❝ He received my warning, but he only dismissed it.
No one can control the darkness out of him.
He's aware of the truth, but can't fully accept it.
For him, the Ghostman, will haunt you until he succeeds more than defying me. ❞
- D
➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶ ❦ ➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶
Fleur
Few days after what happened to the tragic incident in my supposed-to-be new school, sinamahan ako ni Papa sa iba't-ibang kalapit na academy na pwede kong pag-enroll-an.Agad namang nirefund ng school ang whole year tuition fee ko dahil ayaw nilang makaabala pa sa lahat ng affected sa nangyaring sunog.
"Fleur, may gusto ka bang resto na kakainan natin?" nakangiting tanong ni Papa noong tumigil kami sa isang mall. Kakatapos lang namin mag-inquire sa Chimeria Academy at gaya ng ibang malapit na school, hindi na sila open for enrollment.
"Kahit saan na lang po, Papa."
"I see."
Pagkalabas ng sasakyan, napansin kong nakatingin si Papa sa phone niya at biglang ngumiti. Hindi ko maiwasang maintriga sa message na nareceive niya dahil ito ang unang beses na nakita ko siyang ganito. Bago niya i-off ang phone, nakita kong galing kay Mama ang message kaya napangiti rin ako.
"You saw it?"
Mabilis akong umiling kaya natawa si Papa.
"That's good."
"Eh?! Anong good po doon? Hmmp, kayo ha. May secret-secret pa kayong nalalaman."
"Hindi pa kasi namin pwedeng sabihin sa inyong magkakapatid ang surprise na 'to. Until it's confirmed, that's the only time we can tell this secret to you."
Dahil hindi ko na rin naman mapipilit si Papa, hinayaan ko na ito at naglakad na kami papuntang mall. Habang patawid sa pedestrian lane, kita ko sa peripheral vision ko si Papa na nakatingin sa unahan namin.
Even though naka-side view siya, parang may nakakamukha siya na kilala ko.
"Fleur?"
Medyo nagulat ako nang marinig si Papa na tinawag ang pangalan ko.
"P-Pa, bakit po?"
"Let's go. Color green na ang pedestrian light."
Agad naman akong tumango at sumabay sa kanya patawid ng pedestrian lane. Medyo nagpalinga-linga pa ako sa paligid dahil parang may hinihintay ako na mangyayaring kakaiba.
Aish. Fleur, it's only a normal day. Forget about anything that's not ordinary and focus in dealing what's real.
Kaunting lakad pa ang ginawa namin ni Papa hanggang sa makarating kami sa isang familiar na resto. Noong bata pa ako, madalas ay pinasasalubungan kaming magkakapatid ng mga pagkain galing sa resto na ito. As soon as we entered the restaurant, it feels nostaglic when I smelled several foods being served by the waiters in other customers.
Pinili ni Papa ang isang table na nasa east part ng resto, kung saan kita ang wall fountain ng mall. Nang mayroong waiter na lumapit sa table, agad sinabi ni Papa ang order niya at hindi na niya ako tinanong dahil alam niya kung anong pagkain ang gusto ko.
BINABASA MO ANG
When Two Strangers Meet...
Fantasy[COMPLETED] ✔ Love between two strangers. It may happen with miracles and could also be the fate's cruel game. Story Plot: 2015 Posted in Wattpad: January 14, 2018 Date Finished: September 10, 2023 Genre: Fantasy, Highschool, Adventure, Mystery (c)...