35th Meeting

35 0 0
                                    

You are a poison, which will give her an easy way to meet Death itself.
Your selfishness made it happen, and you will completely suffer under my Brother's curse as another prize.

You have been warned.

- D

        

       
     
➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶ ❦ ➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶   
    
   
   
Fleur   
  
     
  
Walang pinagkaiba ang unang araw ko sa Senior Highschool dahil bumalik lang ako sa dati kong paaralan.

There are still minor changes I noticed since I'm already in another stage of my school life. Yet, there's nothing so much new for the rest as I'm already familiar of the place.

Bago pumasok sa classroom, huminga muna ako ng malalim at saka sumilip sa bintana kung saang row ng mga upuan ay mayroon pang bakanteng pwesto. Nang makapili na ako ng lugar, dahan-dahan akong pumasok sa loob at  naupo doon.

Some of my classmates are familiar to me, but the rest seemed came from different schools. Kahit hindi ko ugaling bumati sa mga tao, nginitian ko ang mga dati kong kaklase para naman maging maganda ang simula ng araw na 'to.

Dahil tahimik lang ako sa aking upuan, kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang inbox. Nang makita ko ang pangalan ni Flag, in-exit ko ang app at pinatay ang screen ng phone ko.

Matapos kong makausap si Flag noong mga nakaraang araw, hindi na ito nagparamdam pa kahit kila Faith. Dumalaw naman sila Faith sa bahay ni Flag pero hindi na ako sumama sa kadahilanang medyo nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan. Hindi ko sinabi kay Faith ang nangyari sa tapat ng convenience store pero kita ko sa mukha niya na alam niyang nagkaroon kami ni Flag ng hindi magandang pag-uusap. Hindi na ako nagtaka kung paano ito nalaman ni Faith dahil pare-parehas silang may kapangyarihan na malaman ang nararamdaman ng isang tao. Kaya noong tumambay sila sa bahay ni Flag, naintindihan niya kung bakit hindi na ako sumama.

Sa pag-uusap naming 'yon ni Faith ay nalaman kong magkaklase kami ni Flag at kabilang kami sa iisang section. Ganun din si Lev ngunit hindi siya makakapasok ngayon dahil may gagawin itong importante sa Hongshiji. Hindi ko alam pero nakukutuban ko ring hindi papasok si Flag ngayong first day of school dahil iiwasan ako nito matapos ang huli naming pagkikita.

Gustuhin ko mang i-text para malaman kung nasaan siya, pinili ko na lang maghintay kung dadating siya sa classroom. Lumipas ang mga minuto, ni anino niya ay hindi ko nakita.

"Fleur!"

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, may narinig akong pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko. Pagkalingon ko sa aking kaliwa, nakita kong umupo si Ryle sa aking tabi at tila masayang-masaya noong pinansin ko siya.

"Good morning, Ryle."

"Tama ang narinig ko na dito ka pa rin sa Destinee Academy papasok. Kamusta?"

Napilitan akong ngumiti dahil ayokong mahalata ni Ryle na merong gumugulo sa isip ko.

"Ayos naman. Ikaw ba?"

"Actually, nalungkot ako sa nangyari sa dapat mong bago na school. You know that I participated in their summer camp. I have seen how good the institution for you. And yet, it was unfortunate to be caught in fire."

When Two Strangers Meet...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon