❝ When two strangers meet, everything has changed. ❞
- D
➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶ ❦ ➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶
Fleur's PoV
It's another day.Hindi ko ulit maalala ang mga nangyari kahapon. Nakakairita na ang mga nangyayari sa akin.
Mula kasi noong magising ako, nasa loob na ako ng kwarto at wala akong kaalam-alam kung paano nakarating sa bahay.
Ni hindi ko nga alam kung nakapag-adventure ako kagabi eh.
"Ate, nakahanda na po yung breakfast sa dinning area."
Pumasok pala sa kwarto yung pangalawa kong nakababatang kapatid na si Spade.
"A sige. Bababa na rin naman ako mamaya. Sila Club?"
"Nasa labas na po siya ng bahay kasama si Kuya Aya."
Pagkalabas ni Spade ng kwarto, humiga ako ulit sa kama at tumingala sa kisame.
"Gosh. Ano bang meron sa akin at parang nagiging makakalimutin na ako?"
Dinning Area
Pagkalapit ko sa mesa, nakita ko si Papa na busy magbasa ng dyaryo. Katabi niya naman si Mama na abala sa cross stitch niya."Good Morning po, Ma, Pa."
Hindi ko na hinintay pa ang kanilang pagbati dahil nagsimula na akong kumuha ng pagkain.
"The school has called us last night."
Napahinto ako sa pagkuha ng kanin dahil biglang nagsalita si Papa.
"Saan ka nanggaling kagabi?"
Naglakas loob akong tiningnan siya sa mata. Ngayon ay nakalapag na yung ginagamit niyang dyaryo sa mesa at seryoso itong nakatingin sa akin.
"Hindi ko po alam yung mga nangyari kagabi."
"Hindi mo alam? O baka nagtatangka kang magsinungaling muli sa amin ng Mama mo?"
Tatayo na sana ako nang biglang lumingon sa direksyon ko si Mama.
"Kinakausap ka ng Papa mo, Fleur Psyche. Huwag mo siyang lalayasan."
This is what I hate about our house. Mas mabuti pang hindi ako napapansin ng mga magulang ko dahil ito lang ang nagiging paraan para magkaroon kaming tatlo ng konbersasyon.
The way is odd.
At isa pa, sermon na 'tong nangyayari ngayon.
"Ma, hindi ko talaga alam ang mga nangyari kahapon!"
"Pero bakit ka ginabi sa school kung wala kang natatandaan?" tanong ni Mama.
"May curfew kayong magkakapatid. Maaaring payagan ka naming makauwi ng medyo lagpas ng ilang minuto mula sa curfew. Pero yung pagka-uwi mo kagabi? Mistulang nakipag-inuman ka sa kalye!"
Huminga ako ng malalim bago sila tanungin.
"Ano bang oras ako umuwi kagabi?"
"Alas dose ng hating-gabi!" sigaw nila.
Okay.
Wala akong kasalanan kung umuwi ako ng ganung oras. At isa pa, paano ko malulusutan ang late kong pag-uwi kung miski isang porsyento ay wala akong naaalalang nangyari kahapon?
BINABASA MO ANG
When Two Strangers Meet...
Fantasy[COMPLETED] ✔ Love between two strangers. It may happen with miracles and could also be the fate's cruel game. Story Plot: 2015 Posted in Wattpad: January 14, 2018 Date Finished: September 10, 2023 Genre: Fantasy, Highschool, Adventure, Mystery (c)...