8th Meeting

79 5 0
                                    

Set aside everything related to red and fate,
As the darkest part of those sparks, here comes her regrets and her past with full of pain
- D
 

   
    
    

➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶ ❦ ➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶    
 

  
    
   

Fleur's PoV   
    
 

  
   

Ilang minuto na ang nakakalipas matapos naming umalis ng temple para tapusin ang misyon ni Mr. Stranger.

Nasa likuran niya ako habang pareho kaming tahimik sa paglalakad.

As we are walking, I can't keep myself examining the clothes he's wearing right now.

Nagmumukha siyang grim reaper sa suot niya except sa kumikinang na rubies mula sa isa niyang piercing at kaunting highlights sa buhok.

Muntik na akong sumubsob sa likod niya nang bigla siyang tumigil sa paglalakad.

"Here we are."

Anong gagawin namin sa isang abandonadong school?

"Hindi mo man lang sinabi sa akin na maggoghost hunting pala tayo. Edi sana nagdala ako ng video recorder."

Natahimik na lang ako nang biglang tumingin sa akin si cupid suot ang walang emosyon na mukha.

"Magseseryoso na ako. Promise. Pero ano ba kasi ang gagawin natin dito?"

Nakatayo kaming dalawa sa harap ng main door ng school. Yari ito sa kahoy at sobrang tayog niya na kung susukatin mo ay kasing taas siya ng dalawang pinagpatong na tao.

"Hindi ka siguro nakikinig sa sinabi ni Levi kanina."

Uhhh... Actually may point siya.

"Nadistract lang ako sa ganda ng temple. Sareh."

Hindi pinansin ni Mr. Stranger ang sinabi ko dahil sinimulan na niyang itulak yung pinto.

"Locked."

Feeling niya naman nasa horror movie kami. Syempre kapag sa gantong reyalidad, natural na naka-lock ang bawat building. Edi may biglang tumira dito kapag hindi? Right? Right?!

"Sa likod tayo dadaan. Hindi pwedeng sirain ang pinto."

Malamang! Ayokong makasuhan kami ng destruction of property 'no!

Pagkarating sa likod ng school, mas lalo kaming nawalan ng paraan kung paano pumasok sa loob ng gusali.

"Wala akong pwedeng gawing paraan bukod sa akyatin ito."

What?! Aakyatin niya ang six storey building na 'to?! Gusto niya bang magpakamatay?

"Hindi ba trespassing na ang gagawin mo kapag magpumilit tayong pumasok sa loob ng school?"

"Hindi ka kasama. Dito ka lang."

"Aish! Sige, hindi na trespassing ang magiging concern ko dito. Pero ang suicidal kung aakyatin mo 'to ha."

When Two Strangers Meet...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon