33rd Meeting

37 0 0
                                    

We run in circles
Beginning is the end
You need to escape this loop
Before the chaos came ❞
- D
 

 
   
  

➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶ ❦ ➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶   
       
   
  
Fleur  
  
  
   
Matatapos na ang linggong ito pero hindi pa rin ako nakakapag-enroll sa kahit anong school. Next week, pabalik na ang mga magulang ko sa kanilang trabaho at hindi na ako masasamahan ni Papa sa pag-eenroll.

Destinee Academy is my only hope for this year. Kaso, nagdadalawang isip pa rin ako dahil wala talaga akong plano na bumalik dito.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, naalala ko si Faith kung kaya't agad ko siyang tinawagan. Nakaka-isang ring palang, sinagot na niya agad ang tawag ko.

"Faith! Busy ka?"  
  
  
  
[Hi Psyche! Hmmp, hindi naman. Pero pupunta kami ni mahal kay Flag para magdala ng lunch. Sama ka?
  
  
 
"Sure. Sasama ako. Paalis na ba kayo? Bibilisan ko lang ang pag-aayos ko."  
 
  
  
[Okie! Take your time. Hihi. Hindi pa naman ako nasusundo ni Lev kaya nasa bahay pa ako. Dadaanan ka namin mamaya para sabay-sabay na tayong pumunta kay Flag.]  
  
   
  
Pagka-end ng tawag, lumapit ako sa aparador at kumuha ng mga damit. Habang naghahalungkat, nakita ko ang isang cardigan na minsan kong isinuot kapag kasama si Flag sa mission niya. Nasa ibaba nito ang quiver na may lamang ilang arrows na hindi pa nagagamit ni Flag.

Now I started wondering, Flag accepted me as his second-hand yet I only go with him in missions selmdomly these days.

Ibalik ko na lang ba sa kanya ang mga pana na 'to? Baka kasi nakalimutan na niyang nagpagawa siya sa'kin ng mga arrows noon kaya hindi na niya ito hinihingi sa'kin.

Nang makapili ng damit na susuotin, inilabas ko rin ang quiver at pinatong muna ito sa kama. Mabilis lang ang paliligo ko dahil mag-aayos pa ako ng gamit mamaya.

Pagkalabas ng cr, kinuha ko ang backpack ko na nakasabit sa pader at doon naman sinampay ang tuwalya na ginamit ko sa pagpapatayo ng buhok.

Medyo pansinin ang quiver na dadalhin ko mamaya kung kaya't kinakailangan kong magdala ng backpack.

Noong maging ready na ako, lumabas na ako ng kwarto at bumaba ng hagdan para pumuntang salas.

"Faith, may bisita ka pala ngayon. Di ka nagpasabi para napaghanda ko sila ng merienda."

Bumati muna ako kay Papa bago tumingin kila Faith at Lev na busy kausap sila Spade at Club. Nang lapitan ko sila, nagpaalam ang dalawa kong kapatid kila Faith dahil maglalaro na ang mga ito sa kanilang kwarto.

"Good morning, Psyche! Nakakatuwa talaga ang mga kapatid mo. Hahaha." bati sa'kin ni Faith nang makita ako.

Ngumiti ako sa kanila.

"Hahaha. Alam niyo naman, bihira lang ako magkaroon ng bisita sa bahay. Tara na ba? Baka kasi lumamig na 'yang pagkain na dadalhin niyo kay Mr. Cupid." sabi ko habang nakatingin sa tote bag na hawak ni Faith.

Pagkatayo ng dalawa, nagpaalam muna ako kay Papa na aalis na kaming tatlo. Pinaalalahan pa niya kaming mag-ingat sa daan at sinabihan niya rin akong mag-enjoy sa gala namin.

When Two Strangers Meet...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon