SIX

10.6K 424 103
                                    

Dedicated to:
yokokurama11
DeltaAmore
ASAWANIYERIN
libagniAva

Thank you guys 😘

Livvy's POV:

Nasa sala ako ngayon habang titig na titig sa mga bag na dadalhin ko. Ngayon kasi ang araw na susunduin ako ni Ma'am Azura, para lumipat sa bago nilang condo. Kagabi ko pa pinapakalma ang puso ko, masyado kasi akong kinakabahan sa mga posibleng mangyari. Idagdag mo pa ang mga pinag sasabi sakin ni Ma'am Azura.

Hinanda ko na ang sarili ko pero di ko lang talaga maiwasan ang kabahan. Pero bahala na, kahit 6 weeks lang malaking tulong na yun sa panganganak ni ate. After that pwede na kong mag hanap ng ibang trabaho, habang nag aaral.

Maya-maya pa'y nakarinig na ako ng sunod-sunod na busina ng kotse. Nag madali kong kinuha ang mga bag na dadalhin ko, at pinatay ang ilaw ng bahay. Wala kasi si ate at pumunta sa clinic para sa check up nito, ni-lock ko na rin ang pinto tutal may kanya kanya naman kaming duplicate ng susi.

Napansin ko ang itim na kotse na nakaparada sa harap ng bahay, ng lapitan ko ito ay bumungad sakin ang magandang mukha ni Ma'am Devyn. Kahit talaga mukha syang masungit di naman ito nakabawas sa ganda nya.

Opposite naman sa kaibigan nitong si Ma'am Azura na maganda at mukhang anghel sa napaka amo nitong mukha, di mo mapag hahalataang may tinatago palang kasamaan ng ugali

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Opposite naman sa kaibigan nitong si Ma'am Azura na maganda at mukhang anghel sa napaka amo nitong mukha, di mo mapag hahalataang may tinatago palang kasamaan ng ugali.

"Hey! Annoying. Are you just going to stand there?!" Narinig kong bulyaw ni Ma'am Devyn, na nag pabalik sakin sa wisyo.

"S-sorry po, nagulat lang ako kasi akala ko si Ma'am Azura ang--"

"Nakikita mo naman ako diba? Edi malamang ako ang susundo sayo." putol nito sa sinasabi ko.

Napaka talaga ng ugali nito.

"Move faster! Gosh! Ang baho baho sa lugar nyo." Maarteng sambit nito.

Bago pa man bumuga ng apoy ang dragon, binilisan ko na ang kilos ko. Binuksan ko ang compartment ng sasakyan nito at inilagay roon ang mga bag na dala dala ko. Nahagip ng mata ko ang dalawang malalaking maleta, baka mga gamit ni Ma'am Devyn.

Ng makapasok ako sa kotse ay agad namang humarap sakin si Ma'am Devyn na may hawak na Hand sanitizer.

"Hands." sambit nito, habang naka kunot ang noo.

"Po?" Ulit ko.

"Kamay mo akin na, my gosh! Akala ko ba matalino ka?!"

Grabe naman, sana kasi kinumpleto nya.

𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙨𝙚𝙭) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon