21st Meeting

35 1 0
                                    

Free from the burden of the past
Gained more than the worth of what's lost
Here comes the new beginning of everything
Dear strangers, enjoy your peaceful evening
- D  
 

    
   
   
➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶ ❦ ➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶ 
   
    
   
Fleur   
  
  
  
Lumipas pa ang isang linggo at abala lang ako sa pagrereview. Mabuti na lang at hindi pa dumadalaw sila Faith sa bahay para pag-usapan ang pinagplanuhan nilang gala.

Exactly Monday, pumunta ako sa school kung saan balak kong magtransfer. I took the entrance exam and stayed there for atleast two hours. Matapos ang exam, nag-announce ang proctor na sa isang linggo pa namin malalaman ang test results.

Nang makauwi ako ng bahay, dinatnan kong may kinakausap si Aya sa sala. Hindi ko na sana ito papansinin dahil baka mga kalaro niya lang ang bisita sa bahay pero natigilan ako sa mga pamilyar na boses.

"Oh! It means Diamond ang name mo? Then your other younger siblings are Spade and Club? Miski si Fleur, galing sa symbol ang name. That's cool! Your parents really love you huh?"

Teka, si Faith yun ah!

"Paano niyo naman po nasabi?" tanong ng kapatid ko.

"Alam mo ba, kapag pinag-isipan ng mabuti ng mga magulang mo ang ipapangalan sa'yo, it means they are really grateful that you came to their lives."

Since Faith is here, hindi na ako nagulat nang malamang kasama niya si Lev.

"Grateful? Eh mukhang galing lang sa baraha yung mga pangalan namin. Kay ate, ewan ko kung saan nila napulot."

Sumingit na ako sa usapan nila dahil baka kanina pa namimilosopo ang kapatid ko. Alam niyo naman yun, masyadong prangka at matanong.

Nang makita ako ni Faith, lumawak ang kanyang ngiti at kumaway sa akin.

"Hi Fleur!!!"

Napilitan akong ngumiti pabalik sa kanya.

Nagpaalam na si Aya paalis ng sala at umakyat sa kanyang kwarto. Nang kami na lang tatlo ang natira, umupo ako sa bakanteng couch.

"Nakakatuwa talaga kausap ng kapatid mo. Also, I'm amazed of your siblings' names!"

"Anong nakakatuwa d'on? Aya was right. Mukhang sa baraha lang nanggaling ang mga pangalan nila."

"How about you? Where did your name come from?"

Kumunot ang noo ko dahil sa tanong ni Levi.

"Ano ba. 16 years na akong nabubuhay sa mundo pero never ko namang pinagdudahan kung saan nanggaling ang pangalan ko. Ang mahalaga, meron."

"Nagtatanong lang naman."

"Aish. Ano nga palang sadya niyo dito? Nag-iiba tayo ng usapan eh."

Napatayo si Faith at pinagdikit ang dalawang kamay na parang nagdadasal.

"Right! Magkakaroon kasi tayo ng meeting mamaya. Same time, same place. Excited na tuloy ako. Hehe."

Tumaas ang isang kilay ko.

"Wait. Anong pag-uusapan? Yung tungkol sa gala?"

Sabay na tumango ang dalawang lovebirds.

"Okay? Sige. Ipaghahanda ko lang kayo ng merienda--"

Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang makita si Lev na tumayo rin.

When Two Strangers Meet...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon