30th Meeting

35 0 0
                                    

Green, yellow and red
Gold and scarlet blinked alternately
Until the bloody one remains
I'll tell you who this person is

He, who succeeds in defying Fate

- D
  
  
 

   

➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶ ❦ ➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶
  
  
 
Fleur  
  
  
  
A day before my first day in 11th Grade, kasama ko si Mama sa mall para bumili ng mga gamit. Nagtataka nga ako kung bakit ako lang ang isinama niya sa pamimili ng mga school supplies na kailangan ng mga kapatid ko. Dati rati, apat kaming magkakapatid na bitbit niya sa mall. Ngayon naman, ako lang ang kasama niya at inihabilin niya kay Aya ang iba pa naming nakababatang kapatid.

Not only that, nagtataka rin ako na wala siyang pasok ngayon. It's Sunday pero madalas ay nagtatrabaho pa rin siya dahil sa pagiging workaholic. I didn't know na minsan ay nagmimilagro rin ang mga magulang ko. Or in other terms, nagiging weird.

"May napili ka na ba para sa sarili mo?" tanong ni Mama matapos kumuha ng isang box ng No. 2 pencils.

"Itong isang box ng black signpens na lang po ang need ko, Ma. The rest naman ng school supplies ay meron pa po ako."

"How about black shoes, rubber shoes or payong? Hindi pa ba sira yung ginagamit mo from the past years?"

Umiling ako.

"Okay pa po sila, Mama."

"Saan mo nga pala gustong kumain ng lunch mamaya?"

Bigla akong napaisip. Seryoso? Kakain kami ni Mama sa labas?

"Kung saan niyo na lang po gusto. Wala po kasi akong mapili eh."

"Sige."

After our short conversation, pumunta na sa counter si Mama para bayaran ang mga pinamiling school supplies. Matapos 'non, tinulungan ko siyang magtulak ng push cart habang papunta kami sa napili niyang resto.

Nang makarating sa resto, umupo kami sa table na malapit sa glasswall. May lumapit sa'ming waiter para kuhanin ang mga order namin. Nang maging okay na ang lahat, umalis na ito at naiwan kami ni Mama na tahimik sa'ming table.

It was awkward to be with her. Bihira ko lang nakakasama ang Mama ko dahil madalas siyang wala sa bahay. Ngayong biglaan ang pagpunta namin sa mall, plus kami lang ang kakain sa resto, pakiramdam ko'y kababago lang naming nakilala ang isa't-isa.

"Ma, bakit niyo nga pala hindi isinama sila Aya?"

Saglit akong tiningnan ni Mama bago binalik ang tingin sa hawak na notebook.

"May pasok ako mamaya. Hindi rin natin kailangan magtagal dito kaya ikaw na lang ang isinama ko."

Oh, may pasok pa pala siya. Akala ko wala na. Sabagay, bakit pa ako magtataka? Wala ng bago dito.

"By the way, hindi pa kita natatanong sa naging decision mo sa paglipat ng school. Something's wrong from your previous school that's why you need to transfer?"

When Two Strangers Meet...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon