16th Meeting

50 3 0
                                    

I like to sing you a song
A tune that could tear your soul apart
If words could bring you back to the past,
Do you still want to hear it even a single line?

- D
 

 
  
   
➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶ ❦ ➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶     
   
   
    
Fleur's PoV    
    
    
    
There's only one thing I need to prepare right now. Dahil tapos na ako sa Junior High, pwede na akong maghanap ng ibang school na papasukan.

Ito ang karaniwan sa plano naming mga estudyante after Moving Up. Mas gusto naming mag-enroll sa isang university or college institution dahil parang tertiary na rin ang Senior High.

I have decided to leave Destinee Academy for a reason. Binigyan ko ng pag-asa ang aking sarili na magsimula muli bilang isang estudyante sa nais kong papasukan na bagong paaralan.

While sorting some requirements that are needed in my upcoming entrance exam, kumunot ang noo ko nang makarinig ng babaeng sumisigaw sa labas. Nakilala ko kung sino ito nang banggitin niya ang pangalan ko.

"Psyche!!! Nasa bahay ka ba?! Nandito kami ni Lev! We promised to visit you before, right?"

Dahil magkatabi lang ang bintana at inuupuan kong study table, dumungaw ako sa labas at nakitang nakatayo sila Faith at Lev sa tapat ng gate namin. What the hell? Bakit ngayon pa nila naisipang bumisita dito?

Wait. Akala ko nagbibiro lang sila noon. Oh God. Paano pa ako mag-aasikaso ng mga requirements kung nandito sila?

Binitawan ko ang mga hawak na papel at mabilis na umalis ng kwarto para puntahan ang dalawa sa baba. Hindi pa man ako nakakababa ng hagdan, nakita kong sumilip si Aya sa pinto ng kanyang kwarto.

"Wow. I didn't know that you have friends."

Hindi ko pinansin ang sarcasm niya dahil dumiretso ako sa pagbaba ng hagdan. Not less than a minute, nakalabas na ako ng bahay at lumapit sa gate.

"Anong meron? May mission ba?" mahina kong bulong sa kanila dahil kita kong nakasilip ngayon si Aya sa bintana ng kanyang kwarto.

"Wala naman. Bibisita lang kami. Ang ganda ng bahay niyo, Psyche. Mas lalo kong naaninag ang itsura niya dahil maliwanag ngayon."

Hinayaan ko na silang pumasok sa bahay dahil nakakahiya naman kung pauwiin ko pa. Ikinandado ko ang gate noong nagpatuloy sila sa loob.

Pagkapasok sa sala, nakita ko silang nakaupo sa mahabang sofa habang nag-uusap. Para mas maging presentable ang pagtanggap ko sa kanila, nagpaalam akong ipaghahanda sila ng merienda.

Nakakatawa man pero ito ang unang beses na nagwelcome ako ng mga bisita sa bahay. Take note: bisita ko sila. Hindi kay Mama. Hindi rin kay Papa. Mas lalong hindi sa mga kapatid ko.

I already told before that I was a loner in school due to personal issues. Ngayong tumanggap ako ng mga bisita, pumalpak na agad ako sa paghahanda pa lang ng merienda.

Shete. Ba't di ko naisip na tanungin sila kung ano ang gustong kainin?

Halos mapatalon ako sa gulat nang makita si Aya na nakaupo sa isa sa mga upuan dito sa dinning area. Paanong hindi ako magugulat eh hindi ko siya napansin kanina noong pumasok ako dito?

Dahil tinititigan niya ako na para bang isa akong kakaibang nilalang, nilapitan ko siya at mahinang sinaway.

"Problema mo? At saka paano ka napapunta dito nang hindi ko napansing dumaan ka sa pintuan?"

When Two Strangers Meet...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon