❝ I know this is only a dream.
But do you want this to become your new reality?
The tears you wasted from them before will matter now.
As this is the happiness you've been waiting for so long.That's why please come with me, my dearest Gift. Let's go home and live the life we had.❞
- V
➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶ ❦ ➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶
Fleur
Most of the time, ayokong gumigising ng maaga. Bukod sa matutulog pa sana ako ng matagal, mas kumportable akong after lunch ang klase ko sa school dahil doon palang gumagana ang utak ko.
But today is different. I have the energy to leave my bed and be prepared for school later.
Before seven in the morning, kumain na ako ng almusal at nakapag-ayos ng sarili kaya umalis na rin ako ng bahay. Hindi na ako nakapagpaalam sa mga kapatid ko dahil tulog pa ata sila. Mabuti nga sila, walang pasok tuwing Sabado. Ako kasi meron eh.
Pagkarating sa school, pinarada ko ang bitbit na scooter sa parking area ng Destinee Academy bago tumingin sa paligid. Kahit isang oras pa bago magsimula ang klase, marami ng mga estudyante ang nasa school.
Noong masiguro kong safe ang pagkakadena ko ng scooter sa rack, dumiretso na rin ako sa main building para pumunta sa una kong klase.
Pagkarating sa classroom, mangilan-ngilan palang ang mga kaklase ko na nasa loob. Madalas sa kanila ay nag-uusap-usap samantalang ako ay tahimik na pumunta sa'king pwesto.
Pagkapatong ng bag sa table, bigla akong may naalala na siyang nagbigay sa'kin ng kakaibang pakiramdam.
Hindi ko maintindihan kung bakit para akong kinakabahan ngayon. Ordinaryo lamang ang araw na 'to pero hindi mawala sa isip ko ang suspetsiya na hindi tama ang mga nakikita ko.
On the other side, my mind is also saying that everything was just fine. Normal na pumasok ako ngayong umaga at tama din naman ang classroom na pinuntahan ko.
Meron ba akong nakalimutan?
Para madistract ang sarili sa kung anu-anong bumabagabag sa isip ko, kinuha ko ang phone ko sa bag at nagscroll. Bago ko pindutin ang inbox, mabilis akong lumingon sa pintuan nang may mahagip akong pamilyar na pigura ng tao.
"Hi! Meron po kayong hinahanap, ate?"
"Yup. Nand'yan na ba si Fleur?"
"Ah oo. Pasok ka na lang sa classroom namin. Wala pa naman kaming prof."
Pagkatingin ng pamilyar na babae sa direksyon ko, hindi ako makakilos nang tuluyan itong makilala.
Panay ang pagmaway niya sa'kin at sumesenyas ito na lumapit sa kanya pero hindi ko magawang magreact dahil nagtataka ako kung bakit siya nandito.
Habang nakatitig lang sa kanya, naramdaman kong tinapik ako ng katabi ko kaya sa kanya naman napapunta ang atensyon ko.
"Ayun nga pala ang bestfriend mo, Fleur. Kanina ka pa tinatawag."
Para hindi na maistorbo ang iba naming mga kaklase, tumayo na ako at naglakad palapit sa pintuan. Noong nasa harapan ko na ang taong naghahanap sa'kin, hindi ko pa rin magawang makapagsalita dahil halo-halo ang nararamdaman ko habang nakatingin kay Joline.
BINABASA MO ANG
When Two Strangers Meet...
Fantasy[COMPLETED] ✔ Love between two strangers. It may happen with miracles and could also be the fate's cruel game. Story Plot: 2015 Posted in Wattpad: January 14, 2018 Date Finished: September 10, 2023 Genre: Fantasy, Highschool, Adventure, Mystery (c)...