38th Meeting

31 0 0
                                    

He'll chase you even though you runaway.
If you don't want anymore connection, let me do you a favor.
I can see the red strings of fate.
If you say yes, I'll cut them but he'll fall in hatred.

- D
 

 
    
   
➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶ ❦ ➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶
    
    
    
Fleur  
    
   
     
Sa tatlong klase namin ngayong araw, ramdam ko ang kagustuhan ni Ryle na makausap ako. I know that he became confused why I'm avoiding him since morning. Sa tuwing gusto kong pansinin siya ay pinipigilan ko ang sarili ko lalo na't nangako ako kay Flag na hindi kami dapat magtiwala sa kanya.

Matapos ang huling subject, hindi ko na hinintay si Flag at nauna na akong umalis ng classroom. Bago pa man ako makalayo, may tumawag ng pangalan ko sa corridor na nagpahinto sa'kin sa paglalakad.

"Fleur."

Huminga ako ng malalim ay sinuot ang pekeng ngiti bago humarap sa kanya. Ngayong magkalapit na ulit kami sa isa't-isa, kitang-kita ko sa mukha ni Ryle ang pagkalito.

"Is it okay if we have lunch together? My treat again. I remember that you promised me yesterday. Babawi ka sa'kin."

Nakabawi man siya mula sa pagkalito, halata mong puno pa rin ng kaba ang nararamdaman niya dahil ang ikinikilos ko ngayon ay kakaiba. I could see from his hand gestures last time na gusto niya akong tapikin para pansinin siya. Pero parang may pumipigil sa kanya na gawin ito at naiintindihan ko kung bakit.

"I'm sorry, Ryle. Pauwi na kasi ako ng bahay. Sorry kung hindi kita masasabayan sa lunch ngayon."

Kahit nakangiti siya, kita ko ang lungkot sa mga mata nito dahil tumanggi ako.

Seeing him that way pains me too.

"Ganun ba? How about tomorrow? Hanggang before lunch din ang huli nating subject, 'di ba? Gusto kitang kasama, Fleur."

Parang nadudurog ang puso ko dahil mistulang nagmamakaawa na siya sa harap ko para makasama lang niya ako miski sa lunch. I know how it feels like to be left hanging by a friend. Ipinangako ko sa sarili ko na kapag magkakaroon ako ng mga bagong kaibigan ay hindi ko ipaparanas sa kanila ang naranasan ko noon.

But look what I'm doing. I was pushing him away as if he did something bad to deserve this kind of treatment.

Humigpit ang hawak ko sa strap ng aking bag at pinigilan ang sarili na tanggapin ang kanyang imbitasyon. This is the right thing to do. Seeing his arm gave me a doubt of his true intentions why he always wants to be with me.

Even though I could see his curse mark, I don't know why I still want to believe that he isn't as evil like the Ghostman we knew.

"Pag-iisipan ko." ito ang tangi kong nasabi sa kanya bago tumalikod.

Nakakailang hakbang palang ako, naramdaman ko ang paglapit niya sa'kin kaya napatigil na naman ako sa paglalakad. Bago ako makalingon pabalik sa kanyang direksyon, may naaninag akong lalaki na dumaan sa aking gilid at nakilala ko ito nang makita ang kanyang kamay na nakaharang kay Ryle.

"I already warned you to avoid her." seryoso pero puno ng pagbabanta na sabi Flag habang nakatingin ng masama kay Ryle.

"Flag, tara na." pag-ayaya ko sa kanya dahil mas tumitindi ang tensyon sa pagitan nila habang nakikita ang isa't-isa.

When I was going to pull Flag away, matibay pa rin ang pagkakaharang niya ng kamay kay Ryle para hindi na nito ako maabot.

"Kapag hindi mo pa tinigilan si Fleur, ako ang makakaharap mo."

When Two Strangers Meet...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon