10th Meeting

67 7 0
                                    

Heart has been so confused, she cannot let go the thread of her fate. ❞
- D
 

  
  
    

➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶ ❦ ➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶
  
   
     
Fleur's PoV
   
   
    
Ang init kapag summer. Ang sarap kumain ng isang gallon na ice cream.

Kaso tinatamad akong lumabas ng bahay at bumili sa convenience store. Allergic kasi ako sa init ng araw.

Bored na bored ako sa loob ng bahay dahil wala akong maisip na gawin.

Hindi ko naman gusto gumala ng may araw. Natapos ko na rin lahat ng gawing bahay.

May wifi naman kami pero nakita ko na lahat ng mga notifs ko.

Kaya ang ginagawa ko ngayon, nakatitig lang ako sa isang swaying plant na nakapatong sa study table ko.

"Kailan kaya 'to titigil sa paggalaw?"

Kanina ko pa kasi pinapatigil sa pagalaw yung swaying plant pero gumagalaw ito ulit matapos ng ilang minuto.

Try kong gumawa ng experiment. What if itiwarik ko 'to? Ewan ko na lang kung gagalaw pa siya.

Bago ko ibaligtad ang halaman, lumakas ang ihip ng hangin mula sa aking bintana.

"O, ba't ka nandito? Hindi pa gabi ah."

Kinuha niya sa akin yung swaying plant kaya bigla akong tumayo.

"Hoy ibalik mo 'yan. May ginagawa pa akong observation."

"Why are you so cruel to this plant?"

"Cruel ka d'yan. Edi sana pinitas ko na yung mga dahon nito kung cruel ako?"

Nagulat ako nang biglang mag-iba ng kulay yung swaying plant. Naging kulay pula ito at mas bumilis ang paggalaw.

"Kung hindi mo 'to kayang alagaan, ako na lang ang mag-aalaga dito."

"Wait! Akin 'yan! Nakuha ko 'yan noong fieldtrip namin sa botanic gardens last year. Lakas mo ha."

"I'm searching this from the past year. Ikaw lang pala ang nakakuha nito. Pero akala ko ay napapunta siya sa isang mabuting kamay."

"Ibalik mo 'yan sa akin!"

Itinaas niya ang kanyang kamay kaya hindi ko na maabot yung halaman.

"Ibalik mo nga sabi!"

Pagkahawak ko sa kanyang kamay, biglang nagkulay itim ang buong paligid.

"A-Anong nangyari?"

Gaya ng nangyari noon, nagkaroon ng maraming kumikinang na mga bagay sa buong lugar at mukha kaming napadpad sa kalawakan.

"You damn she-stranger."

After he cursed, nakita ko ulit ang aking red string na biglang lumiwanag sa aking tapat.

When Two Strangers Meet...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon