❝ Who will you choose between the two?
Is it someone you have known later than the other?
Or your trust will remain to the stranger you've met in a place where it all began?
Remember, your answer won't guarantee your survival.My game still continues. ❞
- D
➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶ ❦ ➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶
Fleur
Nang makita kong pumasok na si Flag sa school, nag-aalinlangan ako kung babatiin siya dahil hindi niya ako pinapansin. Maayos naman ang mood nito ngunit pakiramdam ko'y hindi okay kung babatiin ko siya ngayon.Sa kalagitnaan ng iniisip ko, nagulat na lang ako nang lapitan niya ang isa naming blockmate at tumayo ito para ibigay ang upuan kay Flag. Yun nga lang, kahit magkalapit na kami ulit sa isa't-isa ay hindi niya pa rin ako nililingon.
"Your friend is already here." sabi ni Ryle habang nakatingin kay Flag.
Yumuko ako para umiwas ng tingin.
"Si Lev na lang ang hindi pa pumapasok."
Gusto ko tuloy tanungin si Flag dahil hindi pa rin sila magkasabay ni Lev noong pumasok sa school. Ganun ba talaga sila ka-busy ngayon sa misyon nila?
Sa dalawa naming klase, hindi ko pa rin nakausap miski isang beses si Flag. Kami pa rin ni Ryle ang nagpapansinan kahit may pagkakataon kami lalo na't hindi pa rin nagsisimulang magturo ang mga prof namin ngayon. Matapos ang second subject, tinanong ako ni Ryle kung saan ko gusto kumain. Noong may nakasunduan na kaming kakainan, lumabas na kaming dalawa ng classroom. Hindi pa man kami nakakalayo dito, huminto ako sa paglalakad nang may tumawag sa pangalan ko.
"Fleur."
Nilingon ko ang taong ito na walang iba kundi si Flag. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng kanyang mukha kaya nalilito ako kung galit siya o hindi.
Noong magsasalita na ako, naunahan ako ni Ryle.
"We're gonna have some lunch. Wanna join with us?"
Hindi pinansin ni Flag si Ryle at pinanatili ang tingin sa'king direksyon.
"I need to talk to you."
Nagdadalawang-isip ako kung ano ang magiging desisyon ko lalo na't napagkasunduan na namin ni Ryle na sabay kami kakain ng lunch. Sa kalagitnaan ng pag-aalinlangan ko, nagsalita na naman si Ryle.
"Pwede kang sumabay sa'min sa lunch at doon mo kausapin si Fleur. There's no harm if we'll eat lunch at the same time."
Inalis ni Flag ang tingin sa'kin at tinuon niya ito kay Ryle.
"I already warned you to avoid her."
Naging seryoso ang mukha ni Ryle kaya naramdaman kong nagkakaroon na ng tensyon sa paligid namin.
"Why would I? Hindi lang naman ikaw ang kaibigan ni Fleur, 'di ba? Stop being jealous."
Sasagot na sana si Flag nang pumagitna na ako sa kanilang dalawa.
"Ryle, Flag, please. Sige na, makikipag-usap ko sa'yo. Let me have a minute."
Humarap ako kay Ryle at nakita kong nagtaka siya. Even though I don't want to leave him hanging, bibigyan ko ng chance si Flag ngayon. Bago pa man ako makapagsalita sa kanya, ngumiti ito sa'kin at umiling.
"You shouldn't apologize if you'll go with him. I understand."
"We'll eat lunch tomorrow. I'll keep my promise."
BINABASA MO ANG
When Two Strangers Meet...
Fantasy[COMPLETED] ✔ Love between two strangers. It may happen with miracles and could also be the fate's cruel game. Story Plot: 2015 Posted in Wattpad: January 14, 2018 Date Finished: September 10, 2023 Genre: Fantasy, Highschool, Adventure, Mystery (c)...