9th Meeting

68 5 0
                                    

Fire from something that might save her, pleases to leave the mortal Cupid
- D
 

 
  
  

➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶ ❦ ➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶
 

 
  
   

Fleur's PoV   
 

 
  
  

Pagkabalik namin sa temple, sinalubong kami nila Lev at Faith suot ang ngiti sa kanilang mga mukha.

"What happened? Nakita niyo ba?" tanong ni Faith sa akin.

I simply shaked my head since we didn't saw anything except from dust and wrecked furnitures.

"How sad. Nadetect ng rectifier na mismong sa abandonadong building na 'yon ang bagong lungga ni Mr. Ghostman. Don't tell me nagloloko lang ang devices natin?"

Inilabas ni Faith yung sinasabi niyang rectifier-kuno at pinakita sa amin ang screen nitong may nagbiblink na kulay red.

"That's the spot where he is staying at. Mismong address ng building ang nakasulat dito. I don't know kung bakit parang nagkakamali tayo sa nadetect na info."

Faith seems want to cry because of the failure. Sa totoo lang, wala akong maintindihan sa misyon dito. Pwera sa nakakakita ako ng mga red strings of fate, wala na akong special na abilidad mula sa kanilang lahat.

Mukhang kailangan ko ata ng other special ability para maintindihan ang pinagsasabi nila.

"Ghostman is simply a spectre of this world who keeps destroying the balance between unordinary and ordinary living. Ginugulo niya ang tadhana ng mga tao at gusto niyang ipahamak ang special cases na gaya natin para may tumulong sa kanyang sirain ang normal na takbo ng mundo."

Kung isa akong normal na tao at hindi mahilig manuod or magbasa ng mga fantasy at paranormal stories, sasabihin kong baliw ang mga kasama ko ngayon.

"Sino ba ang ghost man na 'yon para ikabahala niyo?"

"He has three wild hounds which is living from the alternative world called Black. Siguro naman at kilala mo siya?" seryosong tanong sa akin ni Mr. Stranger.

Three hounds? As in tatlong aso?

Agad namang bumilis ang tibok ng puso ko nang maalala yung mga halimaw na aso na humabol sa amin ni Cupid noon.

"Jeez! He is the one?! Hindi na ako nagtataka na nangangamba kayo sa kanya."

For heaven's sake, he is really a spectre-a-like kind of man. Or worse, baka isa siyang poltergeist na gustong-gusto sa panggugulo ng mga buhay namin.

The three have their own meeting while I was left silent just beside them.

Ano na kayang oras sa tunay na mundo? Kailangan ko na bang umuwi?

Sakto sa pagtatapos ng kanilang pagpupulong, tumingin sa akin si Mr. Cupid habang seryoso ang mukha.

"The she-stranger needs to go back in the normal world. Hindi niya kailangan magtagal dito dahil wala siyang maitutulong sa atin."

Sumang-ayon naman sila Lev at Faith sa sinabi niya bago lapitan ako. Oh right! Psh. Ako na ang walang maitulong. Pasensya na kasi normal lang akong tao na gustong-gusto na maging kakaiba sa lahat, ok? He does not need to brag out about my weak image. Ugh.

When Two Strangers Meet...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon