17th Meeting

52 3 0
                                    

Dear, do you remember your nightmare?
The haunting past, if you're still aware
An invitation for a little reunion
Will you go despite of that unforgiving illusion?
- D
 

 

  

➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶ ❦ ➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶

    
  

Fleur  
 

 
  
 

While waiting for the day when Faith and Lev has finalized our summer plans, ibinalik ko ang focus ko sa pagrereview for Senior Highschool entrance exams.

Habang nag-aaral, tahimik na naglalaro ang mga kapatid kong sila Spade at Club. Aya is nowhere to be found in our house. Mas okay na wala siya dito dahil puro panglalait lang ang aabutin ko sa kanya.

"Malapit na pala magtanghalian." sabi ni Spade.

Tumingin ako sa grandfather's clock na nasa gitna ng salas at dining area. He's right. It's already passed 11 in the morning. Ang bilis ng oras.

"Nagugutom na ako." si Club naman ang next na nagsalita.

"Ate Fleur, kumain kaya muna tayo?" pag-aanyaya ni Spade.

Isinara ko ang hawak na libro bago lingunin ang dalawa.

"Okay."  
 

 
  
   

➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶ ❦ ➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶   
 

 
  
  

At the dining area, busy mag-usap sila Spade at Club habang hinahanda ko ang mga opagkain. Nang maging maayos na ang dining table, nagsimula na kaming kumain.

"Kuya, nakita ko sa internet kagabi yung sinasabi ko sa'yo noong isang araw."

"Yung laro ba? Ano nga pala ang meron d'on?"

"Sayang, wala si kuya Aya. Mas maganda kung tatlo tayo sa team. Ate, gusto niyo pong sumali?"

Napatingin ako kay Club.

"Saan?"

"May bago kasing nauuso na android game ngayon. Pwede naman siyang one on one pero mas maganda kung maraming kasali."

Nag-isip muna ako bago sumang-ayon sa sinabi ni Club.

"Sure."

Matapos ang tanghalian, bumalik kami sa kwarto para maglaro. Spade and Club decided to use their iPads while I stick to my phone.

While downloading the online game they're talking to, napatingin ako sa bintana.

Ngayon na ba babalik sila Faith at Lev sa bahay? Bakit pakiramdam ko may bisita ako mamaya?

When the online game has successfully downloaded, nagsimula na kaming maglaro. Good thing that I'm also good in playing deduction games. Hindi ako nahirapan habang kalaro ang dalawa.

When we're already on our fourth game, parang may naririnig akong nagdodoorbell sa labas.

"Leave muna ako sa game. Titingnan ko lang kung sino yung bisita na dumating."

When Two Strangers Meet...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon