23rd Meeting

30 1 0
                                    

Our journey is the same like this mountain trail.
But what we gain is higher than the summit.
There could be thousands of stars in the sky.
But the memories are surely immeasurable. ❞
- D
 

 
   
   
➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶ ❦ ➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶

   
     
      
Fleur   
  
   
   
Nagising ako ng wala pang alas-singko ng umaga at nakitang tulog pa rin si Faith. Kahit maaga pa, nagdesisyon akong bumangon dahil hindi na ako makatulog.
 


Since we have an electric kettle in our room, nagtimpla ako ng chocolate drink para may iinumin ako habang naghihintay ng sunrise.

Hindi ako pumunta sa balcony dahil masyado pang malamig sa labas. Umupo ako sa malapad na windowsill para kahit papaano ay maenjoy ko ang view sa labas.

Sinet-up ko ang dalang maliit na telescope at naghanap muna ng mga planets dahil medyo madilim pa ang langit.

"Hoo~ Good morning Psyche~"

Nagising si Faith nang makita ko sa telescope ang Venus. Tinanguan ko lang siya at nagpatuloy sa paghahanap ng ibang planeta.

"Waaah. Excited na ako sa hiking natin mamaya! Tapos mag-stargazing pa tayo kapag nasa taas ng mountain!"

"Dito ka, Faith. Makitingin ka rin ng mga planets."

"Sige, sige. Hihihi. Ano bang mga planets ang makikita ngayon? May Uranus or Neptune ba?"

"Wala eh. Venus, Jupiter and Saturn lang ang kita ngayon."

We used a sky map in order to locate the planets in easy way. Hindi kami ganung nahirapan sa paghahanap sa Venus dahil ito ang pinaka-maliwanag na object sa sky ngayon. Miski ang Jupiter, nalocate rin namin agad dahil halos magkalapit lang sila ng Venus.

Faith was amazed after I told her the four objects rotating in Jupiter. Ito yung four largest moons niya na kitang-kita kapag gumamit ka ng telescope or binoculars.

"Wooow. Cute rin ang mga rings ng Saturn! Psyche, ang hilig mo talaga sa Astronomy 'no?"

Ngumiti ako kay Faith at inabot ang isang mug ng chocolate drink na tinimpla ko para sa kanya.

"Thank you!"

"You're welcome. Hmmp, ganun talaga. Na-aattract agad ako sa mga bagay na kakaiba."

"That's why everything about red isn't an exception."

Red strings of fate. The other world named Hongshiji. The mysterious people like Ghostman and Dee. These are the few strange things that I encountered which quickly picked my curiosity, even though I'm aware how dangerous it is to have knowledge about them.

"We're reciprocal, aren't we?" tanong ni Faith nang maibaba ang mug sa kalapit na mesa.

Tumingin siya sa bintana na kung saan unti-unti ng nagkakaroon ng liwanag sa horizon. As I heard her sighed, Faith lift her hand and her fingers touched the clear windowpane.

"How I wish I could just live normally. But our reality is always against us. Pysche, hindi mo pa alam kung ano ang tunay kong kapangyarihan 'no?"

May kinuha siyang coin sa bulsa at mayroon itong nakatali na red ribbon. May mga nakaukit ditong chinese characters at hindi ko maintindihan ang mga 'to.

"This is my special power. I can grant every kinds of wishes but I'll bear every consequences when they happened."

Hindi ko maialis ang tingin sa coin na nakapatong sa ibabaw ng palad ni Faith. It's only an old-looking gold coin but its worth is better than what you expect.

When Two Strangers Meet...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon