❝ Even in daylight, darkness goes rampageous within its reach
His sinister smile, below his hat that cloaked his real identity
Pretending ordinary, but he's more than just an entity
His existence will warn you of his near destruction ❞- D
➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶ ❦ ➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶
Faith
Isang linggo bago matapos ang summer vacation, babalik kami nila Flag at Lev sa school para mag-enroll.I will take HUMSS while the two boys will take STEM as their strand in our Senior Highschool. Kung sakaling sa Destinee Academy pa rin mag-aaral si Fleur, malamang ay magkaklase silang tatlo.
Hindi ko mapigilan ang maimagine na nasa iisa pa rin kaming school ngayong taon. Kapag tapos na ang mga klase nila, sabay-sabay nila akong susunduin sa classroom ko at magkakayayaan na kumain or gumala kahit saan namin gusto.
I can still happen even though Fleur already transferred in other school. Since Senior Highschool was like a preparation of students to their college life, expect that we will have limited time to bond with each other.
Inalis ko ang tingin sa kisame nang marinig ang pagkalampag ng gate sa frontyard. Hinawi ko ang kurtina ng bintana para makita kung sino ang nagbukas nito. My forehead creased to see Lev entering it, which made me picked up my phone that's resting above my side cabinet.
"Hindi ba siya nagtext or kahit nagchat para sabihan akong pupunta siya dito?"
Nanlaki ang mata ko nang makita ang Call Log. Okay? Bakit hindi ko narinig ang pagring ng phone ko noong tumatawag siya kanina? Hindi lang isang beses siyang tumawag. Kundi limang beses! Ganun na ba talaga kalalim ang iniisip ko kaya hindi ko narinig ang pagring ng phone ko?
Medyo nagulat ako nang tumunog ang doorbell ng bahay. Agad akong bumangon mula sa kama at inayos ang sarili bago nagmadaling bumaba sa salas at pagbuksan ng pinto ang bisita. Nang makita ko siya sa likod ng pinto, nahihiya akong ngumiti bilang unang pagbati sa kanya.
"Sorry mahal ko. Hindi ko narinig ang phone ko kanina. Hindi ko tuloy nasagot yung tawag mo."
Inadjust muna ni Lev ang suot na salamin bago sumagot.
"Okay lang. Mukhang tulog ka pa kanina. Napaaga kami ng punta ni Flag dito."
Tulog? Hindi eh. Nakatulala lang ako kanina dahil may what-ifs ako kung magkakasama pa rin kaming apat sa Destinee Academy sa paparating na school year.
Lumingon ako sa taong nasa likuran niya. Oh, akala ko nag-iisa lang siya na pumunta dito. Kasama na niya pala si Flag na nakatingin sa shrubs.
"Oo nga eh. Hahaha. 9 am palang. 10 am ang usapan natin ah."
Pinapasok ko muna ang dalawa sa loob ng bahay dahil aasikasuhin ko pa ang mga dadalhin ko sa school. Yup, the three of us will go to school today because of enrollment. Kagabi lang namin ito napag-usapan dahil wala pa talaga kaming balak mag-enroll ngayong week. Kaso nag-announce ang school principal sa official website ng Destinee Academy na ngayon ang first at last day ng enrollment sa Senior Highschool.
Nang balikan ko sila sa salas, niyaya ko na silang pumunta sa school. Hindi naman gaanong malayo ang school sa bahay ko at hindi pa matindi ang sikat ng araw kaya nagdesisyon na lang kaming maglakad sa tabi ng kalsada.
Magkapantay kami ni Lev sa paglalakad habang nakasunod naman sa likuran si Flag. Medyo binabagalan ko ang paglalakad para pumantay siya sa'min. Pero kahit anong adjust ko, parang ayaw niya talagang sumabay.
BINABASA MO ANG
When Two Strangers Meet...
Fantasy[COMPLETED] ✔ Love between two strangers. It may happen with miracles and could also be the fate's cruel game. Story Plot: 2015 Posted in Wattpad: January 14, 2018 Date Finished: September 10, 2023 Genre: Fantasy, Highschool, Adventure, Mystery (c)...