❝ Light will always conquer the darkness. The smiles will turn down every pain. ❞
- D
➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶ ❦ ➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶
Fleur's PoV
After few days of meeting him, hindi ko na muli nakita pa si Mr. Stranger.
That's good in case of me since parang nakakasira ng araw ang lalaking 'yon.
But even I quickly get irritated when he's around, I found his existence interesting.
Sa ngayon ay January 31 na and it's the day of Super Blue Blood Moon.
Dahil sanay ako sa galaan tuwing gabi, hindi ko palalagpasin ang pagkakataon na makita ang total lunar eclipse.
This will be an exciting moment of my life. Although nakakita na ako ng total lunar eclipse before, hindi pa rin maiaalis sa feeling ko ang maging excited.
Bago pumasok sa school, nakahanda na sa bag ang mini telescope, binoculars and DSLR ko. Sa convenience store na lang ako bibili mamaya ng pagkain for food trip time.
Right after I fixed myself, pumunta na ako sa garage para kuhanin ang aking precious scooter.
By the way, walking distance lang kasi ang school dito sa bahay namin kaya hindi ako nagcocommute. Pero dahil ayokong mapagod sa paglalakad, nagpabili ako ng scooter kay Papa.
Sa una, medyo naweirduhan sila sa suggestion kong magkaroon ng scooter. Fine. I know this vehicle is commonly used by kids. Pero gusto ko pa rin gumamit nito e. Walang basagan ng trip.
Paalis na sana ako that time ng bahay nang makasalubong ko si Aya.
"Are you going to ride using that kind of vehicle again?"
This little man.
"Gusto mo bang hiramin? Ok lang naman sa akin. O eto."
I-aabot ko na sana yung scooter sa kanya nang makita kong sumimangot siya.
"Hindi ko kailangan ng scooter. May bike ako."
"Ang laki kasi ng problema mo eh. Kaya ayan, nagiging generous ako sa'yo. Para naman mabawas-bawasan ang pagiging antipatiko mo."
Iniwan ko na siya sa garage at umalis na ako ng bahay. Hindi ko na hinintay ang pagsagot niya. For sure namang babarahin niya ulit ako eh.
After few minutes, nakarating na ako sa school. Ikinadena ko yung scooter sa bakod ng parking area. Mahirap na kung hindi ko ikadena, baka manakaw.
"Good morning Psyche!"
Kakapasok ko lang sa lobby, si Faith agad ang bumungad sa akin.
Hindi ko ito binati dahil nagpatuloy lang ako sa paglalakad paakyat ng hagdan.
"Psyche! Alam mo bang may Super Blue Blood Moon ngayon? Sinearch ko siya kanina sa google and I found the phenomena so awesome! Nood tayo mamaya sa rooftop. Pwede daw magstay-in sa school up to 12 midnight dahil sa eclipse!"
BINABASA MO ANG
When Two Strangers Meet...
Fantasy[COMPLETED] ✔ Love between two strangers. It may happen with miracles and could also be the fate's cruel game. Story Plot: 2015 Posted in Wattpad: January 14, 2018 Date Finished: September 10, 2023 Genre: Fantasy, Highschool, Adventure, Mystery (c)...