22nd Meeting

27 1 0
                                    

There are days in life that we felt the world is against us
But sometimes, fate favors the decision we took
Remember, as long as we breathe
There's hope for everything
- D
 

   
   
   
➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶ ❦ ➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶
  
  
  
Fleur    
    
    
     
It was only 5 o'clock in the morning but I'm already wide awake for a certain reason.

Madilim pa sa labas ng bahay pero nagsisimula na ang araw ko. Bumangon ako sa kama at lumapit sa bintana upang buksan 'yon.

The cold breeze of the morning greeted me and messed my hair. Pagkahawi ko dito, nakita ko ang cresent moon sa silangan na tila isang mukha ng tao habang nakangiti.

I didn't know that there's a conjunction of planets today. Ang nakakatuwa pa d'yan, nagmistulang mga mata ang dalawang maliwanag na planeta at bibig naman ang cresent moon.

Nagtagal pa ako ng ilang minuto sa harap ng bintana bago nagdesisyon na maligo. Matapos ang daily routine, kumuha ako ng coat sa aparador at nagsuot ng sapatos dahil lalabas ako ng bahay.

Minsan lang ako tamarin magluto sa bahay kaya pagbigyan ngayon na balak kong bumili na lang sa Convenience Store.

Nang makarating ako sa dapat puntahan, ineexpect ko nang makikita ang supladong si Mr. Cupid.

Dahil maaga pa, siya lang ang kaisa-isang customer na kumakain sa store.

At first, I only ignored him to get the foods that I need. Habang namimili ng pagkain, ilang beses akong napapatingin sa direksyon niya.

Buti na lang at wala siyang nakakatagpong tambay tuwing pumupunta dito sa Convenience Store. Malimit pa naman sa mga ganitong oras, laganap yung mga taong delikado.

Sabagay, he's a Cupid. I already witness how strong he is and skilled especially during our encounter with the Ghostman.

Dumiretso na ako sa cashier para bayaran ang mga napili kong pagkain. After 'non, pumunta ako sa table ni Flag dahil ipapa-oven pa yung instant food na binili ko.

"Kung hindi night owl, early bird naman. Natutulog ka pa ba?" tanong ko kay Mr. Stranger nang tumingin siya sa'kin.

"How about you? Natutulog ka rin ba?"

"Of course. Ngayon lang naman ako nag-Convenience Store ng ganitong kaaga."

At hindi na ulit namansin ang kasama ko. Nice talking talaga ang isang 'to eh.

Lumapit sa amin yung nasa cashier habang bitbit ang tray ng binili kong pagkain. After magpasalamat sa kanya, tahimik akong kumain habang hindi pinapansin si Mr. Stranger. Nang biglang...

"Yung phone mo, may tumatawag ata."

Tiningnan ko lang si Flag at bumalik sa pagkain.

"Your phone is vibrating. Hindi mo ba sasagutin yung tawag?"

For the second time around, I gave him a bored look.

Isang kutsara na lang ang pagkain ko pero di ko pa nakain nang makitang mabilis na hinablot ni Flag yung phone ko na nakapatong sa table.

"Hoy! Sinong may sabi sa'yo na--"

"Hello. It's Flag. Ayaw sagutin ni Fleur yung tawag mo. Magbaback out na yata ngayon."

Ha?! Anong pinagsasabi ng isang 'to?

Pilit kong kinukuha kay Flag yung phone pero lumayo na ito sa akin at lumabas ng Convenience Store. Nagmadali ako sa pagkain para lang makasunod sa kanya.

When Two Strangers Meet...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon