❝ Heart may change because of pain.
Would they find the victory they seek?
Pity those who've been played by tragedy.
But not who were fooled at least. ❞
- D
➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶ ❦ ➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶
Fleur
Inangat ko ang aking kamay at ipinatong ito sa aking dibdib. This is the first time that I felt hurt about hearing a tragic situation.Since I don't give a damn in other person's life, may kahinaan pa rin akong nararamdaman kapag nalaman ko ang sitwasyon ng isang tao.
I thought Faith has a good life. Her cheerful attitude covers her painful past. Ni hindi ko siya nakitang sumimangot o magalit sa anumang bagay lalo na't pinagtatabuyan ko sila ni Lev palayo.
I didn't know that her family was murdered. Maaga siyang naulila sa ama. Nang malaman ko ang masalimuot niyang nakaraan, hindi mapigilan ng mga luha ko na tumulo dahil sa sobrang sakit na nararamdaman.
"I-I'm very sorry to hear that." I muttered while controling my voice to crack.
Dahil sa liwanag ng buwan, kita kong ngumiti si Lev sa akin.
"Past is past. Hindi na rin maibabalik ang nakaraan kung tinatarayan mo ang girlfriend ko ng ganun-ganun lang."
Hindi ko na napigilang hampasin si Lev sa likod dahil sa biro niya. Kita niyo na! Nagawa pang mang-asar! Sabagay, may point siya. Masyado akong naging hard kay Faith.
"Naiintindihan ko naman kung bakit mo kami pinagtatabuyan palayo. Wala kang kasalanan, Psyche."
Sa paglipas ng mga oras, nakita kong panay pa rin ang paghihintay ni Lev sa hawak na Chronos. Matapos ang ilan pang mga minuto, nagtaka ako nang tumayo siya at isinilid sa bulsa ng pants ang device.
"Hindi siya dadating dito. Kailangan nating pumunta sa Hongshiji."
Imbis na matuwa sa narinig ko, hindi nawala ang pagtataka ko dahil sa panibago naming gagawin. Bakit kami susunod kila Mr. Stranger sa kabilang mundo?
"Sigurado ka ba sa sinabi mo?" tanong ko kay Lev.
Mukhang seryoso nga siya sa sinabi kanina dahil nawala na ang simple nitong ngiti.
"Nasa panganib si Faith. Kailangan ko siyang tulungan."
"Eh?! Pano mo nalaman?!"
Para akong nanigas sa kinatatayuan ko nang iangat ni Lev ang kanan niyang kamay. Nang pumantay ito sa kanyang tadyang, ibinuka niya nang marahan ang kamay at nakita kong may lumiliwanag na asul sa ibabaw nito.
"Red strings... no. Imposible. Hindi kulay pula ang sinulid na nasa palad mo."
Nang tingnan ako ni Lev, napalunok ako dahil sa seryoso niyang tingin.
"Siya ang nakakonekta sa dulong bahagi ng red string of fate ko. Tama ang sinabi mo kanina. Dahil nasa panganib siya, nag-iiba ang kulay nito ayon sa kondisyon ni Faith."
Natakot ako sa kanyang sinabi. Paano niya nalaman na sila ang nakatadhana sa isa't-isa?
"Kung ganon, kailangan na natin siyang puntahan." sabi ko.
Gaya ng ginagawa ni Mr. Stranger para makarating sa Hongshiji, gumamit si Lev ng isang pulang krayola at iginuhit ito sa pader.
Bumuo siya ng parihabang hugis at unti-unting naglaho ang linya nito na parang alikabok na dinadala ng hangin. Pagkaraan ng ilang segundo, isang madilim na alleyway ang nilikha ng drawing.
BINABASA MO ANG
When Two Strangers Meet...
Fantasy[COMPLETED] ✔ Love between two strangers. It may happen with miracles and could also be the fate's cruel game. Story Plot: 2015 Posted in Wattpad: January 14, 2018 Date Finished: September 10, 2023 Genre: Fantasy, Highschool, Adventure, Mystery (c)...