26th Meeting

30 1 0
                                    

In one empty street, a lone woman was standing along the road.
It was a dead night, as if a pitch black veil covers the ordinary world.
But when the streetlight glows in bloody red,
Her return means no other than dread.❞
- D
 

  
   
   

➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶ ❦ ➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶
 

 
   
  

Fleur   
 

 
   
  

A week before the start of my 11th Grade, naging busy ako dahil sa isang summer camp.

Hindi naman required sumali sa event na 'to. Nagdesisyon lang ako sumama dahil gusto kong makilala ang school na papasukan ko. At first, medyo nahihiya ako sa mga taong nakakasalamuha ko dahil ito ang unang beses na sumali ako sa isang outdoor event. Socializing isn't my thing, which gave me a hard time to adjust. But as days goes by, I become comfortable with the people I recently met.

Okay rin palang lumabas muna sa comfort zone mo paminsan-minsan. Also, this is the first step for me to have a new school life. Dito magsisimula ang ninanais kong pagbabago sa buhay ko.

"Fleur, tapos ka na?"

Ngumiti ako sa kasama ko at pinakita ang halaman na kakatapos ko lang ilipat mula sa kabilang paso.

"Yup! Okay na lahat ng mga halaman sa'kin. Tapos ko na yung 20."

"Bilis ah. By the way, saan ka kakain ng lunch mamaya? Sama ka sa'kin."

"Dito lang siguro sa campus. And sorry kung hindi ako makakasabay sa'yo. Baka kasi may gawin rin akong importante mamaya."

"I see. I guess next time na lang ulit? Hahaha."

Nagpaalam na ito sa akin habang bitbit ang mga halaman na kakatapos ko lang ayusin kanina. He used a wheel barrow to carry all of them from my spot towards the portable stage which the school faculties built this morning. Bale tungkol sa pangangalaga ng environment ang activity ngayon kaya naglilipat ako ng mga halaman kanina. And yes, the boy I was talking last time is one of my teammates in this activity.

Dahil kanina pa ako nakatayo, umupo muna ako sa bakanteng bench at uminom ng tubig.

Noong wala na akong ginagawa, kinuha ko ang phone ko para tingnan ang oras. It's only 11 o'clock in the morning. Ibabalik ko na sana ito nang makita ang wallpaper ng aking home screen.

It's me together with Flag, Faith and Lev during our summer getaway. Ito yung time na nasa taas na kami ng bundok at halos papalubog na ang araw.

Hindi ko mapigilang ngumiti nang maalala ang mga pangyayaring 'yon. Parang kahapon lang ang lahat kahit halos dalawang linggo na ang nakakalipas matapos ang huli naming pagkikita.

Unlike me, hindi sila gaanong busy sa mga natitirang araw ng bakasyon dahil nasa kani-kanila lang silang mga bahay. Noong isang araw, nakatanggap ako ng message mula kay Faith at nabobored daw ito sa kanila. Wala kasing summer camp sa Destinee Academy kaya hindi sila pumupunta ng school gaya ko. Well, except from the part when they have a mission. Kaso miski mission ay madalang lang sila magkaroon ngayon. Parang iisang beses lang ata sila bumisita sa rooftop at ang ginawa lamang nila ay magpatrol. I tried inviting them to join in our summer camp but the school was no longer accepting outsiders. Medyo late na rin kasi kung sasali pa sila.

When Two Strangers Meet...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon