13th Meeting

62 3 0
                                    

Within the mighty circle that protects the balance of the two worlds
Here we go into the story of someone who's almost the same as mine
- D
 

 
        
         
➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶ ❦ ➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶
       
       
       
Fleur       
   
   
   
Oh great! Tch. Now that I'm with the most arrogant guy in the universe, it's too late for me to adjust myself of the surroundings while both of us are standing quietly beside the stop light.

What was our goal tonight? It's about the plan of searching the ghostman, right? Eh ano 'tong gagawin namin sa harap ng pedestrian lane habang nag-aabang ng jeepney?

"Lev, akala ko ba hahanapin natin si Mr. Ghostman? Anong ginagawa natin dito sa tabi ng kalsada?"

Lev gaze at me for a second before returning his attention to the blinking color yellow of the stop light.

"Oh yes, we are. Huwag ka munang ma-excite na makita siya."

Kahit kailan ay hindi ako masasabik na makita ang taong 'yon.

"Psh. Pero saan ba tayo pupunta? Hindi ba tayo papunta sa Hongshiji?"

I felt a disappointment when Lev shaked his head.

"Hala bakit? It means nandito siya sa normal na mundo?"

"According to Faith's belief, he will be lurking in one of the streets near the town plaza."

"Paano niya nahulaan?" I asked out of curiosity.

"Wild guess. I guess?"

Ang sarap nilang pag-untugin ni Mr. Stranger. Mas nakakaasar lang ang cupid dahil lagi niyang pinapakita sa akin na wala siyang pake sa lahat ng bagay.
  
Hindi ko na lang inintindi pa ang mga sinabi ni Lev hanggang sa may tumigil na jeepney sa aming harapan. Dahil nagpapaka-gentleman ang kasama ko, pinauna niya akong sumakay. Ewan ko lang kung nagpapanggap siyang mabait o ano.

Habang umaandar ang jeep, nakatanaw ako sa bintana at pinagmamasdan ang malinis na kalangitan. Walang maninipis na ulap ang nakakalat sa madilim na langit. Panay mga bituin at ang kaisa-isang bilog na buwan lang ang nakikita ko.

Sobrang komportable sa pakiramdam kapag nakikita ko ang payapang gabi ng syudad. Ito ang hindi maunawaan ng karamihan sa mga taong nasa paligid ko.

The silent night and its dark sky will always be my greatest company in this boring normal world. Whenever I will look at the starry night sky and embrace its cold breeze, the word contentment define what I feel.

"Psyche, may piso ka?" biglang singit ni Lev sa pagmumuni-muni ko.

Dahil sa pang-iistorbo niya, hindi ko naiwasang mapairap.

"Wala. Hindi ako nagdala ng pera dahil akala ko sa Hongshiji tayo papunta."

"Malapit na kasi tayo sa plaza. Pababa na tayo."

"Alam ko."

Pagkasabi ko 'non, merong kamay na lumitaw sa harapan namin.

"Ito, tanggapin niyo na."

Nahihiya pa akong kuhanin yung inaabot niyang piso. Sino ba naman kasi ang hindi mahihiya kapag binigyan ka ng pera ng isang hindi mo kilala? Kahit piso lang ito, aba mapapahiya pa rin ako 'no. Kahit papano pera pa rin 'yon.

"Madalas kong binibigyan ng piso ang mga estudyante na kinukulang sa barya. Tanggapin mo na. Mukhang malapit na ata kayo sa pupuntahan niyo."

When Two Strangers Meet...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon