11th Meeting

51 5 0
                                    

Blood that let her see everything real
Strings that pointed her way into the so-called word fate. ❞
- D
 

 
   
   
➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶ ❦ ➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶
  
   
   
Fleur's PoV   
   
  
   
We're back inside the strange realm known as Hongshiji to finish our current mission. Habang nakabuntot ako kay Mr. Stranger, hindi ko maiwasang kabahan dahil sa sinabi niya kanina.

We have a mission in this world unexpectedly (right in the middle of the night from the ordinary realm) and we need to deal with that Ghostman who keeps destroying the good flow of the normality in two realms.

Lalo na sa mga nakatakdang bagay sa pagitan ng dalawang magkaibang mundo, ito ang ilan sa mga gusto niyang guluhin sa hindi malaman na dahilan.

After a very long walk, tumigil kami ni Mr. Stranger sa isang tahimik na lugar na tanging yung stop light lang ang gumagawa ng ingay. The stop light keeps flashing a red hue around the place at mukhang imposible itong mapalitan ng kulay gaya ng green at yellow.

"Let's wait in this spot for a while. Dito natin tatagpuin ang kailangan nating makausap."

Isang medyo madilim na avenue ang itsura ng lugar kung saan kami naroroon ngayon. Halos kamukha ito ng mga normal na avenue sa ordinaryong mundo bukod sa ilang kakaibang halaman at parang will-o-wisps na kulay pula ang makikita sa buong paligid.

Matapos ng maikling paghihintay, muling bumalik ang mabilis na pagtibok ng aking puso nang makita ang dalawang pares na dilaw na ilaw hind kalayuan sa kinatatayuan namin.

If I'm not mistaken, maybe these lights were owned by those creepy dogs. Ibig bang sabihin, nandito ang mga asong ito dahil...

Si Ghostman ang kailangan naming kausapin?!

After several seconds, I saw between those two pairs of yellow eyes that the Ghostman has arrived. Naalerto ako sa isang paghakbang nito pasulong sa kinaroroonan namin nang mapansing humigpit ang hawak ni Mr. Stranger sa kanyang pana.

Huminto ang estranghero sa dulo ng pedestrian lane na katapat lang namin ni Mr. Stranger. Mukha pa rin siyang lumulutang na damit dahil hindi ko maaninag ang kanyang mga kamay at paa.

"Nandito kami para bigyan ka ng babala. Itigil mo na ang panggugulo sa dalawang mundo dahil marami ang mapapahamak sa mga plano mo." mahinahon pero puno ng pagbabanta na sabi ni Mr. Stranger kay Ghostman.

Hindi ko maaninag ang mukha ng kausap namin dahil natatakluban ito ng anino na gawa ng kanyang hat. Kahit gusto kong makita kung sino ang nilalang na 'to, tila may pumipigil sa akin na malaman ang katotohanan sa likod ng kanyang misteryosong katauhan.

"Kahit pa si Dee ang pumigil sa akin, wala ni isa sa inyo ang makakasira ng nabuo kong plano." sagot naman ni Ghostman.

Parang pamilyar ang boses niya sa akin. Saan ko ba 'to narinig noon? Kung hindi ako nagkakamali... parang nagkita na kami dati.

O kaya nagkataon lang na nabobosesan ko siya dahil walang imposible sa magkaboses na mga tao?

Kaso hindi naman tao ang kausap namin eh! He's a creep!

"Kung hindi mo titigilan ang panggugulo, makakaharap mo kaming lahat. Miski si Dee, makakalaban mo."

"Wala akong pakialam! Magkakaroon ng pangalawang laban kahit kumampi sa inyo si Dee!"

Wait. Sino ba 'tong Dee na kanina pa nilang binabanggit? Hindi ko alam kung bakit parang na-oout of place na ako sa pagitan nila. Ano pa ba ang silbi ko sa mission na 'to kung wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nila?

When Two Strangers Meet...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon