29th Meeting

34 1 0
                                    

A man who smiles brighter than the sun
You'll see him with eyes of a human
When the veil of darkness falls down
Hide and seek will start anytime soon

- D
    
 

  
   
➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶ ❦ ➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶  
    
    
    
Fleur  
  
  
  
This will be the last day of our Summer Camp. Marami akong mamimiss na experiences dito. Although dito rin ako papasok ngayong school year, alam kong may magbabago na once matapos ang event na 'to.

Nakatambay ako sa bench habang hinihintay si Ryle. Hindi na dapat siya makakaattend ngayong last day pero nakagawa siya ng paraan para pumunta. I didn't know what his reason why he has complicated schedule today.

But one thing's for sure, aattend daw siya kahit anong mangyari.

After a minute, natanaw ko na si Ryle mula sa crowd. Kahit medyo malayo siya sa bench na inuupuan ko, kita kong nakangiti na siya habang nakatingin sa direksyon ko.

"Good morning, Fleur." bati niya sa'kin sabay angat ng paperbag na kanyang hawak.

"Good morning din, Ryle. Ano 'yang dala mo?"

"Iced gems. Para may merienda na agad tayo mamaya."

"Whoah. That's nice. Ang galante mo rin e 'no? Hahaha. Nakakatuwa naman. Favorite ko 'yan noong bata pa ako."

"So, hindi mo na siya favorite ngayon?" tanong ni Ryle nang mawala ang mga ngiti.

"Favorite pa rin naman. Hahaha. Bakit ka nalungkot d'yan? Parang ang big deal sa'yo na hindi ko na super favorite ang iced gems."

Natawa si Ryle.

"Nothing. So, shall we go and meet the others?"

Nagthumbs up ako sa kanya at niyaya nang pumunta sa kalapit na tent. Magmula noong isang araw, nagmerge na ang group namin kaya mas lalo kaming napalapit ni Ryle sa isa't-isa. Dahil sa closeness naming dalawa, madalas ay naikukwento ko sa kanya yung mga bagay na tanging tinatago ko lang sa sarili ko.

During those times I'm sharing him some of my secrets-- especially what happened to my friendship with Joline and other family matters-- it reminds me of Flag.

Si Flag ang madalas makahalata ng problemang dinadala ko. I don't know if it's related to his job-- as a Cupid. The red string of fate is connected to the heart of a person, which I think can give him an access to see their true feelings.

The morning activities goes smoothly just like the past few days. I could see from Ryle's eyes that he's enjoying the last day of our Summer Camp. While his happiness is limitless, I can't help but become happy for him too.

"Kanina ko pa iniisip kung saan tayo maglulunch mamaya." biglang sabi ni Ryle nang buksan ang isang pack ng iced gem.

"Morning break palang natin tapos lunch na agad ang nasa isip mo?" natatawa kong sabi sa kanya.

Inalok niya ako na kumuha ng mga iced gem at tinanggap ko naman 'yon.

"Nakainan na ata natin lahat ng gusto kong kainan dito. May naisip ka bang iba?"

Ilang segundo akong nag-isip bago may magpop up na idea sa utak ko.

"May alam ako. Hindi pa ako nakakakain d'on. Balak ko noon kumain kaso madalas hindi natutuloy eh."

Rumehistro sa mukha ni Ryle ang kuryosidad. Matapos n'on, napangiti ito at nagpangalumbaba sa harap ko.

"I'm looking forward to it."

When Two Strangers Meet...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon