6th Meeting

86 5 0
                                    

Lanterns of hope after the beginning of what should start
Feelings like fireworks may burst to create what was meant to be
- D

 

➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶ ❦ ➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶
    
   
     

Fleur's PoV  
  
 
  
What's up with that stranger? Palagi niya akong binibigyan ng mga bagay na hindi ko ineexpect na matatanggap mula sa kanya.

Ang estranghero ay madalas daw umabsent sa klase kaya hindi na ako magtataka kung wala ito sa mga araw ng pagpasok.

But today is different. We were both inside the school premises kahit na Chinese New Year.

Walang pasok ngayon since may gaganapin na namang holiday around the world. Although kahit hindi chinese ang nakatira sa Pilipinas, isinecelebrate nila ang Lunar New Year.

"Can you explain to me kung anong ginagawa natin sa loob ng school?"

Imbis na natutulog pa ako ngayong oras, ang pagtambay sa school kasama siya ang inaatupag ko. Oh gosh! It's only 7 am in the morning! Kapag walang pasok ay inaabot pa ako ng 10 am sa kama.

By the way, hindi niya ako nacontact via phone kaya ako nakapunta dito.

Kahapon niya na kasi pinaalala sa akin na magkita kami sa favorite kong convenience store dahil may pag-uusapan daw kaming importante.

Pero sa nakikita ko ngayon, I'm starting to doubt if it's really important or not.

"Hoy! Magsalita ka naman!"

Ang haba na ng sinabi ko kanina sa isip pero tahimik pa rin siyang nakatingin sa kawalan.

"Kung nawala man 'yang dila mo kaya di kana makapagsalita, aalis na muna ako. Nakakagutom na."

Bago makababa ng fourth floor...

"Akala ko ba interesado ka maging kanang kamay ko?"

Wait. Ito na ba ang pag-uusapan namin?

Malawak ang ngiti ko nang tumingin sa kanya.

"So, sasabihin mo na ang first job ko?!"

Nanatiling walang emosyon ang mukha nito na nakatingin sa akin.

"Yes."

Hooray!

"Tara na! Saan ba tayo? Dito lang sa street natin? O sa kabila pa? Dali! Excited na ako."

"Sa C-Street. Pero hindi pa ngayon. Mamaya pang gabi."

Ok! Yun naman pala eh! May purpose rin pala ang maaga kong gising ngayon.

Wait.

Mamaya pang gabi?!

"Tsss. Dapat mamaya mo na lang sinabi sa akin kung saan o anong oras 'tong misyon kunno! Aba! Gabi pa pala yung first job ko sabay maaga mo akong pinapunta dito!"

When Two Strangers Meet...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon