, nagdesisyon na akong sumingit sa usapan.
"Uh... tungkol saan na nga ba ang pinag-uusapan natin?"
Nagulat si Faith sa biglaan kong pagtanong sa kanila.
"Right! Oo nga pala, about kay Ghostman. Yes. May naisip na ba kayong bagong estratehiya para sa kanya?"
Change of topic. Tch.
"Hindi gaanong maganda ang unang pag-uusap natin sa kanya at ultimong hindi rin natin inaasahan ang pagdating ni Dee. I have already concluded this scenario before and since it became a history, I made few but wise plans for another mission."
Hindi ko maiwasang mairita kay Lev dahil panay ang pagtingin nito sa akin kapag nagsasalita. Ano bang gusto niyang iparating sa mga tingin na 'yon? Nag-iingat ba siyang may masabing classified information na hindi ko dapat malaman? Kung ganon nga, hindi siya magaling na keeper.
"Kailangan kong pag-aralan muna ang nabuo mong plano." suhestiyon ni Faith kay Lev bago pa man sila naging abala sa ibang topic.
Matapos nilang lumayo sa aming dalawa, lumapit ako kay Mr. Stranger na ngayon ay tumingin sa akin.
"Cupid, who was that woman-in-red last time? Isa rin ba siya gaya natin?"
Dahil sa tanong ko, nawalan ulit ng pakialam si Mr. Stranger sa nangyayari ngayon. Why does he keep ignoring that topic? Don't tell me may history sila sa isa't-isa?
"Ok, mukhang masyado akong nangingialam. Sorry for being nosy about her. Hindi ko naman kasi alam na mayroon kayong nakaraan."
Dahil wala akong pakialam sa mga bagay lalo na't tungkol sa love life, hindi ko minsan maiwasang maging sarcastic kapag ito ang sinasabi ko.
BINABASA MO ANG
When Two Strangers Meet...
Fantasy[COMPLETED] ✔ Love between two strangers. It may happen with miracles and could also be the fate's cruel game. Story Plot: 2015 Posted in Wattpad: January 14, 2018 Date Finished: September 10, 2023 Genre: Fantasy, Highschool, Adventure, Mystery (c)...