5th Meeting

96 6 0
                                    

Even they don't know each other's name... the so-called LOVE will be there one day.

- D
 

       
      
     

➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶ ❦ ➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶
    
    
 

   

Fleur's PoV         
   
 

       
        

Like that stranger guy, pare-pareho nilang sinasabi na classified information ang tungkol sa red string. Hindi lang ito ha. Miski ang mysteries ng kanilang buong katauhan, ayaw rin sabihin!

Nakakaloka.

Today is Valentines Day and currently, I'm not feeling well.

Wait, wala naman akong nararamdamang sakit. Ang totoo 'nan, masama lang ang loob ko dahil February 14 na.

Hindi rin ako bitter ngayong araw ng mga puso dahil wala akon problema sa mga couples na nakikita kong nagcecelebrate ng Valentine's Day. Ano kasi eh. Para bang umuulit ang nakaraan lalo na't meron na naman akong schoolmate na kausap ngayon at may sasabihin daw siya sa akin.

Because of this moment, I just remembered that I scolded the stranger if ever someone has confessed to me again, he'll surely become a dead meat.

Sa wakas, may dahilan na ako para gantihan siya!

"Fleur... uhmm... gusto kita. Matagal na kitang gusto mula pa siguro noong maghighschool ka. Matagal na rin dahil nasa senior high na ako sabay last year mo na sa junior high. Ngayon lang ako umamin dahil... ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob."

Here I am again being so nice in front of them. Bakit kasi ang daming nagkakagusto sa akin?

Ilang lalaki na ang humanga sa akin pero miski isa sa kanila ay hindi ko nagustuhan.

Siguro tama ang doubt ko before. Baka hindi talaga ako ordinaryong tao. Wala akong red string of fate hindi gaya nilang lahat.

Or maybe I'm just a heartless one. That's why I don't feel anything which may connect me to someone.

I could see a thin red string in this guy whom I'm talking to. Kaso hindi ko makita kung saan ang isang dulo nito. Hindi ito nakakabit sa akin kaya alam kong hindi siya ang lalaking nakatadhana sa isang tulad ko.

Tahimik lamang kaming dalawa, tila naghihintay kung sino ang susunod na magsasalita. Matapos ang ilang minuto, sumagot na ako.

"Leus." banggit ko sa kanyang pangalan. Kanina ko nga lang 'to nalaman after niyang magpakilala.

Nakangiti sa akin si Leus kahit na iniextend ko yung kamay ko sa kanya at binalik ang binigay na bouquet of red roses.

"Para talaga sa'yo 'yan." sabi niya habang nakatingin sa'kin. Kitang-kita ko sa mga mata niya na nagmamakaawa na itong tanggapin ang ibinigay niyang mga bulaklak.

"Sorry pero hindi ko na ito tatanggapin pa. Wala akong nararamdaman para sa'yo."

Kita ko ang paglungkot ng kanyang mukha matapos niyang tuluyang kuhanin ang bouquet of roses. Kung iba akong babae, siguro'y tinanggap ko na ang mga bulaklak hindi dahil sa mayroon akong gusto. I will appreciate them because I'm also aware of how hard it is to confess your feelings with someone you like.

When Two Strangers Meet...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon