❝ The sparks spread like wildfire
An entry towards the end of new beginning
Who was the heartless person behind this chaos?
How dare this being to use my color to represent anger? ❞- D
➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶ ❦ ➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶
Fleur
Ito na ang unang araw ko sa bago kong eskwelahan. Maaga akong nagising dahil 7 am ang una kong klase.
5:30 am, bumangon na ako at hinawi ang kurtina ng bintana upang makita ang labas ng aming bahay. Medyo madilim pa sa labas pero nakikita ko na ang kaunting liwanag na kung saan aakyat ang araw mamaya.
Matapos 'non, bumaba ako sa kitchen at inabutan ang Mama ko na nagluluto. Nandoon rin si Papa habang kumukuha ng mga plato sa cabinet.
"Nandito ka na pala, Fleur. Gigisingin sana kita kanina. Akala ko'y tulog ka pa sa mga oras na 'to."
Pagkaupo sa bakanteng upuan, napatingin ako sa direksyon ni Papa nang iabot niya sa'kin ang lalagyan ng chocolate powder na nakapatong sa mesa.
"Nag-alala agad ang Mama mo na baka malate ka sa first day mo."
Ngumiti ako dahil sa sinabi ni Papa. Agad kong tinanggap ang binibigay niya sa'kin bago kumuha ng mug sa mug holder.
"Never naman po akong tinanghali ng gising kapag papasok ng school."
This is the first time na magkaroon ako ng magaang conversation kasama ang mga magulang ko. Parang dati, bihira ko lang sila makasalubong sa bahay dahil maaga silang pumapasok sa work. Ngayon, nandito silang dalawa sa bahay at bago ito sa paningin ko.
My mother, who rarerly cooks our breakfast. And my father, who rarely help my mother in the kitchen.
Matapos magluto ni Mama ng pagkain at maiayos ni Papa ang mesa, nagsimula na kaming magbreakfast.
"Ako na sana ang magdadrive mamaya para ihatid ka sa school mo, Fleur. Kaso makulit ang Papa mo. Sabi niya, siya na ang maghahatid sa'yo."
Natigil ako sa pagkain dahil sa sinabi ni Mama.
"Kaya ko naman pong pumasok sa school mag-isa. Gagamitin ko po ang scooter ko."
Nakita kong umiling si Papa.
"Malapit ang Destinee Academy sa atin, Fleur. Pero ang bago mong school, malayo."
Sabagay, may point siya.
"Sige, wala namang problema sa'kin Papa. Atleast hindi ako mapapagod sa pagscooter. Hahaha. Pero pwede na po ba kayong magdrive? Kakadismiss niyo lang po sa hospital last week."
"Hindi naman ako magtatagal sa pagdadrive. I can handle it." confident na sagot ni Papa.
"Kasama po ba kayo sa school, Mama?"
BINABASA MO ANG
When Two Strangers Meet...
Fantasy[COMPLETED] ✔ Love between two strangers. It may happen with miracles and could also be the fate's cruel game. Story Plot: 2015 Posted in Wattpad: January 14, 2018 Date Finished: September 10, 2023 Genre: Fantasy, Highschool, Adventure, Mystery (c)...